2:40 pm
Habang nagtuturo ang guro nila Sandro ay unti unting sumasara ang mga mata niya, pilit niyang intindihin kung ano ang sinasabi ng kaniyang guro ngunit mahirap itong gawin para sa isang normal at nagpupuyat na tao lamang. Dahil dito walang pumapasok sa isip ni Sandro dulot ng kaniyang pagpupuyat para sa kaniyang sinta.
Pasok sa isang tenga, labas sa isa..
3:10 pm
Sandro's POV
"Oy Sandro!" humahabol na tawag sakin ni Roberto, panigurado dahil ito sa sinabi ko sa kaniya kanina na ililibre ko siya, pero okay lang sakin yun dahil minsan lang din mangyari ang ganitong mga bagay, kailangan ko din ng oras sa mga kaibigan ko.
Pero di ko talaga kayang hayaan na lang siya..
"Heto na siya" bulong ko ng mahina na may kasamang di gaano kasiglang ngiti. "Bro, ano na? Tara na!" at biglang takbo ni Roberto sa canteen. "Haha.. Oo hahabol ako" saka ako naglakad papunta sa bilihan kung saan nag aabang si Roberto, palagi na lang siya mukhang bata na hinihintay makapunta sa lugar na pinaka gugusto niyang puntahan, lagi talaga ako napapangiti nito ni Roberto eh no? Nagpapasalamat parin ako dahil andyan siya para sakin sa lahat ng hadlang na aking nadaanan at pati sa pagtiis niya sa ugali ko, napaka swerte ko naman magkaroon ng ganitong kaibigan, at syempre yung isa din naming kaibigan, si Zanny na makulit din pero pabebe sa ilang mga paraan posible. Mga ilang araw na rin kami di nag uusap ni Zanny, siguro dahil sa pag aaral, mahirap na din kasi ngayon eh lalo na't grade 10 na kami pero sabado bukas kaya susubukan namin yayain ni Roberto.
At saka ako nakarating kay Roberto habang nag iisip isip ng mga bagay sa mundo na mahalaga saakin, "Bro yun gusto ko oh!" sabay turo ni Roberto sa paborito niyang pagkain na Turon, wala rin akong kasiguraduhan kung bakit eto ang paborito niya pero di naman ako nagrereklamo na ganito gusto niya, I mean mura naman at masarap pero wala na ba talaga siyang ibang gusto? Kaya napa tanong ako sa kanya.. "Bro eto lang ba? Baka naman magpahabol ka nanaman jan", "Di na bro, eto lang busog na ako!" proud niyang sinabi sakin yun na may kasama pang matinong ngiti, ayun wala na akong ginawa kundi bumili na lang ng biscuit dahil wala akong gana na kumain, di ko rin alam kung bakit eh.. Basta ang mahalaga kumain na din ako.
Habang kumakain ako ay bigla kong naramdaman ang cp ko sa bulsa ko..
Mahal? Kamusta ka? Ayos ka lang ba jan? Aral mabuti ha?..
Ang bumungad sa aking mga mata nang buksan ko ang aking cp, pinuno ng pag aalala ang aking puso at di ko natanggihan na balikan ng mensahe si Hannah pero..
Opo mahal..
na lang ang sinagot ko dahil ayaw ko naman na mabagot nanaman si Ruevert sa kakachat ko kay Hannah. Nang sa gayon ay sinabayan ko na ulit kumain si Roberto.
Natatawa ako lagi pag binabanggit ko ang pangalan niya sa ganung paraan
4:00 pm
At nagsimula ulit ang klase namin, ang problema math pa, kakayanin ko kaya? Sana di ako bumagsak sa lamesitang kina pupwestuhan ko ngayon. Hindi kasi ako daldalin pagdating sa mga kaklase ko kaya wala akong kakwentuhan para malibang habang may nagtuturo, pinalipas ko na lang ang oras sa paglaro ko sa ballpen ko.
7:00 pm
"Sa wakas!" napa unat ako sa sinabi ko dahil sa wakas uwian na nga at wala pang pasok bukas, maaari na ko magpuyat kaso naalala ko yayayain ko pala yung dalawa na gumala kaya sa ngayong gabi na to tutulog ako ng maaga para sa kanila, para kay Ruevert at Zanny, at malaking himala magkasabay ang dalawa, sa kanto pa lamang ay nakita ko na ang dalawa na naghahabulan na parang mga bata, kaya napa tawag ako sa kanila, "Rob! Zan!" saka tumingin ng biglaan sakin ang dalawa at saka tumakbo papunta sakin, wala na akong nagawa kundi ang tumayo na lang. Nagulat ako nang bigla akong yakapin ng dalawa, siguro dahil ito sa pagod at pagtitiis sa pag aaral. "Sandrooooo.. Namiss kita men" mga nakakatuwang salita na narinig ko mula kay Zanny, ngumiti ako at sinabing "ako din Zan, namiss din kita" saka ko siya tinanong at niyaya na kung pwede ba siya bukas na sumama samin ni Roberto, si Ruevert di ko na tinanong dahil palagi naman siyang pwede lumabas, pasaway din yan minsan eh haha..
"Oo naman! Anong oras ba?" saka sumagot si Zanny, at saka nun ay nag set kami ng time para magkita kita at magbonding, saka nagsabay sabay na kaming umuwing tatlo, syempre si Zanny malapit lang din sa kinaroroonan namin ni Roberto (Ruevert), sama sama kaming tatlo na para bang mga lasing palagi pag magkakasama, sa kanila ko lang nararamdaman ang tunay na pagmamahal ng kapatid at magulang kung san nakakatuwa at nakakamangha na mahal din nila ako bilang kapatid at pamilya..
Sana di na to magtapos, dahil mahal na mahal ko din sila, dahil naging pamilya ko rin sila.
Saka ako umabot sa aking bahay, pumunta muna ako ng sala at naupo sa couch, inobserbahan ko ang paligid ko at napansin kong napaka dumi na pala talaga ng lugar ko, wala rin kasi akong maaasahan na maglinis ng bahay dahil nangibang bansa si nanay, at si tay pumanaw na nung bata pa lamang ako. Dito na ko nagsimulang maglinis ng bahay, magwalis, magpunas, maghugas ng plato, grabe ang naging pagod ko dito at di ko na napansin na hindi ko pala nakita ang mensahe sakin ni Hannah, di ko napansin na nakatulog na pala ako, na dito ko lang ulit naramdaman ang tunay na tulog na matagal ko nang hinahanap hanap, pero napaisip ako na siguro okay lang kay Hannah yun dahil nag general cleaning din ako sa bahay, wala na akong nagawa, hindi ko na naigalaw ang aking katawan at saka na dumilim ang aking mga paningin, at dito na nagsimula ang masarap na tulog na hinahanap hanap ko.
7:00 am
Naalimpungatan ako dahil sa pag aalala ko kay Hannah, kaya't tinignan ko kaagad ang mensahe niya sa cp ko..
Mahal? Okay ka lang ba? Miss na kita.. Sana naman mag reply ka na.
Saka ako agad gumawa ng mensahe para sa kaniya dahil alam ko na nag aalala yun sakin ng sobra sobra.
Good morning mahal, sorry kung ngayon lang ako, naglinis po ako ng bahay kahapon eh, di ko po sinasadyang makatulog agad, pagod po eh..
Saka ako bumangon mula sa aking hinihigaan at saka naghilamos, nagtimpla ng kape para naman magising sa katotohanan na kina uupuan ko sa buhay ko.
Biglang lumabas ang mensahe ni Zanny na nag sasabing "Men musta? Tuloy ba? Pinayagan na ko". Bigla kong naalala na may lakad nga pala kami nila Roberto, bonding ng magkakaibigan kuno. "Syempre tuloy" saad ko sa kaniya kaya't naghanda na ko ng susuotin ko mamaya pag alis ko, sa coffee shop lang din naman kami magkikita, dalawang kanto lang mula dito.
1:00 pm
Saka dumating ang oras kung jelan kami magkikita, nakahanda na ko para umalis, lumabas na ako ng bahay habang nilalagay ang earphones sa tenga ko. Saka ako nakarating sa pagkakakitaan naming tatlo, nauna kong nakita si Zanny pero wala parin si Roberto..
Nagkwentuhan na lang muna kami ni Zanny habang wala pa si Ruevert, kinamusta niya ko, kinamusta ko rin siya, wala naman gaanong balita mula saaming dalawa kaya hanggang dun lang umabot ang kwentuhan namin at napatahimik na lang kami.
Zanny's POV
Eto na, kaharap ko na siya, ang matagal ko nang matalik na kaibigan na ilang araw ko nang di nakakausap dahil sa dami ng gawain sa eskuwelahan. Kaharap ko na siya muli sa kinatagal tagal ng oras, si Sandro.
"San-"
Napatigil ako sa pagsasalita ko nang biglang mapansin ni Sandro si Ruevert na parating na dito sa coffee shop na kinaroroonan namin
YOU ARE READING
Long Distance RelationShit
RomanceMahiwagang pagmamahalan mula sa magkabilang panig ng mundo na may di inaasahan.