Chapter 3

10K 163 0
                                    

Nakaharap ngayon si Maxine sa salamin. She's looking her reflection to the mirror and knowing what's missing on it from head to toe.

Agad na naibaling ng dalaga ang tingin nito sa labas ng kaniyang dorm nang marinig ang mga tapak ng paa.

Naglagay na lamang ito ng perfume sa katawan tsaka lumabas sa kaniyang kwarto. It's already seven in the evening at sa oras na ito ay ang pinagusapan nilang magkakabarkada na lumabas at gumala.

Nang mabuksan ni Maxine ang pinto sa dorm ay agad na bumugad si Jean at ang iba pa nitong kasama.

“Why are you here? I thought we're going to meet in the roadside.” wika pa ni Maxine sa apat.

“We've been there for almost thirty minutes.”

Napataas kilay na lamang ang dalaga. “Ooh, i'm sorry. Let's go.” wika pa nito tsaka naunang naglakad palabas sa building.

“Saan nga pala ninyo balak na pumunta ngayon?” tanong pa ni Maxine. She's walking straightforward palabas sa building ng kaniyang dorm at alam niyang nasa likuran lang niya sina Jean.

“I have an idea, siguradong mag-enjoy tayo doon.” wika pa ni Jean.

Napahinto na lamang ang dalaga tsaka hinarap si Jean. “Where?” tanong pa nito.

“Just follow me.” wika pa ni Jean tsaka nauna nang naglakad papunta sa parking lot to get their car. Bagamat isa lang sa kanila ang nagdala ng kotse kaya sabay sabay na silang nagtungo sa kung saan ang tinutukoy ni Jean.

Pinarada na lamang ni Jean ang kotse nito. Agad na lumabas ang apat kasama na roon si Maxine. Nakatingin ngayon ang dalaga sa lugar kung nasaan sila naroroon ngayon.

“Maganda ba talaga itong naisip ninyo? Baka hindi tayo safe dito ah!” tugon pa ni Maxine.

It's her first time to go with this place kasama itong apat kaya hindi niya alam ang lugar na ito.

“Ilang beses na kaming pumunta dito, don't worry. You'll be safe here.” tugon pa ni Jean.

MAKUKULAY na ilaw, malakas na tunog ng music at isang malaking dance floor, iyan ang nasa paligid ngayon ni Maxine. Ilang beses na siyang nakapunta sa mga clubs but this club seems so different for her. Malaki at alam niyang mayroon din itong mga rooms to rent.

“Ayos hindi ba!” sigaw pa ni Jean.

Pumwesto na lamang sila sa isang table tsaka nag-order ng maiinom.

There are ten bottles of beer sa mesa nila. Isang tingin pa lang ni Maxine rito ay alam niyang saktong malalasing sila nito.

Ilang minuto pa ang nakalipas at marami-rami na rin ang kanilang nainom.

Maya maya pa'y bahagyang napansin ni Maxine ang apat na lalaki na silang umupo sa table nila. It seems that it's all their friends dahil sanay na silang makihalubilo sa apat except Maxine.

“Maxine, do you want to dance?” yaya pa ni Jean kay Maxine. Tinanggihan na lamang ng dalaga ang yaya ng kaibigan.

Naiwang mag-isa ang dalaga sa table nila. Wala siyang ibang nagawa but to look them dancing in the dance floor and drink a glass of beer para malibang ang sarili.

Ilang baso na rin ng beer ang nainom niya. Parang nagkakasiyahan na ang mga kasama ng dalaga pwera na lamang sa kaniya who's just sitting in the table all alone.

Agad na nakuha ang atensiyon ni Maxine sa taong bahagyang umupo sa kaniyang tabi. Bagamat medyo madilim at tanging disco lights lang ang nagsisilbing ilaw rito kaya hindi niya masyadong mamukhaan ang taong nakaupo sa tabi niya ngayon. But there's one person who's come to her mind. This person seems so familiar to her.

Seduced 4: James CruzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon