Sandro's POV
7:00 am
"Hayss.. Andito na ko, Ruevert at Zanny pauwi na ko hintayin niyo lang ako."
Bugtong hininga ko habang nagtatawag na ng taxi, sa gayun ay nakasakay din agad ako, sinabi ko ang address ng aking lugar at saka nag maneho na agad si manong taxi driver. Naghahalo ang aking damdamin, ang lungkot na naloko lamang ako at ang saya na makikita ko na muli ang mga kaibigan ko na tinuturing kong pamilya na buong buhay kong nakasama at sinuportahan ako sa lahat ng aking desisyon.
Sana naman ay tanggapin pa rin nila ako sapagkat iniwan ko sila dito para lamang maloko ako ng isang babae. At sa oras na ito ay nakarating na ako sa bahay ko, saka ko nilapag ang mga bagahe ko at tumawag kay Ruevert at kay Zanny.
"Ruevert, puntahan mo si Zanny, dali magkita kayo, tas pumunta na kayo sa bahay ko agad agad, wag ka na magtanong kung anong meron, basta bilisan niyo na"
Saka ko kaagad binaba ang telepono at pasyenteng naghintay sa aking sinauupuan. At bigla akong may narinig na sigaw na nagtatawag sa pangalan ko, nakita ko si Ruevert na dala dala ang walang malay na si Zanny
"Anong nangyari Ruevert?"
"Hinimatay siya nung nalaman niyang parating ka na, miss na miss ka nito"
"Ahh ganun ba, dali ilapag mo siya sa couch, maghahanda na ko ng tubig."
Saka ako agad agad na kumuha ng tubig at pinakiramdaman ang pulso ni Zan, normal lang naman ang BPS ng puso niya. Bigla kong naramdaman ang init ng kanyang kamay sa balikat ko.
"Sandro, bakit ngayon ka lang? n-namiss k-kita" nauutal na pagkasabi ni Zanny sakin.
"Pasensya Zan, pasensya kung pinaghintay ko kayo ng matagal"
Saka naupo si Zanny at inabutan ko ng tubig, umupo ako sa tabi niya pati din si Ruevert. May binulong sa akin si Zanny na di ko inaasahan.
"Sandro, mag usap muna tayo sa pribadong lugar, dun muna tayo sa kwarto mo dito muna si Ruevert please kung maaari?" saad niya "Sige" pagsunod ko sa kaniyang kagustuhan at kinausap ko si Ruevert na paglibangan niya na lamang ang mga pasalubong na dala ko, pagkain, kung anong laruan at working equipment. Saka kami pumunta ni Zanny sa kwarto ko at kinausap niya ako.
"Sandro, may sasabihin akong i-importante sayo, wag kang magugulat ha? sana walang magbago satin, please kahit ngayon lang?"
"Sige lang Zanny, makikinig ako"
"K-kase Sandro, ano eh, k-kasi.."
"Hmm?"
"Sandro, m-m-mahal kita!"
Saka ako'y napatahimik noong sinabi niya ang dalawang salita na yun, dalawang salita na hindi inaasahan ng kaluluwa ko, ayoko naman na tanggihan ang kaniyang pagmamahal sa akin, pero oo maganda naman siya, mabait, maalaga, maaalahanin, perpekto na din at mahal na mahal ko din siya pero hindi ko alam kung handa na ako para sa ganitong bagay, pero si Zanny ito eh, alam ko na mapagtitiwalaan ko siya, na tatratuhin niya rin ako ng tama, na mamahalin niya rin ako ng tama. Pero sana hindi na ulit ako masaktan, natatakot na ko, pero bigyan ulit natin ng pag asa ang ating sarili.
"Zanny, maipapangako mo ba sa akin na hinding hindi mo ko iiwan, sa lahat ng hirap at ginhawa? Dahil ako ipapangako ko yan sayo ngayon, sa bukas, at hanggang sa dulo. Please? takot na akong maiwan pa muli."
"Sandro, ipapangako at ibibigay ko ang lahat ng kung anong meron ako para sayo, mahal na mahal kita Sandro, hindi kita kayang saktan, di na kita kayang iwan, sobrang mahal na mahal kita at lalong ayaw ko rin na iwan at i-reject mo lang itong pag confess ko sayo, Sandro sana tanggapin mo itong pagmamahal ko sayo, dahil ipapangako ka sa iyo yan kahit ano mang mangyari ay hinding hindi kita iiwan dahil mahal na mahal kita."
"Zanny, tatanggapin ko na ang iyong lubos na pagmamahal sa aking pagkabuhay, maraming salamat Zanny at nandiyan ka para suportahan at mahalin ako, simula ngayon ay ikaw na ang mamahalin ko hanggang sa dulo ng ating walang hanggan. Zanny, maraming salamat"
At dito nagbunga ang bagong pagmamahalan, pagmamahalan sa pagitan ng pamilya, matalik na kaibigan, at nagmamahal. Simula nung araw na yun ay naging masaya na ang dalawa, at naging masaya na din si Ruevert sa kaniyang mga paraan..
Ngunit, may dumating na problema sa kanilang tatlo na di inaasahan..
Muling saksihan ang aking pagbabalik sa watty <3
YOU ARE READING
Long Distance RelationShit
RomanceMahiwagang pagmamahalan mula sa magkabilang panig ng mundo na may di inaasahan.