Part 2

33 0 0
                                    

Jace's POV

Nakakainis. Hindi ako nakatulog kagabi. Andami kasing tumatakbo sa isip ko eh. Ano na kayang nangyari dun kay Mr. Chen? Hindi naman siguro yun pinatay ni daddy noh? Kasi kahit na ganito kami hindi kami mamamatay tao.

Well siguro ngayon nanghiram na yun ng mukha sa aso dahil puro bugbog at pasa na yung mukha niya. Kasalanan din naman niya yun eh, kakalabanin niya si daddy sa business yun naman pala may tinatagong sikreto yung intsik na yun. Tssss. Malamang nasa kulungan na yun ngayon. Yun kasi yung trabaho namin, huhulihin ang mga kriminal at papahirapan bago idala sa mga pulis. Pabor naman samin yung batas kaya nga lang ilegal pa rin yun kaya ang lumalabas isa kaming grupo ng mga gangster.

Sa tinagal tagal na naming ginagawa yun ng Royal Emperor, tinanggap na rin namin yung bansag samin na gangster. Wala eh, ganun kakikitid ang utak ng ibang tao kaya wala na kaming magagawa.

8am pa yung klase ko sa Ashton University. Pero maaga akong pumasok sa school para walang makakita saken. Mga 5:30 pa lang yata nandito nako sa room. At tinatamad talaga akong kumilos. Kung kelan naman nandito nako sa school tsaka ako inantok ng ganito.

Matutulog na sana ako ng biglang mag' ring yung phone ko. Tiningnan ko kung sinong tumatawag at nakita kong si Julius. Hindi ko na sana sasagutin kaso ang kulit, tawag pa rin ng tawag.

"T*ngna pre ano bang problema mo? Istorbo ka naman oh matutulog pa lang yung tao!" pambungad ko sa kanya agad para matakot siya.

"Chill lang pre. Tatanong ko lang naman kung sasabay ka samin pumasok eh" sagot niya na pa'cool lang! cool cool'in ko mukha nito eh.

"Andito nako sa room ungas! Dalian niyo at naiinip nako." pagkasabi ko nun binaba ko na agad yung phone.

Tiningnan ko yung oras at nasa 6am palang. Antagal naman ng oras oh! Gusto ko ng umuwi.

Dahil sa sobrang antok ko napagpasyahan kong umidlip nalang muna. Saglit palang ay nakatulog nako agad.

"Tara na girl! Nandyan na daw yung Royal Emperor!" sigaw ng babae na nagpagising sakin.

Leche ang ingay! Pasalamat siya di ko siya nakita kundi ipapabugbog ko yun kila Julius.

Pero speaking of Julius, narinig kong nandiyan na daw ang Royal Emperor. Tsss! Kung alam lang nilang nandito lang sa loob ang leader malamang wala ng papansin sa mga ungas na yun.

"Bilisan mo nga! Ambagal mo talaga, kapag hindi ko sila nakita yari ka talaga sakin" narinig kong sabi ng isa pa.

Hindi ako nag'aangat ng mukha dahil for sure, kapag nag'angat ako at may nakakita kukuyugin nila ako. Ayoko pa namang pinagkakaguluhan ako dahil nakakasapak talaga ako ng tao.

Nakakatawa lang kasi hanggang dito ba naman kilala parin yung grupo namin. Sa 6 na universities na pinasukan namin lahat sila nagkakagulo. Mga ignorante ata talaga mga babae at parang ngayon lang nakakita ng totoong tao.

Di ko nalang pinansin yung mga nagsisigawan at nagtitilian. Bahala na sila Julius dun. Sila lang naman yung may gustong pinagkakaguluhan sila. Palibhasa mga babaero. Sigurado uubusin nila mga virgin na babae dito. Buti pa ako matino. Tssss.

Wala pang ilang minuto parang abandonadong building na dito. Walang ibang tao bukod sakin. Lahat sila nandun sa baba at pinagkakaguluhan yung mga kadarating lang.

Yumuko nalang ako ulit tutal wala pa naman, try ko nalang ulit umidlip kahit saglit lang.

Pero hindi na ako makatulog eh. Kaya nakayuko na lang ako pero mulat yung mga mata ko.

Never Talk To A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon