Faye
Nag lalakad ako ngayon, nag hahanap ng mauupahan na bahay. Pano ako mabubuhay ngayon? Lalo't mahirap ng humanap ng pera ngayon, pano na ako? Manmumulubi nalang ako sa simbahan, para may makain araw-araw? Tse, Ewan ko.
Hindi sa malayuan, may Nakita akong bakanting room. House for rent waw Sana mura Lang. Hindi kaya ng badget ko! Mabilis akong nag punta don.
"Ate may uupa naba jan?" Tanong ko don sa babaeng mataba, alangan naman sasabihin ko mapayat eh mataba siya?
"Wala, rerentahan mo ba? 500 lahat na kasama." Sabi niya. "Sa lahat ng rentahan dito sa Rizal, ito nalang ang pinaka mura." Sabi niya kaya naman huminga ako ng malalim.
"Sige ho, kunin ko." Sabi ko tiyaka nilabas ang wallet ko. 1,200 nalang badget ko tuloy.
"Sige ito susi ng bahay." Sabi niya at inabot sakin iyon. "Mauna na ako."
Pag pasok ko sa loob, medyo malaki. Para sakin malaki na ito total ako lang naman mag isa, kaya okay na sakin to. Hindi ako maarte!
Inayos kuna ang mga gamit ko, nilagay ko din ang damit ko dito sa maliit na kabinet na nandito sa gilid. Pag tapos ko namang ilagay ay naupo muna ako.
San kaya pwedeng mag apply? Don nalang kay Ashley? Papatulong ako sakanya mag apply, total madali lang sakanya yon. Kasi close na niya ang boss nila. At tiyika Fyi beauty and brain ako, tse.
Ang totoo niyan, mahirap lang kami pero hindi ko sanay mag suot ng pang lola noh!
At dahil gabi naman na, natulog na ako. Maaga ko pa pupuntahan si ashley. Mag a-apply ako bukas sa work nila. Sana success!
Morning.
Maaga ako nagising, naligo na ako tiyaka nag bihis. Pag tapos naman non ay bumaba na ako, mag titinapay nalang ako. Nag titipid ako dahil wala n akong pera! Sa totoo lang. Pag naka ipon ako ng sapat, mag e-enroll ako sa gusto kong school.
Pumara na ako ng jeep, pag dating ko naman don sa coffee shop ay huminga muna ako ng malalim, bago pumasok don sa mga coffee shop na yon!
Pag pasok ko naman, sakto nag reready palang sila.
"Oh faye, napa dito ka?" Tanong ni ashley tiyaka lumapit sakin. "Matagal tagal nadin nong araw na hindi tayo nag kita, mabuti at naka punta ka." Sabi niya at pina upo ako
"Ah, kase tatanong ko lang sana kong may bakante pa. Kailagan kong mag trabaho, alam mo naman sitwasyon ng pamilya namin, at tiyaka kailangan kong buhayin sarili ko." Sabi ko at tumingin sakanya ng seryoso.
" Sorry faye, pero kasi kaka tanggap lang nila kahapon. Pero don't worry may kaibigan ako nag ta-trabaho siya bilang maid sa pamilya ng solomon. Pwede ka niyang tulungan dahil nag hahanap sila ng isang maid." Sabi niya t ngumiti.
"Solomon? Diba sila yong may pinaka sikat na hotel, tas pinapalabas pa sa TV?" Namamanghang sabi ko, kaya naman tumango tango siya.
"Ano tara?" Sabi niya at ngumiti, kaya naman ngumiti din ako.
Pumara kami ng jeep. Pag tapos naman non ay mga 20minutes ay naka rating na kami.
Bago kami makapasok sa isang palasyo, ay may humarang muna saming guard na dalawa sa malaking black na gate.
"Anong kailangan niyo?" Tanong nong guard.
"I-apply ko siya bilang maid." Sabi ni ashleybat ngumiti. Kaya naman pumasok yong isang guard at may tinawagan sa telepono.
"Sige pasok." Sabi niya kaya naman hinila ako papasok sa mansyon na yon, ang layo bago kapa makarating sa Harap ng mansyon! Grabe naman toh.
Pag dating namin sa mansyon, ay pumasok kami sa loob. Ang daming guards at mga Katulong.
"Goerjen!" Sigaw ni Ashley, kaya naman bigla siyang tumingin.
"Ashley!" Sabi naman nong babae tiyaka lumapit samin. "Pasok kayo, wala sila dito." Sabi niya kaya naman pag pasok ko sa malaking pintuan, ay nag tayuan ang balahibo ko dahil ang lamig. Ang galing! Ang lamig, mabuti malalimig padin kahit naka bukas tong malaking pintuan na ito.
"Apply ko lang sana siya, bilang maid." Sabi ni Ashley at tinuro ako.
"Ay sige, tara punta tayo kay grandma." Sabi niya at hinila ako papunta don sa grandma. Grabe, ang laki parang mall. Mabuti hindi sila nalilito sa sobrang laki netong bahay na'to!
Pag dating namin sa malaking kusina, may limang katulong don, at yong isa may edad na.
"Grandma." Tawag ne'tong kasama ko.
"Aba'y sino namang yang kasama mo, mars?" Tanong nong Grandma daw.
"Nag a-apply siya bilang maid." Sabi ni mars daw!
"Aba'y sige ija, tanggap kana. Basta pag butihan mo ang trabaho mo." Sabi niya at ngumiti.
"Waaaa! Talaga po? Thank you po." Sabi ko at ngumiti. "Hmm, kailan po pala ako mag uumpisa?" Naka ngiting sabi ko.
"Bukas ija." Sabi niya at ngumiti. "Siya nga pala, ako si leohandra, pero tawagin mo nalang akong Grandma dahil yon ang madalas nilang tawag sakin dito." Sabi niyabat ngumiti
"Ako nga po pala si, faye lordes." Sabi konat ngumiti.
"Sige ija, at ako'y magluluto na." Sabi ni Grandma at tiyaka natawa.
"Sige po. Mauna na po kami grandma, inaantay na po kasi ako ni ahshley, may trabaho pa kasi siya." Sabi ko tiyaka ngumiti.
"Mag iingat ka ija, bukas dapat maaga ka. Dahil sa susunod na bukas ay uuwi na ang anak ni Ms, solomon." Sabi ni Grandma kaya naman tumango ako tiyaka nag wave nalang.
Pag dating namin ni Mars sa Sala ay andon si ashley, nanunuod ng TV.
"See you tomorrow, Faye." Sabi ni mars. "Bye ashley, mag iingat kayo." Sabi niya tiyaka ngumiti.
"Bye." Paalam namin tiyaka lumabas na ng mansyon. Pag labas namin ng mansyon ay hinawakan ko ang kamay ni ashley at nag punta sa pinaka dulo, at tiyaka sumakay na sa jeep.
"Ashley, more thank you! Dahil sayo nag ka trabaho ako.
BINABASA MO ANG
My maid is my GirlFriend
أدب المراهقينIsa akong mahirap, dahil ako'y tinakwil ng aking mga magulang. nag pa-part time ako kahit San, para Lang mabuhay ko ang sarili ko, at sa hindi pag kakataon naka kilala ako ng lalaking mamahalin ako.