Part 1

53 0 0
                                    

Angelyn's POV

Natapos yung klase namin kahapon ng wala namang masyadong ginawa. Dapat pala di na muna ako pumasok kahapon. Pero joke lang yun syempre. Never pa akong um'absent ng walang matinding dahilan. Kahit nga may sakit ako pumapasok parin ako eh. Hays.

"Daddy alis na po ako" kiniss ko siya sa pisngi bago tumalikod.

"Sweety, I have a business to attend to and I need to go to Europe today." sabi ni Dad kaya naman napaharap ako sa kanya.

"Okay daddy ingat po. Kelan uwi niyo?" lumapit ulit ako sa kanya at niyakap siya.

"I have no idea sweety but right after matapos ang business ko dun uuwi na ako dito for you." he kissed my forehead at I nod.

"Sige daddy alis na po ako. Enjoy sa business trip. Bye dad male'late nako sa class ko" sabi ko at umalis na agad.

Naghihintay naman na yung driver namin para ihatid ako sa school.

Kahit na palaging nasa business ang atensyon ni daddy hindi ko magawang magreklamo. Kasi in the first place wala akong karapatan. Ang totoo kasi niyan adopted lang ako. Inampon lang ako nila mommy at daddy sa isang ampunan. Ang kwento sakin ni daddy nung 6 yrs old ako, magkakaroon na daw talaga sila dapat ng anak ni mommy, sobrang saya nila kahit na pinilit lang silang ipakasal ng mga magulang nila kahit na hindi nila mahal ang isa't isa.

Pero simula daw ng mabuntis ni daddy si mommy natutunan niya na daw mahalin si mommy kaya naging maayos ang pagsasama nila.

Naging maselan daw ang pagbubuntis ni mommy at napapadalas ang pagsakin ng puson at pagdurugo kaya kahit na 8months palang kailangan ng ilabas ni mommy ang baby dahil delikado daw para sa kanilang dalawa kung aantayin pa yung 1 buwan.

Nung nasa ospital na sila at ipapanganak na dapat ni mommy yung baby niya nagkaron daw ng malaking problema. Kailangan daw mamili ni daddy kung sino ang ililigtas niya between mommy and the baby. Dahil ayaw mawala ni daddy si mommy, mas pinili niya si mommy kahit na masakit para sa kanya ang mawalan ng anak.

After nun sinubukan ulit nilang bumuo ng anak pero hindi na ulit nabuntis si mommy. Sabi ng doctor ni mommy epekto daw yun ng operasyon na ginawa sa kanya kaya nahirapan silang bumuo ng isang masayang pamilya.

Dahil hindi yun matanggap ni mommy napagpasyahan nila ni daddy na mag'ampon. At ako na nga yun. Ang swerte ko nga eh kasi sa dinami dami ng cute na baby dun ako yung napili nila. Babae daw kasi dapat ang magiging anak nila mommy so ako yung kinuha nila, bukod kasi sa ako lang ang baby girl sa ampunan, hindi daw ako iyakin tulad ng iba.

Naging masaya yung pamilya namin kahit na hindi nila ako tunay na anak. Hindi nila pinaramdam sakin na iba ako.

Pero ang pinakamalungkot na nangyari ay yung nawala si mommy samin ni daddy nung 8 yrs old palang ako dahil sa isang car accident. Kahit na 10 yrs na ang nakalipas mababakas parin ang lungkot sa mukha ni daddy. Alam kong nagpapakatatag lang siya para saken kaya naman hanga ako sa daddy ko.

At yun ang kwento ng pamilya ko. Hays, ba't ba kasi ang traffic? Yan tuloy nakwento ko na yung buhay ko.




Lagpas ng 30mins nasa school na ako. Pagkababang pagkababa ko palang iba na yung pakiramdam ko. Para kasing iba yung aura ng mga estudyante ngayon. Bukod sa wala ng nagbubulungan about saken, may ibang babae na nagtititili habang tumatakbo sa isang dereksyon.

Ano kayang meron dun? May artista ba?

"Grabe talaga girl! Ang gwapo nilang lahat. Ang hot tapos ang astig nila! Pormang gangster pero ang lakas ng dating." narinig kong sabi ng isang babae na nangingisay na sa kilig sa pagkwento sa kasama niya.

Never Talk To A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon