LDRS: Intro - Chapter 1

66 1 1
                                    

Si Sandro, isang high school student anyos 16, na isang matinong lalake, anak, at estudyante. Na may kakaibang pakiramdam sa kabilang panig ng kanyang kinabibilangan.

10:30 am

"Jusko! 10:30 na pala!? Nako nako, makapaghanda na nga.." gulat at pagkataranta ang lumabas sa ekspresiyon ni Sandro nang makita ang oras sa kaniyang cp, at agad agad ito bumangon.

Nagsimula nang maghanda ng damit si Sandro, nilabas ang bagong plantyang damit, hinanda ang mga pampapresko, at saka nagsimulang maligo..

Matapos niyang maligo at magbihis ng pagka bilis bilis, saka siya naghanap ng sasakyan na kanyang masasakyan, pero pumalpak siya't naglakad na lamang. Walang nagawa si Sandro kaya't sinuot na lang niya ang earphones at nag cp habang naglalakad para siya'y malibang at bumagal ang oras sa kanyang pakiramdam, kalmadong kalmado ang kanyang estado dahil walang dahilan para mag panic.

Noong nakarating na si Sandro sa kanyang paaralan ay napabugtong hininga lamang siya, saka biglang naghabol sa kanyang classroom nang bigla niyang makita ang kanyang orasan.

Naka abot na siya sa kanyang classroom ngunit may nakita siyang kasuwertehan sa kanyang harapan.

"Hayyy.. Salamat naman!"

Napa bugtong hininga si Sandro ng malakas at napaupo sa kanyang upuan.

"Pasalamat ka Sandro wala si Prof ngayon", aniya ng kanyang kaklase na si Ruevert na kanya ring matalik na kaibigan. "Oo nga eh, buti na lang".

Nung sa gayon ay nagpahinga at nag cp ulit si Sandro, nang makita ni Ruevert ang kaniyang cp na may ka chat na iba si Sandro ay bigla nitong inasar..

"Ayieee, ka chat nanaman niya yung syota niya" napa halakhak si Ruevert nang makita niya ang pinag uusapan nila. "Ano ba wag mo nga tignan" nahiyang tinago ni Sandro ang kanyang cp sa kanyang bulsa. "Haha.. Wag ka na mahiya men, matagal ko na din alam yang relasyon niyo ni Hannah, kaya men okay na yan sakin at natural na yun sakin mamen", ngumisi si Ruevert kay Sandro at sinungitan ni Sandro ito. Pero ipinagkatuwaan parin ito nang dalawa, walang samaan ng loob ang nabubuo sa dalawa dahil matagal na silang bestfriends, andyan palagi sa isa't isa, bugbugan, proyekto at lahat ng hadlang. Para na silang magkapatid na di mo kayang paghiwalayin.

Nung matapos nang magkwentuhan ng dalawa ay saka na dumating ang kanilang guro, dito na nagsimula ang klase..

Dito ay makikita mo na nakatutok lang sa pag aaral si Sandro dahil may inaabot siya na pangarap na walang kasiguraduhan. Halatang nag aaral siya ng mabuti, ang pinaka dahilan nito ay si Hannah.

3:10 pm

Nagsimula ang break time nila Sandro, ngunit hindi siya lumalabas ng classroom at hindi siya kumakain dahil may iba siyang pinagkaka abalahan. Hinatidan ito ni Ruevert ng pagkain, pero tinanggihan ito ni Sandro, "Wala akong gana men", "Ah ganun ba sige men akin na lang ah" malaking ngiti ni Ruevert, habang si Sandro naman ay tuwang tuwa na ka chat si Hannah sa cp niya.

"Oy men tuwang tuwa ka na jan ah, di ka na nakakakain dahil lang jan" aniya ni Ruevert, "Hayaan mo na men, basta ako masaya ako", napangiti na lang si Ruevert.

7:00 pm

Sumapit ang uwian nila Sandro, magkasama ang dalawa sa pag uwi sa parehong daanan. Habang naglalakad naman ang dalawa ay napatungo si Ruevert kay Sandro at sinabing "Men, ayos ka lang ba? Parang nanggigitata ka na dahil lang jan", "Lah hindi men ayos lang ako" aniya ni Sandro. At nagpatuloy ang dalawa sa paglalakad habang nag aalala si Ruevert kay Sandro.

Nang makauwi ang dalawa ay dumeretso na agad si Sandro sa kaniyang kwarto ng walang pinapansin sa kaniyang paligid, gusot ang kama, walang kawalis walis, at tambak ang plato. Pero hindi ito hadlang sa kanya para kausapin ang kaniyang minamahal na si Hannah. 6 months na silang magkausap sa chat lang, dahil napaka layo ng pagitan nila. Balak na sana nila magkita pero tinanggihan ni Hannah ito noon at tinanggap ito ni Sandro...

Convo..

Mahal nakauwi na po ko..

Ahh kamusta ka naman? School? May assignment ka ba?

Ayos lang ako mahal ko, wala naman gaano assignment, ikaw kamusta ka?

Ok lang din ako, wag ka mag alala..

Nagpatuloy..

Ang dalawa ay laging inaabot ng madaling araw makapag usap lang at makamusta ang isa't isa, magmahalan hanggang sa sumikat ang araw. Nagiging dahilan ito ni Sandro para madalas na magkaroon ng sakit sa bawat lumilipas na linggo.

Sana dumating na ang araw..

Laging napapa isip si Sandro sa bawat minutong lumilipas sa kanyang buhay.

Good morning mahal ko..

Good morning din mahal..

Lumipas ang gabi at halos walang katulog tulog si Sandro, halatang puyat na puyat siya dahil sa naglalakihang mga eye bags niya na binibitbit sa araw araw. "Hayss.. Mukha nanaman akong zombie, kailangan ko to ayusin, kaso di ko talaga maiwasan na kausapin siya eh, mahal na mahal ko talaga siya" pabugtong hininga ni Sandro.

Sa bawat paggising ni Sandro ay palagi siyang mukhang may hang - over na para bang nilasing ng pag aalala sa kanyang minamahal na si Hannah.

Miss na kita aking sinta, sana ika'y makita..

Nang sa gayon nagsimula na siyang maghanda para pumasok sa kaniyang eskuwelahan, "same shit different day", aniya ni Sandro habang nag co-commute papunta ng kaniyang eskuwelahan.

Nang makarating si Sandro sa entrance ng eskuwelahan ay bigla siyang sinalubong ni Ruevert, "Broooo.. Musta? Magandang tanghali nga pala!" pa surpresang bati ni Ruevert kay Sandro. Napangiti naman si Sandro sa magandang bati, "Magandang tanghali din men, tara pasok na tayo" saad ni Sandro.

Sandro's POV

Napaka kakaiba ng pakiramdam ko ngayon, para bang di ko maintindihan ang mga nangyayare kahit wala naman gaanong pagbabago sa paligid ko pero medyo nasalubong lang ako sa bati ni Roberto.

ngiti ni Sandro..

Pero ba't ganun? Sobrang bigat ng pakiramdam ko.. Wala naman akong sakit ngayon, hayss.. Hayaan na wala akong magagawa. Alam ko na, yayain ko na lang si Roberto mamaya sa break time, pero..

Di ko parin maiwasan na hindi siya makausap..

Sa ngayon lang, pakikisamahan ko si Ruevert, kahit isang beses lamang.

12:30 (classroom)

"Ruevert!" pagtawag ni Sandro sa matalik niyang kaibigan, "Yow!" sagot ni Ruevert".

"Bro kain tayo mamaya, libre ko na", "Sige bro, gusto ko yan!", napangiti dito si Ruevert na para bang abot sa tenga ang kasiyahan niya dahil sa ilang araw na di pakikisama sa kaniya ni Sandro.

Long Distance RelationShitWhere stories live. Discover now