021

4.5K 95 4
                                    


      "Ate Jov kasi eh! Bat mo sinabi yun?!" Inis na sabi ko kay Ate Jovilyn pero nagtawanan lang sila habang ako nakatingin parin kay Deanna habang nakasunod kay Tatay. "Anak, wag kang magalala sa kaibigan mo ha? pero ikwento mo muna sakin yan" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Nanay.

"Nako nay! Yang anak mong yan pagsabihan mo. Mahilig sa setter" Sabi naman ni Cy kay nanay kaya agad ko syang binato ng unan na nakita ko sa sofa at binato sakanya. "Nay, saka ko na ikwento sa inyo ha?" Nakangiting sabi ko at nagtawanan sila at wala akong balak na mainis kaya akmang aalis na sana ako at handa ng puntahan sila Tatay at Deanna pero humarang si Mafe.

"Ate Pangs, sabi ni Nanay hayaan mo muna sila atska malay mo magpaalam na kay Tatay diba? Tapos ligawan kana ni Deanna" Sabi nito habang nakangiti at nakarinig ako ng Yiiiiiie at wala akong nagawa kundi ang bumuntong hininga. Kinakabahan ako dahil baka kung anong sabihin ni tatay ramdam ko rin kasi ang takot ni Deanna kanina e. "Atsaka Ate Jema, wag kang kabahan dyan kaya yun ng lodicakes namin. Diba kuya cy?" Sabi ni Sheena at nag high five pa ang dalawa. Magsasalita sana ako ng  bigla akong hilahin ni ate jov paupo sa sofa namin.

"Sis, relax lang pagusapan natin yung pag graduate mo" Nang marinig ko yun hindi ko maiwasan na mapangiti. "Kunti na lang" sabi ko sakanila at ngumiti sila sakin na parang nagsasabing proud kami sayo.

"Eh yung volleyball career mo?" Tanong ni nanay at dahil dun naalala ko na may nagalok sakin ng offer. "Oo nga, ate wala ba?" Tanong naman ni Mafe kaya napailing ako sa tanong nya

"Meron? Psl or Pvl?" Tanong ni Ate Jov. "Pvl. Creamline Coolsmasher" Sabi ko at ngumiti.

"Diba, duon si Ate Alyssa?" Napatango ako agad sa sinabi ni Sheena. Last year din kasi sinasali nila ako pero mas priority ko ang Adamson at ang studies ko kaya sabi ko after ko makagraduate kung nandyan parin sila i-grab ko na yung opportunity na yun. "Iba talaga pag-Queen Falcon" Sabay sabay kaming lumingon sa nagsalita si Deanna yun na nakangiti na katabi si Tatay na nakangiti rin.

"Aba syempre! Anak ko yata yan" Sabi naman ni tatay at nagtawanan pa sila habang ako nakatulala lang sakanila. "Sabi sayo ate! Kaya ni lodicakes yan!" Sabi ni Sheena at nag high five sila ni Deanna.

"Ano, tay? Tama ba ako? Magkakasundo talaga kayo?" Tanong naman ni Ate Jovilyn kaya nagtawanan na naman silang lahat.

"Hala! Tama na muna yan at magpahinga kayo habang nagluluto ngb hapunan" Sabi ni Nanay at agad na umalis at kitang kita ko na bago hilahin ni nanay si tatay ay tinap pa nito si Deanna sa ulo na ginagawa nya lang samin na mga anak nya. "Bb, saan kwarto mo dito? Room tour mo naman ako" Nakangiti sabi nito habang lumalapit sakin. Hindi ako nakasagot dahil masyado ang kaba ko kanina pero ngayon ibang iba na ang aura ni tatay sakanya.

"Tara duon tayo sa kwarto namin ni Deanna. Yang kausap mo eh tulala pa" Sabi ni Ate Jovilyn at hinatak si Deanna. "Ate wag ka ng magulat dyan tara na sa kwarto ng makatulog pa ako" Sabi naman ni Mafe at nagpacute sa jowa nya na agad din pumasok sa kwarto.

"Tara na. Baka ipakita pa ni Jovilyn yung mga baby pictures mo kay Deans" At duon ako natauhan dahil sobrang ayoko ang ipanapakita ang baby pictures ko pero si Nanay lagi pinapakita sa mga bisita namin. Kaya dali dali akong pumasok sa kwarto at tama nga si Cy dahil hawak na ni ate ang mga album kaya dali dali ko tong hinatak. "B!" Napatingin ako kay Deanna dahil sumigaw ito sakin. Inis ko syang tinignan at bigla syang lumungkot at umupo sa tabi ulet ni ate jov.

Binalik ko sa lagayan ang album ko at pinaalis si Ate Jovilyn para makatabi ako sakanya. "Bb" Tawag ko pero tumayo sya at nagsumiksik kila Cy kaya agad akong tumingin kay Ate at sinamaan sya ng tingin pero nakangiti parin sya. Tumayo ako at bumuntong hininga at dahan dahan na kinuha ang album at binigay ko to sakanya. "Akala ko ba gusto mong makita?" Tanong ko at agad na numbalik yung ngiti nya at umalis sa gitna ni ate at ni cy habang hinila ako at umupo kami sa kama.

Fall for youWhere stories live. Discover now