**The Dream

26 1 0
                                    

A/N:

Osya. Tama na muna ang drama. Skip ko muna ang aking peynpul moments. XD Dito muna tayo sa present ayt?

Share ko lang 'tong dream ko. Hehehe. XD

Si Jung Yong Hwa slash Drew Fernandez ng BTCHO ohh! (.**) ~

Comment and Vote na! :DD

PaFan na ren. \m/

Tenchuuu ~

"Anak tulog ka na!" sigaw ni Mommy mula sa kwarto niya. Nagpout na lang ako at pinatay na ang ilaw sabay higa.

Pero gising pa rin ako at nagbabasa ng story sa phone ko.

Ang binabasa ko ngayon? Break the Cassanova's Heart Operation by Alyloony.

Napakagaling na writer ni Ate Aly kaya talagang patok na patok ang mga stories niya.

Ay, wait lang ha? Nagbabasa ako ihh. XD

waaaaaaaahhhhhhhh! HUHUHUHUHU T_____T Kawawa naman si Drew! Mamamatay na siguro ako pag ako 'yung nasa pwesto niya.

Alam mo 'yung feeling na pinapanood mo ang taong mahal mo na may kasamang iba? Na kahit masakit, hahabaan mo ang pasensya mo at lalawakan ang pag unawa mo. Kasi nga mahal mo siya.

Pero anak ng tokwa naman oh! Alam mo 'yung masakit? Yung kahit anong gawin mo, nasasaktan at nasasaktan ka pa rin. Minsan naisip mo, sana ikaw na lang.. Sana ikaw na lang ang 'yung taong nagpapasaya sa kanya. Na sana magkapalit kayo ng pwesto para ikaw naman ang kasama niya.

Kung pwede lang sana..

Ang sakit para sa side niya 'yun alam mo 'yun? Na parang feeling mo niloloko ka na pero ikaw tanga na tanga dahil mahal mo siya.

Nung nasa part na ako na nag POV si Drew Fernandez for the first time, iyak ako nang iyak. Naisip ko, bakit kailangan pang masaktan ang taong wala namang ibang ginawa kundi ang magmahal nang lubos hindi ba?

Medyo inaantok na ako kaya tumigil ako sa part na iyon at natulog.

=====Welcome sa aking dreamland=====

"Ano. Ninie. Nagustuhan mo ba 'yung lugar?"

Tiningnan ko ang buong lugar. Nakaupo kami sa isang bench kung saan tanaw ang lake. Maraming puno sa paligid at mahangin.

Konti lang ang mga tao kaya naman ang tahimik dito at nakakarelax.

Nagnod ako while smiling brightly. Ang ganda talaga nung lugar. Feel na feel ko ang pagiging lead role sa isang Koreanovela.

"Uhh. Ninie."

"Hmmm?" sabi ko habang nakatingin pa rin sa lake. Ang ganda kasi nito eh.

"Pwede bang.. ano?"

"Ano 'yun?"

"Pwede bang.. Pwede ba kitang halikan?" 

Napatingin naman ako sa kanya at nakita kong sincere siya at kitang kita ko na gusto niya talaga ito.

Dahil nga nagpapasalamat din ako sa kanya, wala naman sigurong masama hindi ba? Tutal.. kami naman.

(A/N: Dream lang po yan ha? Single ako! XD)

Ngumiti ako at tumango. Ngumiti naman siya at pumikit. Kaya naman napapikit na rin ako.

Habang hinihintay ko ang malambot niyang labi na dumampi sa labi ko..

Ayan na.. Nararamdaman ko na ang hininga niya..

Pero imbis na sa labi ko dumampit ang labi niya,

dumampi ito sa pisngi ko.

Napamulat na lang ako at nakita kong malapit ang mukha niya sa mukha ko. Nakatitig lang siya sa aking mga mata habang nakangiti.

"B-bakit----?"

Hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko at hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi, "Dyan na muna sa pisngi mo ako hahalik. Kasi." huminga siya nang malalim "Bata pa tayo. Hindi pa ito ang tamang oras at tamang panahon, at alam kong, wala pa tayo sa tamang lugar para gawin 'yun. Pero once na dumating ang tamang panahon at tamang oras, at pag nasigurado na natin na nasa tama tayong lugar, promise ko sa'yo, hindi lang sa pisngi mo o sa noo dadampi ang labi ko." binigyan niya ako ng isang ngiti.

Hinawakan ko naman ang mga kamay niya na nakahawak sa pisngi ko. Nginitian ko siya habang nakatitig sa mga mata niya.

Lumapit pa siya at hinalikan naman ako sa noo.

Ang saya. Ang sarap pala mahalin ng isang Drew Fernandez.

=====End of Dreamland=====

"Huy bata ka!"

"AY TOKWA!" nahulog na ako sa kama. Pagkamulat ko ng mata ko, nakita ko si Lola.

"Kanina pa kita ginigising! Akala ko gising ka na kasi nakangiti ka. Tulog ka pa pala."

"Ah. Ganun po ba? Sige po." sabi ko sa kanya sabay ayos ng magulo kong buhok.

"Sige. Nananaginip ka talaga eh. Nakangiti pa. *laughs* Sige. Kain ka na at maligo." sabi niya sabay labas sa kwarto ko.

Napangiti naman ako at napahawak sa pisngi ko.

Ang sarap ng feeling kahit alam kong panaginip lang 'yun.

Unforgettable momentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon