030

4.1K 87 14
                                    

     "Deanna!"

     "Deanna Wong!"

     "Isa!"

     "Ate Madssss!"

Nagulat si Deanna dahilan para agad na mapabangon ito at agad ang dahilan kung bakit sya nagising at nakangiting sinalubong ni Ponggay ang bagong gising na kaibigan nya.

"Hi! Wongskie!" Natatawang bati nito kaya inis na tinitigan ni Deanna si Ponggay.

"Wala akong klase for today kaya please lang" Sukong sabi nito at hihiga na dapat pero pinigilan ito ni ponggay. "Sabi na nakalimutan mo. Tsk" Sabi nito at hinila patayo si Deanna.

"Hoy! Mag-ayos kana dahil ngayon ang alis natin!" Inis na turan ni Ponggay at nagtatakang tumingin si Deanna sakanya at unti unti nang nagigising ang diwa nito. "Wait--don't tell me ngayon punta natin ng batangas? Diba bukas pa?" Takang tanong nito at tumango si Ponggay.

"Oo--dapat pero hindi na ngayon" Nagtataka na tumingin si Deanna kay Ponggay pero biglang nagbukas ang pinto ng kwarto at pumasok duon si Maddie at Dani. "Ate Mads, kausapin mo nga to si ponggay masyadong nalamigan ang ulo" Antok na sabi ni Deanna at akmang pupunta ulit ng kama nya pero pinigilan sya ulit ni ponggay. 

"Pongs, wtf! for real? I'm still sleepy kaya please lang" Inis na turan nito pero umiling lang si Ponggay at tumingin kay Mads na tinanguan lang sya at sineyasan na lumabas na. "Bahala ka dyan" Sabi ni Ponggay at iniwan si Deanna. 

"Ate Deans, hindi ka pa talaga babangon?" Tanong ni Dani ng makita nito na umaayos na ng higa agad naman umiling si Deanna at pinikit ang mata nito. Nakakuha na ng tulog si Deanna ng may narinig sya. 

"Deans..." Simpleng tawag lang pero agad syang napabangon at binuksan ang pinto agad agad. 











    "Mommy Den" Agad na yinakap ito ni Deanna habang natatawa si Dennise. 

    "I miss you, kiddo" Ngiting sabi ni Dennise rito kaya kumalas si Deanna sa pagkakayakap nya at masiglang ngumiti ito. "Wait--Anong  ginagawa nyo dito? are you with dadda po?" Tanong nito kay Dennise. 

"kasi nga deanna wong aalis na tayo" biglang sulpot ni Ponggay sa likod ni Dennise.

"For real?" Tanong pa ulit ni Deanna dahil hindi sya naniniwala sa kaibigan nya kaya napangiti si Den at tinanguan to. "Sige baby Deans kilos na" wala ng nagawa pa ang wong dahil nasa baba na pala ang lahat.

Agad syang nagmadali na kumilos at nabawasan ang alalahanin nya dahil maaga silang nag impake. "Goodmorning!" bati ni Deanna ng nakababa sya at agad na lumapit kay Jho upang yumakap ganon din kay Alyssa.

saglit na tumingin si Deanna sa babba nya pero parehas nila ayaw ang yakap kaya natawa ang lahat sakanila. "Sige na, kumain na tayo" Sabi ni Alyssa at nag si sunod sila.

"Bakit nandito coaster ng Banko Perlas?" Kunot noo tanong ni Deanna sa katabi nya na si Bea pero tinawanan lang sya nito.

"Deans, malamang dito ang meet up" Mahinahong sabi ni Jho sakanya at tinapik ang balikat nito at lumapit kay bea na kausap ang coach nito.

Winaksi na lang nya ang inis nya at saka lumapit sa taong hinahanap nya. "Ate Jia" Nakangiting sabi nito sa idol nya. "Deans" Nakangiting bati rin ni Jia at agad naman yumakap si Deanna sa ibang seniors ng Ateneo dati. 

"Deanna" Napatingin si Deanna sa tumawag sa pangalan nya to find out na si Ponggay pala ito. Hindi na nya pinansin ito dahil nakita nya si Vanie na dala dala ang gamit nito kaya agad nyang tinulungan at nilagay sa coaster na gagamitin nila. 

Fall for youWhere stories live. Discover now