015

4.4K 96 1
                                    

     "Wooo! Goodluck! Just be yourself" Bulong ko sa sarili hindi naman ganun kalayo ang apartment nya sa Adamsom kaya medyo napaaga ako kasi malayo sa ateneo to.

Lumabas ako at dinouble check ko ang kotse ko kung nakalock na at huminga nang malalim bago ako naglakad papalapit sa apartment nya. Kakatok na sana ako nang bigla itong bumukas kaya nagulat ako. "Oh-sorry nagulat ba kita?" Tanong ni Jema sakin pero nanatiling nakatingin lang ako sakanya.

"Pasok ka" Sabi nito at hinila ako papasok dun ko nakita na malinis sya sa bahay.

"Upo ka muna and give me 10 minutes ha" Tango lang ang binigay ko dahil hindi mahanap ang boses ko. Kainis bakit kasi ang ganda nya? Gumanda sya lalo.

10 minutes passed nasa harapan ko na talaga sya kaya agad akong napangiti dahil sa aura nya. She seems so happy kaya hindi ko napigilan na magtanong. "You look so happy. Why?" Tanong ko pero nginitian nya lang ako.

Naglakad kami papunta sa kotse ko at pinagbuksan ko sya bago ako sumakay. Agad ko naman binuksan ang engine para makakain na kami baka kasi gutom na sya.

"Bb, about dun pala sa stare down. Sorry talaga" Mahinang sabi ko at sumilip sakanya at hindi ko inaasahan na nakatingin rin sya sakin. "Bb parin tawag mo sakin ha?" Napangiti ako nang makita kong mapang-asar nyang ngiti. 

"Why? May magagalit ba? Masasaktan yung shippers natin nun pag nagkataon" Sabi ko at narinig kong natawa sya. "Meron" Napa-break ako nang di oras dahil sa sinabi nya kaya sabay kaming nagkatinginan pero bigla ko rin naalala na ano ba ako? kaya iniwas ko ang tingin ko at sa daan na lang nag-focus at nag-drive na lang ako dahil naramdaman kong biglang bumigat ang aura pero dapat hindi ganto kasi paano kami makakain nang ayos diba? 

Maayos kong Pinark ang kotse ko at pinagbuksan ko ulet sya ng pinto kaya ngumiti sya sakin na sinuklian ko. Sabay kaming naglakad papasok nang samgyeopsal agad kaming umoorder kaya napangiti ako dahil parehas na yata kaming gutom na dalawa. "Hi" Napatingin ako sakanya at nakita kong nakaharap sakin ang phone nya kaya agad akong ngumiti at agad ko rin tinakpan. 

"Post ko sa My day ko sa Ig ha?" Natawa akong tumango sa sinabi nya. Well Jema Galanza na yun tatanggi paba ako? Magtatanong sana ako sakanya pero biglang dumating yung order namin kaya siguro mamaya na lang galit galit muna kami. 

pero hindi ko matiis. "I heard na last playing mo na pala?" Tanong ko sakanya kaya napatingin sya sakin pero dapat pala hindi yun yung tinanong ko dahil na saksihan ko kung paano sya ngumiti ng malungkot sa harap ko. "Ah...Yes last playing year ko na ngayon kaya nga medyo na sad ako dahil hindi kami nakapasok sa final four pero don't get me wrong ha" Sabi nya kaya ngumiti ako sakanya. 

"Ano ka ba, okay lang. Kung ako rin naman malulungkot ako" Sabi ko sakanya at ngumiti na naman sya pero hindi abot hanggang mata. "Jessica" Bulong ko kaya napatingin sya sakin ng gulat kaya hindi ko napigilan na matawa pero pinipigilan ko. 

"Wag Jessica itawag mo sakin kung ayaw mong tawagin kitang Maria dyan" This time ako naman ang napatingin sakanya. Seriously? "No! Hindi na Jessica" Ngiting sabi ko at napangiti rin sya. 

"Margarett na lang...cute" Sabi ko at sinamaan nya ako nang tingin kaya natawa ako pero biglang nagiba ang yung aura nya bigla syang ngumiti ng nakakaloko. "Izabella" napasimangot ako kasi pati ba naman iyon alam nya. 

"Suko kana ba?" Sabi nya at tinawanan ako. Bakit hindi ako naiinis na tinatawanan nya ako? Bakit para bang mas okay sakin na nakikita syang tumatawa? "huy! kumain ka dyan"  Agad kong iniling at tinuloy ko ang pagkain ko. 

Akala ko naman magiging madali. Lihim akong tumingin sakanya na busy sa pagkain kaya hindi ko na naman mapigilan na ngumiti. Ilang beses mo na ba ko napangiti ngayon araw ha Ms.Jessica Margarett Galanza? Sobra ba ko kung hilingin ko kay God na masundan pa tong pagkikita natin? I wasn't sure back then sa pagka-gusto ko sayo pero alam ko na totoo yung naramdaman ko that time pero kailangan kong ayusin ang sarili ko dahil kung sakaling magkaharap tayo ayokong humarap sayo nang kulang, ayokong humarap sayo na durog ako. 

Pinilit kong hindi ka tawagan o text dahil baka once na ginawa ko yun hindi ko kayanin at humarap ako sayo. Gusto ko lalapit ako sayo nang hindi ako iiyak dahil ayokong maawa ka sakin. Ayokong makita mong nasasaktan ako tama na sakin yung pagkakataon na pagtulong mo sakin. "Hmm?" Ngumiti ako sayo ng nakita mo akong nakatingin sayo. 

"Thank you" Seryosong sabi ko at sana ramdaman mo yung sinisiridad ko dahil totoong nag papasalamat ako sayo. "Thank you dun sa pagtulong mo sakin before" Ngiting sabi ko at kumunot ang noo nya marahil nakalimutan nya pero agad din nyang naalala dahil halata sa mukha nya. 

"Wala yun. Umm...kamusta na pala kayo?" Tanong nya sakin at this time ako naman yata ang ngumiti ng malungkot at umiling sakanya. "What do you mean by this?" Tanong nya at ginaya ang iling ko kaya agad na napalitan yung lungkot nang saya dahil sa ka-kyuutan nyang taglay. 

Jema, please...stop being cute when your with me. "Wala, kasi wala na pala kasing dapat pang ibalik pa" Sabi ko sakanya at ngumiti samantalang sya nakatulala lang sakin kaya agad kong pinitik ang noo nya. "Aray!" Natawa ako dahil sa pag-aray nya napaka arte naman this Queen. 










         On the way na kami sa apartment nila, dapat talaga mag-mall pa kami pero biglang tumawag ang kapatid nya dahilan para maaga ko syang ihatid ay hindi narin pala ganun kaaga dahil It's already 10. Natanaw ko na yung building nila kaya malungkot akong nagnakaw ng tingin sakanya hindi kami nag-uusap sa buong biyahe pero hindi namin ramdam yung awkwardness dahil okay naman kami after dinner siguro prefer lang namin yung tahimik at music lang ang naririnig namin. "Here we go" Ngiting sabi ko sakanya kaya napatingin sya sakin saglit kong sinuklian ang ngiti nya at agad rin lumabas para pag buksan sya. 

"Thank you" Ngumiti lang ako sakanya at nag-act ako na iga-guide ko sya kaya at narinig kong natawa sya dahilan na naman para mapangiti ako. "Well, It's nice to be with you again..." Ngiting sabi ko sakanya dahil nasa harap na kami nang apartment nya. 

"Umm, this is the first time na matino kang kasama" Natawa ako sa sinabi nya at ganun rin sya. Kailangan ko ba talagang umalis? "Thank you" sabay namin sabi kaya again natawa na naman kaming dalawa teka wala naman yata kaming ginawa kundi tumawa isa't isa. 

"I hope this is not the last" Nahihiyang sabi ko sakanya at ngumiti. "Sure, There's no problem with that at mauulit talaga yung ganto" Naramdaman kong uminit ang mukha dahil sa sinabi nya. 

"Y-ou already said that huh! Wala ng bawian" Ngiting sabi ko for sure namumula na talaga ako at buti na lang medyo madilim dahil dim light lang ang nasa hallway nila. "Oo na, Wongskie" Sabi nya kaya hindi ko na talaga mpigilan yung saya ko. 

I heavely sighed bago ako nag-paalam sakanya. Ano bang meron bakit parang kulang parin yung oras na nakasama ko sya? "I'll mark your words Queen and I already need to go dahil" Sabi ko at pinakita ang phone ko dahil natawag na ang magulang ko. 

"Hala ka! Lakad na umuwe kana baka mapagalitan kapa" Natawa ako dahil mukang nag-aalala talaga sya pero nag-sign ako na wag syang maingay at may balak pa sana itong pigilan ako pero hindi nya nagawa dahil nasagot ko na. 

"Mom"

"..."  Tumingin ako sakanya at ngumiti. 

"Opo, I'm on my way na po"

"..."

"Yes po, There's nothing to worry about po and I'll make sure that I'll drive safely"

"..."

"See you, I love you" Hindi ko inalis ang tingin ko sakanya habang sinasabi ko yun at kahit ako hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang ilayo ang tingin ko sakanya. Gustuhin ko man tong titigan namin pero hinahanap ako kaya agad akong lumapit sakanya at pinitik ang noo nya and bago pa sya makapag-react ay agad ko syang yinakap. "Thank you for making my night a  good night" Bulong ko habang yakap sya. 

"See you very soon..." Mabilis na sabi ko at agad ko syang hinalikan sa pisngi dahil alam kong mag rereact sya ay agad akong tumakbo pa layo. I guess! Goodnight"

Fall for youWhere stories live. Discover now