JAKE's POV
Asawa? Damn it! Bakit ayaw kong maniwala? Bakit? Ang bilis naman ata? So nung unang kita namin ni jaki ay kasal na siya nun or hindi pa? Ay ewan! Kailangan ko ng sagot niya!
Hindi ko rin naman siya makausap ng masinsinan dahil laging nakabuntot ung mayabang na asawa niya! Hayyysss!
So ano to? Ganun ganun na lang ba? Tatanggapin ko na okay, may asawa na siya wag ka nang manghimasok pa! Hindi pwede. Gusto ko malinawan!
Malinawan kahit papaano ay may pagasa. Buong buhay ko wala akong ginawa kundi pasayahin siya alagaan siya to the point na kahit hindi na tama ay nagawa ko na siyang mahalin.
MAHALIN HINDI BILANG KAIBIGAN!Alam niyo ung pakiramdam na gustong gusto mo siya? Ipagtatapat mo na ei tapos malalaman mo nalang na wala na pla? Dobleng sakit!
Mahal ko si jaki! Mahal na mahal.. at wala akong ibang inasam kundi ang makatuluyan siya habang buhay. Nagkaroon din naman kasi ako ng mga past relationships pero hindi ko makita ung satisfaction na gusto ko! Hindi ko makita sakanila ang sarili ko.
I've tried to fool myself! I had one night stands para makalimutan ko siya. Nagpaka busy ako sa modeling career ko para mabaling ang atensiyon ko sa ibang tao pero wala pa rin! Mas lalo lamang lumala!
Kaya nong nalaman kong may event kaming ppntahan dito sa pilipinas ay sobra sobra ang tuwa ko. Dahil may chance akong makita ang babaeng mahal ko. Ang bestfriend ko.
Hindi ko maipaliwanag kung anong damdamin ang naramdaman ko nung unang kita namin sa coffee shop! Napakaganda. Halos nawala ako sa sarili nun.
Pero ngayon, malalaman kong may asawa siya? Parang hindi kayang tanggapin ng sistema ko iyon.
Kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong sabihin sakanya nararamdaman ko. Alam kong masasaktan ako pero kahit papaano ay may konting pag asa dito sa utak ko. Sa daming taon na magkasama kami nararamdaman kong kahit papano ay gusto niya rin ako.
*ding dong* *ding dong*
Bigla akong natauhan. Masyado na yata akong nalulunod sa kakaisip! Hayyy... tumayo nalang ako at nagtungo sa pintuan.
Nandito ako ngayon sa condo.. kanya kanya kami ng mga katrabaho ko. Malapit na rin akong umalis. At ayoko mo nang isipin un sa ngayon.
Binuksan ko na ang pinto...
"Jaki?!" Gulat na gulat na sabi ko. Teka paano niya nalaman ang address ng condo ko? At bakit siya nandito?
"Surprise!!!!! Grabe jake ang hirap hanapin ng unit mo. Ang dami kong pinagtanungan! Pagrereklamong sabi niya. Pero hindi ko na siya pinansin at agad ko siyang niyakap ng mahigpit! Damn jake! Magpigil ka! Naramdaman ko nalang na gumanti din siya ng yakap sakin at tinatapik tapik ang likuran ko. Ahhh ehhhh jake, uhmmmm okay na? Hehe. Mejo hindi ako makahinga."
Agad agad ko naman siyang pinakawalan sa pagkakayakap. Tinignan ko muna siya pababa at pataas! God! What a beautiful woman! Napaka simple pero napakaganda. Wala talagang makakapantay sakanya.
"Anong ginagawa mo rito?" Bungad kong salita.
"Dinadalaw ka siyempre, bakit hindi ba pwedeng dalawin ko bestfriend ko? So bawal ba?" Yes! Bestfriend!
"Ahh ikaw talaga. Sabay kurot ko ng mahina sa ilong niya. Ano yan? Pagtukoy ko dun sa topperware na hawak niya. Para sakin ba yan?"
YOU ARE READING
IF YOU'RE NOT THE ONE
RomanceWhen it comes to LOVE, there are two choices You gamble for your own happiness? or give up for his happiness? What if you found out that the biggest weakness of your life is also your strength? Sometimes Real love has boundaries Either you lose or y...