"Okay. Start answering na. Copy it na." sabi ni T. Luz.
Math time noon at katatapos lang magdiscuss ni T. Luz kaya magsasagot na kami ng exercise na nasa board. Kaklase ko noon si Tim at si Alfred. SPELL A-W-K-W-A-R-D.
Nasa may bandang likod ako noon dahil malinaw naman ang mga mata ko at marami ring malalabo ang mga mata sa amin kaya nasa may bandang harap sila, kasama rin si Alfred. Nasa harap siya noon dahil nakalimutan niya dalhin salamin niya.
Habang busy kami kumopya, bigla namang may kumatok. Nagsilingunan sila lahat, at ako naman, walang pake. Gusto ko na tapusin 'tong exercise.
"Oh Tina. Pasok ka."
Napatigil naman ako sa pagkokopya noon. Napalingon ako at nakita ko si Tina, ang babaeng gusto ni Alfred.
Napatingin ako kay Alfred. Lumingon lang siya saglit tas bumalik na uli sa pagkopya. Kitang kita ko ang pamumula ng tenga niya.
Iniwas ko na lang ang tingin ko at bumalik na sa pagkopya.
"Tina, since inexcuse ka kaninang Math time, hindi mo nakopya 'to right?" no, left. =__= "Kopyahin mo na lang at sagutan. Or kung gusto mo paturo ka muna?"
"T. Luz! Tuturuan na lang daw siya ni Alfred!" pang aasar ng kaklase ko.
Nakatungo lang ako habang sinasagutan ko 'yung exercise sa notebook, tapos na kasi ako kumopya kaya sasagutan ko na. Nagulat naman ako nang may kumulbit sa akin, pagkatingin ko, si Tim lang pala.
"Okay ka lang?"
I nodded at nagpatuloy ako sa pagsasagot.
"Ah Tina. Malabo mata mo di ba? Dito ka na lang sa harap! Sa may tabi ni Alfred! Yeheee!" pang aasar ni T. Luz.
Nang mapansin ko na may mali ako ng kopya, napatingin ako sa board pero napatingin lang ako kina Alfred at Tina na magkatabi. And swear, halos madurog na ako sa kinauupuan ko.
Iniwas ko na lang ang tingin ko at napatingin ako sa mga taong nakapalibot sa akin, lahat sila nakatingin sa akin.
"T. Luz! Malabo din po mata nitong babaeng 'to!" tinuro ako. Nanlaki ang mga mata ko dun.
"WOY! ANO KA!" sabi ko na lang.
"Tabi niyo din daw po kay Alfred!" narinig kong sigaw ni Tim. Napatingin naman kaming lahat sa kanya.
"Tim, ang sakit!" --Classmate 1
"Katabi mo na nga siya tas ipapatabi mo pa kay Alfred. Hayyy. Ang sakit talaga, Tim! Handa kang magparaya! T_____T" --Classmate 2
"Shhh. Uhh. Malabo nga mata mo? Tabi ka kay--" sabi ni T. Luz.
"Hindi po! 20/20 vision ko! Ahehehehe." sabi ko na lang.
"Ohh. Ehem. Para naman makapagmoment sina Tina at Alfred di ba? Wahihihi." sabi ng teacher namin.
Ang sakit, pakshet.
"T. Luz naman! Tama na! Kinikilig ako eh! XD" sigaw ni Alfred sabay tungo.
Natapos ang klaseng iyon na puno ng pang aasar kina Alfred at Tina. At ang sakit sakit talaga. First love ko si Alfred.. ang sakit.
Pagkatapos nung Math ay lunch time na. Nauna na silang lahat bumaba dahil bibili sila ng lunch sa canteen. Mahilig kasi ako magdala na lang ng packed lunch para tipid.
Nakaupo lang ako noon at nakatitig lang sa floor. Ang sakit kasi! Sobrang sakit! Tumayo ako at nagulat ako nang makita kong nandun si Tim at nakatayo sa may tapat ng pintuan.
"Hindi ka pa pala bumababa?" sabi ko.
Umiling siya.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Pagbubukas ka ng pinto." sabi niya sabay bukas ng pinto. Napangiti naman ako. gentledog yang lalaking yan. Lagi niya akong pinagbubukas ng pinto. Yun nga lang eh, hindi ko maibalik ang pagmamahal niya.
"Thanks." nginitian ko siya.
Lalabas na sana ako nang abutan niya ako ng panyo. "Oh. Kailangan mo niyan hindi ba?"
Naiyak ako dahil dun. Sinandal ko ang noo ko sa pintuan at umiyak nang tahimik. Hindi ko kinuha ang panyo niya kasi may panyo din naman ako.
Habang umiiyak ako, naramdaman kong tinatap niya ang likod ko. "Lagi na lang kitang nakikita umiyak dahil kay Alfred.."
"Lagi mo na lang siya iniisip.."
"Lagi mo na lang siya inaalala.."
"Bakit ba ganun? Bakit ayaw mong sumuko kahit nasasaktan ka na?" sabi niya habang tinatapik ang likod ko.
Hindi ako umiimik at tuloy tuloy na umiiyak.
Tumigil naman siya sa pagtapik nang likod ko. Narinig ko siyang magsigh at saka nagsalita.
"Alam mo namang gusto kita di ba? Sino bang may gusto na makita ang taong gusto niya na malungkot? Pero sana wag ka nang malungkot, *insert my name here*. Ayokong maging malungkot ka."
Tiningnan ko siya pero nahaharangan ng buhok ang mukha ko. Nakasandal pa rin ang noo ko sa pintuan.
"Pero alam mo? Naisip ko.. sana ako na lang nagustuhan mo." nginitian niya ako nang malungkot "eh di sana.. hindi ka na umiiyak, hindi ka na malulungkot.. at hindi ka na masasaktan. Di ba?"
Tumalikod na siya at naglakad palayo.
I was left standing there. Not knowing what to do or what to say.
**
A/N:
Vote, Comment, and pa Fan na ren! Hihihi.
Tenchuu ~