CHAPTER 25 (Meet the devil)

594 23 13
                                    

A/N: SA SOBRANG PAGMAMAHAL KO SAINYO HETO NA ANG UPDATE. HINDI KO KAYO MATIIS. ETO LANG ANG NATAPOS KO AT NAKAYANAN KO SA ARAW NA ITO. TO FEED YOUR REQUESTS! Ilang araw ding magiging busy lola niyo, saranghaeyo everyone! 💕







.......

JAKI's POV



Kasalukuyan kaming naguusap ni madc at abala sa trabaho. Ilang araw nanaman akong hindi kinakausap ng matino ni vice. Ewan ko ba kung ano naging kasalanan ko at naging ganun nanaman siya.


Ilang araw lang ata ung pagiging sweet niya sakin tapos, tapos na!



Gusto ko siyang kamustahin sa loob ng kwarto niya kaya lang umandar nanaman ang pagkahiya ko. Parang may pagitan nanaman sa aming dalawa. Nahihirapan ako sa ginagawa niya.


Naguusap lang kami kapag may importanteng sasabihin oh gagawin, after no'n wala na.



Hindi na rin siya nagpupunta sa kwarto. Minsan naiisip ko baka may iba na siyang pinagtutuunan ng pansin. Baka may iba ng nagpapaligaya sakanya! Ayoko mang isipin dahil masakit pero wala ei, natatalo ako ng sarili kong emosyon!


Minsan kapag pupuntahan ko siya sa kwarto niya hindi ko naaabutan. Ang sinasabi nalang sakin may pinuntahan dw na importante. Minsan nga hindi umuuwi ng bahay kaya hindi ko alam kung saan siya natutulog.


Tanging si amira lang at mga kasamahan sa bahay ang lagi kong nakakausap.


Miss na miss ko na siya. Namimiss ko na ung mga yakap niya, halik niya at pagiging malambing niya. Kelan ko kaya ulit makikita at mararamdaman iyon? Ang hirap manghula.



Nagkikita nga kami, magkasama nga kami pero parang ang layo layo niya sakin. Ni hindi ko alam kung anong pinagmulan ng ikakasungit niya sakin.



Hindi ko na lang siya pinapatulan kasi ayaw kong lumaki nanaman ang away namin. Mahal na mahal ko si vice. Hindi ko ata kakayanin kapag nawala siya sakin. Mas lalo akong naiistress kapag naiisip kong malapit na matapos ung contrata. Malapit na kaming maghiwalay at hindi na mag asawa. Ayoko mangyari iyon. Kaya sa araw araw na ginawa ng diyos gumagawa ako ng paraan para maging maayos ulit kami pero wala talaga.


"Girl, okay ka lang?" Tanong ni madc sakin. Wala nanaman ako sa sarili.


"Ahh o-oo naman! Bakit?"


"Namumutla ka. Mukha ka pang stress, may problema ka ba? Kayo?"



Ngumiti ako sakanya. "Wala naman. Pagod lang siguro ito. At tsaka late na rin kasi ako natutulog madalas. Kulang lang siguro ako sa pahinga."


Nagaalalang tingin niya sakin sabay haplos sa likuran ko. "You sure? You know i can help you... sabihan mo lang ako."


Jaki wag ka iiyak ngayon! Pigilan mo!
"Okay lang ako, don't worry!" Kunwaring sabi ko sakanya at pilit na ngumiti.


Ano ba kasi nangyayari sakin? Parang araw araw naman na atang mabigat ang pakiramdam ko. Minsan humihilab yung tiyan ko. Hindi ko maintindihan. Ayokong magkasakit!



"Miss Gonzaga." Tawag sakin ni ma'am mercado habang nakatayo sa harapan ko.



Tumayo ako agad. "Yes ma'am? May kailangan po kayo?"


May inabot siya sakin na mga folders. Mejo mabigat din. "Kindly give this papers to sir viceral right now. I need his approval and signature about the sales issues."


IF YOU'RE NOT THE ONEWhere stories live. Discover now