2:00 pm
Sandro's POV
At eto, nakarating na si Roberto at kumpleto na kaming tatlo. "Tara men order tayo kape, Zanny ano gusto mo?" tanong ko kay Zan, "Kahit iced coffee na lang" tugon niya, saka kami nag order sa counter. Ang pinili ko ay capuccino, wala naman akong ibang paborito eh, si Roberto naman ay choco milkshake lang, kahit anong gawin namin parang bata parin para sakin si Roberto.
Saka kami bumalik sa mesa namin, tumabi sakin si Roberto habang si Zanny naman ay kaharap namin na nagbabasa ng kung anong libro, di kasi ako mahilig magbasa eh. Saka kami nag kwentuhan tungkol sa mga nangyayare sa paligid namin, inabot kami ng dalawang oras dahil sa pagkekwentuhan namin.
4:00 pm
Tumayo na ako nun at sinabi sa dalawa na "Roberto, Zanny, tara na anong oras na eh, gusto ko na magpahinga, ubos na rin tong iniinom ko eh" saka rin tumayo si Zanny at Roberto at sumang ayon sa desisyon ko, ngumisi sakin si Roberto at sinabing "Sus chachat mo lang syota mo eh yiee" sabay tawa, nakisabay na lang ako sa tawa niya dahil wala rin naman akong masabi.
Saka na kami naglakad pauwi nang mapansin ko na medyo kakaiba ang kinikilos ni Zan, di ko alam kung bakit kaya napatanong ako sa kanya, "Zan? May problema ba?", "A-ahh.. Ehh.. W-wala" sabay ngiti niya sakin na parang walang buhay, kaya napapaisip na lang ako.
Zanny's POV
Muntikan na ako, jusme nakakahiya kung malaman ni Sandro, hayss.. Buti na lang di agad niya nalaman, problema lang mag uuwian na kami, di ko na ulit siya makikita nakakalungkot lang, sana kamustahin niya ulit ako sa susunod pero..
Sana lang..
Wala rin naman akong nagawa kaya hinusto ko na lang ang pagsasamahan namin, mas malapit kasi bahay namin kay Sandro kesa kay Ruevert, kaya sinabi ko na dumaan na lang kami ni Sandro sa alam ko na daanan para mas magkaroon ako ng oras ng kasama siya ng kaming dalawa lang ang natitira.
"Sandro?" tawag ko sa kaniya ng mahina ang boses, "Bakit Zan? May problema?" tugon niya. "Wala naman, pwede ba kita y-yakapin? K-kahit saglit lang?" nauutal kong tanong sa kaniya, saka niya inilapat ang mga kamay niya na papalibot sa akin, at saka ko tinanggap ang mapagmahal niyang yakap, na kahit bestfriend lang ang turing niya sakin, ramdam na ramdam ko parin ang kasiyahan kahit minsan nasasaktan na ako. "Ok na ba Zanny?" tanong niya sakin pero hindi ako bumitaw sa matamis niyang yakap, naaamoy ko siya, nararamdaman ko ang tibok ng puso niya, ang lapit ko sa kaniya, na para ba akong sasabog na. "Zanny?" tugon niya, saka bumitaw ako "a-ayy sorry!" sagot ko sa kaniya, napahiya ako pero..
Worth it pa rin..
Saka na kami nagsi uwian at nakarating na ko sa bahay ko, deretso takbo na agad ako sa aking kuwarto at biglang nanggigil sa unan na niyakap niya ko ng buong puso, pero naalala ko na bestfriend nga lang pala tingin niya sakin. Pero basta may closure kami okay na ko, makita ko lang siya masaya na ko kahit may iba na siya
Kahit masakit na..
Sandro's POV
Medyo nakakalito ang mga galaw ni Zanny ngayon, siguro may family problem siya, pero alam ko naman sa sarili ko na wala akong karapatan mangi alam sa problema niya kung ganun yun kabigat.
Saka ko na lang kinausap si Hannah, nagkamustahan ulit kami, same as usual ang pag uusap namin, wala gaanong balita mula sa isa't isa, saka sinabi ko sa kaniya na matulog kami ng maaga dahil di na ko sanay ng nagpupuyat, tinanggap niya ito at saka kami nag usap ng matino. At nakatulog na kami ng maaga, hindi naman sa binitin ko siya, pero kinailangan din ng bawat isa dahil nahihirapan na ko magpuyat, di na kinakaya ng mga mata ko. Nang sa ganun ay natulog na din kami ng maaga kaya't dumating ang kinabuksan.
8:00 am
Sa oras na ito ay bigla akong bumangon, wala akong dahilan pero naghilamos na ko saka nagluto ng almusal at nagtimpla ng kape, nang bigla kong maramdaman na nagvibrate ang cp ko.
Goodmorning mahal, paggising mo mag almusal ka na ha? Ingatan at alagaan ang sarili..
Nakita ko kaagad ang mensahe niya na kitang kita ang pag aalala, pero nag aalala nga ba? Naniniwala akong mahal na mahal ako ni Hannah, at ganun din ako sa kaniya.
Hindi ko kaya ng wala siya..
Saka kumain muna ako habang kausap si Hannah, nagulat din siya na bakit ang aga ko daw. Inubos ko na ang aking kinakain at hinugasan na ang pinag kainan, saka ako umupo sa couch namin at nagpahinga habang kausap si Hannah. Nagsimula ulit kaming mag usap tulad ng dati na walang katapos tapos ang pangangamusta, walang kwento, walang biro, pero mahal ko pa din siya kahit ganun siya.
Habang patagal ng patagal ay tumataas at tumataas ang bilang ng ipon ko para makita siya, kalahating araw kasi biyahe papunta sa kanila kaya mas mainam nang paghandaan ko ito, na sana makasalubong ka na siya sa pagkatagal tagal ng panahon na di kami nagkikita, pero wala pa akong plano na pumunta sa kanila agad agad, kailangan ko muna ng oras, at sakto malapit na magpasko kaya kukunin ko na yung oportunidad na yun para magkasama kaming magiging maligayang dalawa. Kaya, naghintay ako, nagtiis ako, nagplano at nag ipon habang pinagdadaanan lahat ng hirap sa school at pag aalala sa kaniya.
December 20
Malapit na ang pasko at nakapag plano na ko, na susurpresahin ko siya dahil alam ko na ang address ng bahay niya, pagsapit ng pasko ay saktong nandun na ako, kakatok sa bahay nila na may dalang regalo, na pinaka hihintay ko sa buong buhay ko, na makita ko na siya sa personal. Kaya't naghanda na ko ng mga gamit at personal na mga bagay, saka ang sabi niya sakin pwede naman daw ako manirahan KUNG makakapunta daw ako dun, heto na ang panahon.
Nakipag group call ako kela Roberto at Zan, sinabi ko sa kanila na papunta na ko kela Hannah sa darating na pasko.
"Bro mag ingat ka ah, balik ka samin agad" sabay mahinhin na tawa ni Roberto, "Sige men mag ingat ka ah, maghihintay lang kami, mahal na mahal ka namin" aniya naman ni Zan.
Ramdam na ramdam ko ang pag aalala at pagmamahal nila sakin bilang pamilya, na sana pwede ko silang isama pero hindi pwede dahilan nang may mga pamilya din sila na aasikasuhin sa pasko. Sana maging masaya at maligaya ang pasko nila Roberto at Zan, mag iingat ako..
Pangako..
YOU ARE READING
Long Distance RelationShit
RomanceMahiwagang pagmamahalan mula sa magkabilang panig ng mundo na may di inaasahan.