**My Kuya and his confession

33 1 0
                                    

Grade six ako noon nang may naging kaclose ako na guy named Tim. Pogi daw siya sabi ng mga teachers, maputi, mayaman at matangkad, bagay na bagay raw kami.

I laughed in an istant when my teacher told me that. Most of them thought that we have feelings for each other kuno. And they even told us that we both look good together.

Si Tim, I think of him as my oppa, kuya, or brother, even though I am 2 months older than him. Pangarap ko talaga magkaroon ng Kuya dahil nga ako ang panganay sa amin. Sa mga pinsan ko naman, isa lang ang tinatawag kong 'Kuya' dahil ang natirang mga lalaki ay mas bata sa akin. At 'yung Kuya na 'yun, di ko pa kaclose.

Masarap daw magkaroon ng Kuya, kahit na palagi kayong nag aaway o di kayo nagkakasundo, asahan mo, pag nasa panganib ka, may magliligtas sa'yo.

Napakabait ni Tim kaya naman tinanong ko siya kung pwede ko siyang maging Kuya. Pumayag naman siya kaya tuwang tuwa ako. Sa wakas, may 'Kuya' na ako, kahit hindi ko siya kadugo.

Comfortable kami sa isa't isa not until one day..

"Uhh. Ano.."

Natataranta niyang sabi habang nakaupo ako sa isang bench sa garden ng bahay nila. Talagang napakayaman niya kasi napakalaki ng bahay nila at marami pang koste. Sabi niya hindi naman daw bahay nila 'to, bahay daw ito ng lolo niya. Well, sa kanila pa rin 'yun noh.

"Hmm?" sabi ko habang nakatingin sa kanya.

"Ah.. Wala. Wala." sabi niya. Napakamot na lang ako ng ulo.

"Ehh? Okay." sabi ko.

"Ah! Di ba gusto mo turuan kitang magbasketball?" sabi niya sa akin.

Bago pa ako makasagot tumayo na siya at kumuha ng bola. Nagsimula na siyang maglaro. May open na basketball court dito sa kanila. Medyo maliit ito nang konti kumpara sa basketball court ng school namin.

Actually, hindi naman siya 'yung katulad ng ibang lalaki na adik magbasketball at talagang sporty. Si Tim kasi medyo nerdy ang histura niya. May salamin siya noon at kung hindi ko siya kukulitin na mag contacts eh baka forever na siyang nerdy look.

Inadvise ko sa kanya na maging sporty para mapansin siya ni Clarissa, crush niya kasi 'yun eh. Sabi niya kasi ang crush niya, nagsisimula sa letter "C", akala ko nung una ako kasi letter C ang start ng pangalan ko, pero sabi niya si Clarissa daw kaya ayun! Okay na ako. Assuming kase ako. XD

Best friend ko rin si Clarissa, ang ganda niyan at ang yaman pa! Sikat din yan kasi ang galing niya sumayaw. She's a famous Performing Arts Club member besides her foreign-ish look. Half british-Half Filipino kasi siya.

"Oh ano? Tititig ka na lang sa akin? Turuan kita!" lumapit siya sa akin at hawak ang bola.

"Ehh." napakamot ako ng ulo. Wala kasi akong alam na laruin na sport, kasi takot ako sa bola. Pag swimming naman, hindi ako marunong. Naglalakad lang ako sa pool. Pag naman badminton, naduduling ako, wala akong matira.

Unforgettable momentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon