**Jacket

69 1 0
                                    

Kasalukuyang Science time noon, at lahat kami ay tahimik na nakikinig kay Sir Largo, ang napakagaling talagang Science teacher sa school namin.

Friday noon at washday kaya naman pwedeng magsuot ng civilian, kahit ano, maliban sa shorts, spaghetti chuchus and the list of exposure much clothes goes on and on.

Simple lang naman ako at walang shorts sa buhay ko kaya nakasuot lang ako ng simpleng blouse at pantalon at isang pair ng converse.

(A/N: Singit lang. Nagshoshorts na ren ako. Haha. Kasi impluwensya ni zoeeeyraa, adik magshorts. =)) )

By group ang seating arrangement, at good thing, puro mga babae na kaclose ko ang kagroup ko. Namely, Ica, Thea and Kat-Kat, well, di naman kami ganun kaclose ni Kat-Kat pero nagkakausap naman kami minsan and she's nice.

May isa namang kaming lalaki na kagroup, his name is Faith. Ang girl ng name noh? Ang buong name niya kasi is Faith Jireh G. Tabing. At isa ang masasabi ko sa kanya,  ang gulo niya.

Madaldal yan, tas ang lakas pa tumawa, malutong magmura, at napakahangin. =____=

Woy woy, di ko siya kinukwento dahil may gusto ako sa kanya. Mandiri kayo ples lang.

So ayun nga, nakikinig lang kami noon kay Sir na nagdidiscuss ng lessons habang nagamit ng projector.

Malamig ang panahon noon kaya naman medyo nakakaantok din. Buti na lang at medyo maaga ako natulog nung gabi bago ang araw na iyon kaya naman keribels lang ng powers ko 'yun.

Nagtetake down notes ako noon nang biglang lumamig pa lalo ang panahon. Hindi man kami naka aircon, malamig pa rin dahil ang school namin ay maraming halaman kaya naman laging presko at malamig.

Marami ring nakabukas na electric fan kaya naman lamig na lamig na talaga ako. Napatingin naman ako sa mga taong nakapaligid sa akin na busy makinig kay Sir. Napataas na lang ako ng kilay, hindi man lang ba sila nilalamig? Ako lamig na lamig na eh.

Nagpout na lang ako at nakinig na muli kay Sir. Nagtetake down notes ako habang magkayakap ang mga braso ko.

Chineck ko ang bag ko at nagbabaka sakaling nadala ko ang jacket ko pero wala ito sa bag ko. Mukhang naiwan ko ito sa bahay.

Hay, paano na ba 'yan? Sobrang nilalamig na ako.

Tiniis ko na lamang ang lamig at muling nakinig kay Sir.

"Uy. Okay ka lang?"

Katabi ko si Faith kasi napagtripan nila akong itabi dun dahil ayaw nilang makatabi si Faith dahil nga sobrang gulo kaya ayun, pumayag na lang ako. Kesa naman umupo ako sa sahig di ba?

"H-ha?" nagulat naman ako sa tinanong ni Faith. "Oo naman." sabi ko sabay balik sa pakikinig kay Sir.

Iniimagine ko na lang nasa sine ako tas nilalamig ako, tas aabutan na lang ako ng aking hubby ng jacket kesa aakbayan ako (kasi nga chansing 'yun plus bulok style) , oh di ba ang gentle man naman pag ganun?

Niyapos ko naman ang sarili ko dahil sobra akong nilalamig.

Kinalabit na naman ako ni Faith, hindi ako lumingon sa kanya dahil busy ako magtake down notes. Pero sinagot ko siya, "Oh?"

"Nilalamig ka?"

Napatigil ako sa pagsusulat noon sa sinabi niya. Tinatanong niya ba kung nilalamig ako? Pakiulit nga ples.

"Huy. Tinatanong kita kung nilalamig ka." sabi niya.

Oo nga. Tinatanong nga niya ako. Pero may mga things na nag pop out sa isipan ko.

Siya: Nilalamig ka?

Ako: Ha? Oo. Bakit?

*bigla akong aakbayan*

Siya: Oh? Nilalamig ka pa ba?

Nyek. *sampal sa sarili* Wala ako sa sinehan at nasa harap namin 'yung teacher. Asa namang gagawin niya 'yun. At tsaka, kadiri lang noh. Ayokong maakbayan ng tulad niya. =___=

Wag kang kadiri, okay?

Siya: Nilalamig ka?

Ako: Ha? Oo. Bakit?

Siya: Eh di manigas ka dyan! Ampanget mo! *sampal sa akin* Manigas ka! Sana mamatay ka sa lamig! *sampal sa akin* *sabunot sa akin*

Eh? Magagawa niya kaya sa akin 'yun? Wala naman akong ginawa sa kanya eh. Aish. 

Eto ang last na nagpop out sa isip ko.

Siya: Nilalamig ka?

Ako: Ha? Oo. Bakit?

Siya: Uhh. *medyo nahihiya* Suotin mo na lang 'tong jacket ko. *abot ng jacket* Para di ka na lamigin *tumungo*

*takip sa bibig* Oh no! Hindi kaya nagfifeeling pogi siya at magpapakagentle dog siya sa akin? MYGOLLY! No thanks! Ayoko! Baka hindi mo pa nalalabhan 'yung jacket mo. Lagi 'yang nakajacket kahit mainit eh. =____=

"Huy! Tinatanong kita huy!" sabi niya habang kinukulbit ako.

Napatingin naman ako sa kanya at bumungad ang mukha niyang hindi ko maintindihan at hindi ko maiexplain.

Nakita kong may nakapatong sa kanyang lap na jacket.Yung jacket na feeling ko ay hindi pa niya nalalabhan dahil everyday ginagamit. 

Bigla kong naisip 'yung nag pop out sa isip ko. Hindi kaya ioffer niya sa akin 'yun? Anong gagawin ko? Ang bad naman kung di ko tatanggapin hindi ba?

"H-ha? H-hindi!" sabi ko.

"Sure ka? Ano. May jacket ako." sabi niya sa akin sabay pakita ng jacket niya.

"Oo! Ano. No thanks."

"Ang arte mo naman. Ayaw mo talaga?"

"Tsk. No thanks na lang. =____=" ayoko lang talaga gamitin jacket mo. Pero gusto ko kung mangyayari ulit 'tong situation sa akin, gusto ko ng gwapo at mabangong lalaki na katabi ko ang mag ooffer sa akin. =_____=

**

Thank you and please vote, comment, and FOLLOW ME! :))) or my other account --> lovingthebluesky =)))

Unforgettable momentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon