Prologue

287 1 0
                                    

"Ang ganda talaga ni Angelyn noh? Nakakainggit."

"Oo nga tapos ang yaman pa. Grabe kung lalaki lang ako liligawan ko na yan eh!"

"Ano ba naman kayo. As if naman na papatulan kayo niyan kahit na maging lalaki kayo noh! Ampapangit niyo kaya."

"Paki mo ba? Bakit gwapo ka ba?"

Ganyan yung  kadalasang naririnig ko tuwing papasok ako sa school. Ayoko man na mapansin ako ng ibang tao pero imposible na yata yun lalo na't kilala ng lahat ang pamilya ko. Sila lang naman ang may ari ng DelaVegaTech na kilala sa buong mundo dahil sa mga matitibay na computer parts at inaangkat sa iba't ibang panig ng mundo. At ang mas pinakamalaking business na Dela Vega Inc. na nangunguna sa buong Pilipinas dahil sa sucessful na business kaya naman marami kaming business partners.

Well sila mommy at daddy lang naman yun so hindi ko na kelangan pang idetalye ang kalakaran ng business namin kasi maski ako hindi interesado.

Asan na ba kasi si Cleo at kelangan niya pang sumabay sakin pagpasok? For 4 years na nag'aaral kami dito sa Ashton University palagi nalang niyang gusto na sabay kami pumasok tuwing first day of class.

"Hey!" kinalabit ako ng isang lalaki na hindi ko naman kilala. Over kung maka'smile si kuya kaya naman ngumiti na din ako kasi ang bastos naman kung sisimangutan ko lang kahit na ang totoo naiinip nako kay Cleo.

"Ahhm hi. Anong kailangan mo?" tanong ko ng nakangiti pa rin. Nakakangawit na sa panga ah!

"Wala naman. Gusto ko lang magpakilala. I'm Arkeen Cruz" nilahad niya yung kamay niya at nag'wink pa sabay ngiti ulit. Okaaaaaay? Para san yon.? Pero dahil pinalaki akong may good manners and right conduct ng parents ko tinanggap ko nalang yung kamay niya.

"I'm An....."

"Yes I know you miss pretty Angelyn Dela Vega" pinutol niya ang sasabihin ko pero di niya parin binibitawan ang kamay ko. Gusto ko mang bawiin pero hindi ko alam kung pano.

"Uhmmm. Arkeen right? Pwede mo na bang bitawan yung kamay ko?" tanong ko sa kanya ng nakangiti pa rin.

"Ow oo nga pala. Sorry!" binitawan niya na din naman yung kamay ko kaya naman ngayon naiilang na ako. Wala kasi akong masabi eh tsaka hindi naman ako FC para kausapin ko siya.

"Are you free tomorrow?" tanong niya sakin na di parin nawawawala yung ngiti niya. Hanep naman 'to sa kakapalan. Kakapakilala pa lang nag'aaya na agad.

Pero di ko naman alam kung pano ko siya tatanggihan ng hindi siya mahu'hurt. Sa lahat pa naman ng ayoko ay yung may naiinis sakin.

"Uhmmm kasi ano....." di ko alam yung sasabihin ko kaya nag'iisip pa ako ng idadahilan.

Sakto naman magsasalita na ako ng makita kong paparating na si Cloe. Right timing talaga siya kahit kelan.

"Ayy kasi Arkeen marami akong gagawin bukas. May projects tsaka report ako kaya busy talaga ako." sabi ko sa kanya ng naiilang.

"Huh? Eh pero first day of class pa lang diba?" tanong niya na halatang nagtataka.

"Ganun talaga kapag advance yung mga subjects na kinukuha" sabi ko sa kanya na medyo totoo naman dahil ganun talaga ang mga advance yung tine'take na subjects.

"Oww I see." sabi niya na halatang disappointed. Nakakaawa naman siya. Ang gwapo niya pa naman sana. Hindi siguro 'to sanay sa rejection.

Never Talk To A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon