CHAPTER ONE

2 0 0
                                    

CHAPTER I

EMMARIE GARCIA

Naging mabait akong girlfriend sa lahat ng desisyon ko sya ang top priority ko. Okay na ang lahat we're planning to get married na, unti-unti na namin nabubuo ang mga pangarap namin pero ano sinayang nya lang ang lahat. Hayop sila magsama sila ng babae nya. Grrr!

"Arie please talk to Raffy first before ka magdesisyon ng ganyan. Why don't you give him a second chance naman anak." Pakiusap ni Mama. Alam ko kung gaano sya kaboto para kay Raffy. Napagkabait kasi nito at magalang, yun nga lang gago pala. A cheater to be exact.

Ayoko magbigay ng second chance para sa isang taong mangloloko. One week na ang lumilipas non mahuli ko syang may babae sa akto pang naghahalikan sila, I know naging busy ako matapos kasi namin makagraduate nagtrabaho na agad ako sa Restaurant namin para makatulong kay Mama pero di naman sapat na reason yun para sayangin nya ang limang taon namin.

"Ma please let me think first. Hayaan nyo muna akong lumayo." Pakiusap ko. Ang sakit sakit kasi na yung akala kong almost perfect relationship namin magagaya lang din pala sa iba na may third party. How funny, isa na rin ata ako sa mga huhugot ngayon sa social media na walang forever.

"At saan mo naman balak pumunta?"

"Trust me Ma, babalik din ako pag okay nako. Gusto ko lang muna lumayo at mag-isip. I don't know kung kaya kong harapin si Raffy."

--

"AH! Fresh air." Pagkababa ko palang ng bus naaamoy ko na agad ang sariwang hangin. Apat na oras din ang naging biyahe ko mula Laguna hanggang dito sa Quezon Province pinili ko nalang magcommute kesa magpahatid sa driver namin knowing my Mother sasabihin nya kay Raffy kung nasaan ako. Pinili ko ang lugar na ito dahil I know hindi nila iisipin nasa malapit lang ako pupuntang lugar. Madami din akong dinalang gamit isang malaking bag pack bukod pa ang sling bag ko kung nasaan ang pera ko at cellphone.

"Hi! Good morning Ma'am. Welcome to Ocean Hotel and Resort." Bati sakin ng isang receptionist. Mukhang bata pa ito, siguro ay 'di kami nagkakalayo ng edad.

"Umh. Hi! May available pa ba kayong room?" Tanong ko kaagad. Wala akong alam sa hotel na ito nagkataon na ito agad ang una kong nakita sa suggested hotel non nagsearch ako sa google.

"Yes Ma'am. Actually wala nga po nakacheck-in ngayon masyado sa Hotel namin. Ilan po ba kayo, family outing ba o barkada outing?"

"Ako lang mag-isa."

"Ah okay po.Mga ilan araw kayo Ma'am?"

"Two weeks sana..." Alanganin kong sagot. Hindi ko kasi talaga alam kung anong plano ko.

"Ay ang bongga nyo naman Ma'am dahil dyan ibibigay ko sa inyo ang mala-VIP Room namin pero ipaprice ko lang po sa ordinary room. Four hundred fifty po ang room namin per day pero kung overnight seven hundred Ma'am." Pinakita nya sakin ang kung magkano ang babayaran ko.

Malaki ang natipid ko , siguro ay kasya na ang dala kong cash kung hindi ay magwiwithdraw nalang ako. Mabuti nalang at nakapagwithdraw ako kanina ng thirty thousand pera mula sa iniipon ko para sa kasal namin ni Raffy bago ako umalis ng Laguna, itatanong ko nalang kung may malapit ba ditong mall or kahit atm machine.

Maganda naman ang room nila na pang VIP although hindi mo ito pwede ikumpara sa room ng isang five star hotel. Kumpleto ito sa gamit, may aircon at flat screen tv at may mini fridge pero ang pinakagusto ko sa lahat ay yung veranda na nakatapat sa dagat agad akong nagpunta don. Pinikit ko ang mata ko at nilanghap ang sariwang hangin kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko, tama nga ang naging desisyon ko na lumayo muna.

THE LOST WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon