Angelyn's POV
"H-hoy! B-bitawan niyo ako!" sabi ko habang nagpupumiglas. Huhuhu eto na nga ba ang kinakatakot ko eh.
"Sumama ka samin kung ayaw mong masaktan" sabi nung isang lalaki na chinito at malaki ang katawan, maputi tsaka ang gwapo.
Pero teka ano bang ginagawa nila?
"Kuya, b-bitawan n-niyo a-ako. A-ano bang kai.... kailangan ..... niyo?" tanong ko na halatang takot na takot.
"Wag ka ng magtanong at sumama ka nalamg samin." sabi naman nung isang matangkad na lalaki na ang laki din ng katawan at ang gwapo.
Nanti'trip ba 'tong mga 'to? Ano 'to mga kidnappers? Ay mali, mga gwapong kidnappers?
"Bro hawakan monh maigi kapag nakatakas yan yari ka kay Jace" sigaw nung isang lalaki.
Kung una mo silang titingnan hindi ka naman matatakot eh. Kasi mukhang matitino at mayayaman. Ano bamg kelangan nila at pinapasama nila ako?
"Kilala niyo ba ang daddy ko? Idadala niyo ba ako sa kanila mga kuya?" tamong ko sa kanila pero walang sumasagot. Lahat sila seryoso.
"Pre andyan na si Jace" pagkasabi nung isang lalaki may humintong isang motor sa tabi nung van at bumaba yung lalaking naka'helmet.
Unti unti niyang tinatanggal yung helmet niya at nung tuluyan niya ng natanggal tumambad sakin yung gwapo niyang mukha.
Teka palapit siya sa kinatatayuan namin. Ililigtas niya ba ako? Omggg mt savior!
Nakita kong palapit siya ng palapit at pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Mas lalo kong naaninag yung mukha niya.
Ang gwapo, ang tangkad, ang tanos ng ilong, yung mga mata niyang parang papatay kapag tiningnan ka, yung labi niyang mapula, yung malaki niyang katawan na halatang halata sa suot niyang itim na sando at itim na leather jacket, yung maong pants niya na butas sa may bandang tuhod, magulo yung buhok niya pero bagay sa kanya, ang lakas ng dating niya at basta ang gwapo niya.
Pagkalapit na pagkalapit niya samin sinuntok niya sa mukha yung lalaking nakahawak sa kaliwang kamay ko. Sige lang kuya ipagtangol moko sa mga masasamang ito.
"Mga ungas! Sino 'tong babaeng 'to?" tanong niya sa mga lalaking nasa gilid ko.
"Hala teka....." biglang tumingin sakin yung limang lalaki tapos tumingin sa kadarating lang.
"Pare nagkamali tayo. Hindi 'to yun!" sabi naman nung nakahawak sa kanang kamay ko.
"Akala ko siya na yun kasi kamukha niya yung matanda kanina sa malayo!" sagot nung lalaki sa likod ko.
Ano daw? Ako mukhang matanda? Sa sobrang inis ko pinaghahampas ko sila ng bag ko.
"Mga baliw kayo! Pagkatapos niyo akong pagtripan sasabihin niyo ako ng mukhang matanda! Ang kakapal ng mukha niyo!" sabi ko habang hinahampas silang lima.
"Sorry na miss akala ko kasi ikaw yung kikidnappin namin eh!" sagot nung isang lalaki sabay hawak sa kamay ko para hindi na sila matamaan.
"A-ano? Kidnap? So you mean mga kidnappers kayo? Waaaaaaa. Tulooooooong! Help! Tulungan niyo ako akooooo. Raaaaaape!" sigaw ko ng sobrang lakas.
Sakto naman may mobile ng pulis ang papadaan dito kaya nabuhayan ako ng loob.
"Sht baka mahuli nila tayo." sabi nung lalaking nakamotor kanina.

BINABASA MO ANG
Never Talk To A Gangster
Novela JuvenilAko si Angelyn Dela Vega. Just a typical girl kahit na mayaman ang pamilya ko. Down to earth at madaling i'approach. Certified NBSB pero maraming nagtatangkang manligaw. Nagbago lahat ng yan simula ng makilala ko ang isang "GANGSTER" na si Jace Mart...