Sandro's POV
December 24, 6:00 pmSa wakas, heto na ang pagkakaton ko, makikita ko na rin siya sa personal, ang matagal ko nang hinahanap hanap sa aking buhay, nakahanda na ang aking mga bagay, nakahanda na lahat pati na ang aking damdamin na makita na siya.
Hindi ko muna sinabi na pupunta ako sa kanila dahil mas gusto ko siyang surpresahin, mas gugustuhin ko na magulat na lang siya bigla na natupad ko ang mga salita ko na makikipagkita ako sa kaniya, saka ko inilabas ang mga inimpake ko habang si Roberto at Zan ay naghihintay sa akin sa labas, gusto daw kasi nila ako ihatid sa paliparan, at ako'y nagpapasalamat dahil suportadong suportado kayo sa aking mga desisyon, maraming salamat Ruevert at Zanny.
Nang maihatid ako ay biglaan nila akong niyakap na para bang hindi na nila ako makikita muli. "Sandro, bumalik ka samin ha, maghihintay lang kami" paalala sakin ni Roberto, saka naman bumubulong si Zan na di ko maintindihan kaya napatanong ako sa kaniya kung ano yun at sinabi niyang "m-ma mimiss kita!", napangiti ako sa sinabi niya at sinabi kong "mamimiss ko rin kayo", sabay yakap naming tatlo ng mahigpit, saka na 'ko pumunta sa terminal nang aking pagsasakyan na eroplano, kumaway muna ako sa dalawa bago ako pumasok at napansin ko na may luha na tumutulo sa aking mga mata, siguro dahil mahal na mahal ko talaga 'tong si Roberto at Zan, kaya.. Paalam na muna.
At heto na ang sasakyan ko, kinakabahan ako sa mangyayari dahil pangatlong sakay ko pa lamang ito sa eroplano, ang mga nakaraan ay kasama ko ang magulang ko ngunit dahil wala sila ay kailangan ko na gawin 'to ng mag isa. Naghahalo ang kaba at pagkasabik na makita siya sa aking puso't isipan.
Nakasakay na ko at minensahe ko muna ang dalawa, nagpaalam at nagpasalamat muna, gayun din ang binalik nila sakin na mensahe, na mag ingat din daw ako lalo na pabalik.
Maraming salamat Ruevert at Zanny.
Saka ipinagbawal na ang paggamit ng cp sa eroplano maliban lang sa pakikinig ng music o kung ano, saka natulog muna ako dahil mahaba haba pa ang biyahe papunta sa kanila, at nang dahil sa kakahintay ay nakatulog ako..
Zanny's POV
Sandro, bumalik ka, mag ingat ka, at ako'y maghihintay, pakiusap Sandro bumalik ka para sa akin, na kahit wala akong karapatan sayo, sana bumalik ka kaaga kahit para sa akin lang, alam ko na kaibigan mo lamang ako pero Sandro pakiusap..
Bumalik ka, at ako'y maghihintay sa iyo..
Patuloy kong binubulong sa sarili ko tuwing gabi ang mga linyang ito, hindi ko alam ang dahilan kung bakit ganito ako kay Sandro, siguro ibang iba na talaga ang nararamdaman ko para sa kaniya, hindi na bilang matalik na kaibigan na lamang, pero mas malalim na doon, sana.. sana maayos ko itong sarili ko, bakit ba kasi ikaw pa Sandro?! Bakit kailangan ikaw pa.. Sa dinami rami ng lalake jan ba't ikaw pa Sandro?
Lubhang pag iyak ko sa aking kuwarto..
Hindi ako makapag tiis sayo Sandro, palagi na lamang kitang naiisip pero bakit? Laging kumikirot ang puso ko sa tuwing may binabanggit ka na ibang babae, pero bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing kinakausap mo ako, Sandro bakit ba kasi ganyan ka? bakit.. bakit.. bakit hindi na lang ako ang pinili mo? pasensya pero siguro..
Mahal na kita..
At saka ako'y nakatulog ng mayroong namamagang mata sa umaga, naglabas nanaman ako ng kabaliwan na ang kadahilanan ay si Sandro nanaman. Unti unti akong bumangon mula sa aking kinahihigaan, masakit ang mata at likod, at saka na ako bumangon at naghilamos. Pumasok nanaman bigla si Sandro sa aking isipan at ako'y napasabing..
Kelan kaya siya babalik?
Hindi ko masisigurado ang oras at ang kaniyang kagustuhan, alam ko sa sarili ko na wala akong karapatan sa kaniyang mga desisyon dahil kaibigan lamang ako, pasensya Sandro.
Nagsimula na akong pumunta sa kusina't nagluto ng aking almusal, kinamusta ako ng aking ina at sinabing "Oh anak, namamaga nanaman ang mata mo, okay ka lang ba?", "Okay lang ako ma, wala 'to" saad ko sa kaniya saka ako'y naghanda ng aking pagkain saka nagsimula nang kumain sa aming lamesa. Ang oras kahapon ay lumipas na parang walang nangyare, dahil sa kakaisip ko kay Sandro ay di ko namalayan na ngayon na pala ang pasko, habang kumakain ako'y napapatulala na lamang ako sa lahat ng bagay na pumapasok sa isip ko tungkol kay Sandro, hindi ko maintindihan. Saka natapos na akong kumain at naghugas, naglinis ng aming bahay, at naligo. Sa puntong ito hindi ako mapakali, hindi ko alam ang gagawin ko dahil nag aalala ako kay Sandro, hindi ko rin naman kayang puntahan siya dahil wala akong pera at malamang sa malamang na hinding hindi ako papayagan ng magulang ko na lumuwas na lamang, kaya wala na 'kong nagawa kundi maghintay sa pagpaparamdam saamin ni Sandro..
Sandro's POV
8:00 amHeto na, palapag na ang sinasakyan kong eroplano, matapos ang labindalawang oras mahigit na biyahe ay makikita ko na ang matagal ko nang pinapangarap, sa wakas. At eto na nakalapag na ng maayos ang eroplano, nag anunsyo na ang staff nila na kumalma muna at maghintay para sa pagbubukas ng mga pinto, saka ang ilang minuto ang lumipas at nagpalabas na sila, tumapak ako sa lupa ng nakangiti na hanggang tenga, excited na excited na ako na makita siya, sa kinatagal ng panahon, ilang buwan ay makikita na din kita sa wakas akin sinta.
Parating na ako para sayo, aking sinta..
Saka na ako lumuwas sa bayan ng kanilang lupa at nagtanong tanong kung saan matatagpuan ang luga ng aking mahal, nagmadali ako at naghanap ng naghanap, at heto na, nahanap ko na ang distrito ng kanilang lugar at nahanap ko na rin ang street nila, nakita ko na ang magandang asul na bahay nila na may napakagandang pagkakawelda, saka ako naglakad ng tahimik at tiniis na hindi makagawa ng ingay, sa kinatagal tagal ng panahon ay ito na ang pagkakataon ko, na makatapak sa tahanan nila, na makausap siya ng personal. Napa hinga ako ng malalim dahil sa kaba, at saka ako kumatok sa kanilang pintuan ngunit.. sa kanilang bintana, mga mata ko'y may nasaksihan na di kaaya aya para sa aking pakiramdam.. Hannah? ikaw ba yan?.. Tama ba 'tong nakikita ko?
YOU ARE READING
Long Distance RelationShit
RomanceMahiwagang pagmamahalan mula sa magkabilang panig ng mundo na may di inaasahan.