CHAPTER 38 ( Longing for your LOVE )

835 25 18
                                    

A/N: Babawi ako ngayon! Haha. Namiss ko na silang mag love making at maging sweet. SPG PO ITO! SPG. Kaya kung ayaw mo wag mo na basahin, loveyou ❤️







AUTHOR's POV



Abot langit ang kaba ni jaki ng bumaba na sa sasakyan. Nasa bahay na siya ni vice ngayon. Ni wala siyang ka ide-ideya kung nasa loob man ang asawa niya.



Pinipilit siya ni jake na samahan sa loob dahil baka may gawing hindi maganda si vice sakanya pero ni hindi siya pumayag. Baka lalo lang dw mag ka-gulo kapag pumasok pa ito sa bahay nila vice.



At isa pa hindi rin naman siya magtatagal. Kakamustahin lang niya si amira at gugugol lang ng ilang oras at uuwi na rin siya.



Pinaalis muna niya si jake bago siya tuluyang pumasok na sa loob. Tatawagan na lang niya ito kapag uuwi na siya mamaya.



Nag doorbell na siya. Sumalubong agad sakanya si manang dolores na gulat na gulat sa pagdating niya.



"Ma'am J-Jaki."




"Anjan ho ba si amira? Pwede ho bang dalawin?"



"Oo naman ma'am. Basta ho kayo. Namimiss na rin ho kayo ng bata..... at si sir v-vice."


Hindi na lang niya pinansin ang sinabing huli ng katulong at Ngumiti na lang siya sa rito. umupo na siya sa couch. Pinatawag na lang niya kay manang si amira. Ayaw niya kasing umakyat baka mamaya na sa kwarto si vice. Mahirap na.





Ilang linggo rin siyang nawala sa bahay na ito. Inilibot niya ang tingin. Ganoon pa rin naman ka ganda kaya lang pakiramdam niya nababalutan ng lungkot ang bawat sulok nito. Parang walang nakatira sa sobrang tahimik.



Hindi na niya kukunin ang ibang gamit niya na naiwan dito baka kasi makahalata si atty. Santos sa paghihiwalay nila. Mas mabuti nang maging maingat.




Maya maya ay nakarinig na siya ng yabag sa hagdan. Nakita niya si amira na tumatakbong naka ngiti papalapit sakanya. Namimiss na rin niya si amira. Tumayo na siya at sinalubong ang yakap ng bata. Pinangko pa niya ito.





"Tita mommy, i miss you so much!" Pinaghahalikan siya nito sa buong mukha niya. Natutuwa siya sa pinapakitang ugali sakanya ni amira. Kahit kelan talaga ay napaka sweet na bata.




"I miss you more baby. Hinalikan niya ito sa pisngi. Kamusta kana? Mukhang pumayat ka. Naalagaan ka ba ng daddy mo?" Nagaalalang tanong niya sa bata. Naawa siya sa pagkapayat ni amira.



"Opo tita mommy. Iyak po kasi ako ng iyak kay daddy. Lagi ko tinatanong sakanya kung kelan ka po babalik. Minsan nga po nakita ko si daddy na umiiyak na umuwi dito sa bahay. I ask him why but he didn't answer me."



Nakaramdam siya ng lungkot. Ano ba nangyayari sa asawa niya? Eh diba nga ito pa ang nagpaalis sakanya? Pero bakit ganito ang sinasabi ni amira sakanya.



"Kahit wala si tita mommy dito sa bahay dapat hindi mo pinapabayaan ang sarili mo. Hayaan mo at kakausapin ko ang daddy mo." Hinaplos niya ang pisnge ni amira. Humigpit ang yakap nito sakanya at isinuksok ang ulo nito sakanyang leeg.




"Dito ka na ba ulit tita mommy? Wag kana po aalis. Malulungkot po ako ng sobra. Wala na po akong kalaro dito. Wala ng magaalaga sakin maganda at mabait na mommy. Tita mommy dito kana lang po."



"Baby may importante kasing ginagawa si tita mommy sa labas kaya hindi makauwi rito. Hayaan mo sa birthday mo ay babawi ako saiyo ng sobra. Narinig niya itong humihikbi. Naramdaman nalang niya na may tumutulong mainit na tubig sakanyang balikat. Hinimas niya agad ang likod nito. Ssshhhhh tahan na baby. Wag kana umiyak. Malulungkot ako kapag malungkot din ang baby namin."




IF YOU'RE NOT THE ONEWhere stories live. Discover now