EMMARIE GARCIA
Sa ikatlong araw kong pag-i-stay dito wala akong ginawa kung hindi sa gabi iiyak sa umaga mag-eemote. Nagpapadeliver nalang ako kay Anjanette nang pagkain sa room ko, mabait naman kasi ito at di na nag-uusisa pa. Madalas sa veranda ako nakapwesto pag-umaga nakakagaan kasi ng pakiramdam kahit papaano ang simoy ng hangin, maliban nalang kung 'di eepal si Don kagaya ngayon. Kaya ayoko din lumabas ng room ko dahil gawa nito, siyang naturingang lalaki siya pa ang usisero akala mo nasa taga NBI kung maka-interview kung bakit mag-isa lang akong nagbabakasyon hanggang nakapagconclude ang gago na baka team sawi daw ako. Tsk!
"Alam mo kasi libangin mo ang sarili mo kaysa nag-eemote ka dyan." Sermon nito sakin. Napag-alaman kung sa kabilang kwarto talaga pala ang room nito.
Inirapan ko lamang ito.
"Di ka makakamove-on nyan."Epal talaga.
"Wala kabang trabaho ngayon. If im not mistaken, ikaw ang manager dito, chef at life guard sa dami mong trabaho nagagawa mong pakialaman ang pag-eemote ko dito." Pagtataray ko.
"So, mas mahalaga ka kesa sa mga yon." Sabay kindat pa nito. At yan mga banat nya na puro pa-fall. Ano akala nya naman sakin.
"Leave me alone." Di ko na maitago ang pagkairita ko. Gusto ko mapag-isa pero hindi nya maibigay-bigay sakin.
"Ayoko nga. Alam mo bang mas madali daw ma-inlove ang babaeng broken hearted sa lalaking unang magcocomfort sa kanya. Kaya asahan mo I'm always here for you Babe." May kasama pang pagkindat nitong sabi.
What the--
Di ko maiwasang mapanganga sa narinig kong sinabi nito. Sasakit ata ang ulo ko sa lalaking ito. Kaya agad na akong pumasok sa kwarto ko. Pero rinig ko pa din ang pagtawag nito. Hays! Bakit ba di soundproof ang kwarto nila.--
Kinabukasan nakapagdesisyon nakong lumabas ng kwarto. Wala naman kasing mangyayari kung patuloy kong iiyakan ang gago kong Ex. Oo masakit at hindi madali magmove-on, pero siya ang nagkamali. Napagtanto kong siya ang nawalan at hindi ako, siya ang nangloko kaya bahala siya. Di nako iiyak at magpapakastress para lamang isipin sya.Lilibangin ko ang sarili ko dito.
Agad akong nagpunta sa dining area para magbreakfast. Nakita kong masyadong busy sina Anjanette at ang iba pang mga staff.
"Hi ano pong meron?" Tanong ko kay Ate Lany isa sa mga house keeping nong mapadaan ito sa harap ko.
"Ah kayo pala yan Ma'am Arie. May kasalan kasing magaganap bukas nagkataon naman kulang yung mga pinadalang staff non coordinator nila kaya ayun kami tuloy ang nahihirapan. Sige ma'am mag-aayos pa kasi ako ng mga kwarto dahil mamaya dadating na yun mga guest."
"Sige po."
Binilisan ko ang pagkain ko para makatulong sa kanila. Tutal wala din naman akong gagawin, non una ayaw pa nila payagan dahil isa ako sa mga guest dito.
Pinalitan ko si Anjanette bilang receptionist. Madali lang naman ang gagawin ko.
Non hapon dumating na yung bride kasama ang ilang part ng family nito saka ilan sa mga kaibigan.
Bukas pa daw susunod yung iba nilang mga kamag-anak saka yung ibang invited sa kasal, nauna lang daw dito yung mga abay. Ang gagawin ko lang ay ichecheck lang naman ang names nila sa checklist dahil may capacity limit lang ang guest at ihatid sila designated rooms.Natapos ang pag duty ko by 8 pm nang dumating si Anjanette , nagpasalamat ito ng sobra-sobra sakin. Hindi naman mahirap ang ginawa ko gawa sanay naman nako sa ganito dahil may-ari kami ng restaurant na ako minsan nagmamanage at humaharap sa mga customers.
--
Maaga akong gumising ngayon, dahil ngayon na gaganapin ang kasal. Sa may beach ito mangyayari at ang reception ay dito sa Hotel. Gusto ko ulit tumulong tutal wala naman ako gagawin at bukod don nalilibang ako.
BINABASA MO ANG
THE LOST WIFE
Короткий рассказTypical love story. They meet, nainis sa ugali ng isa't-isa and the next thing they know they are already fall inlove with each other. Happy ending?! No.