050318

6 0 0
                                    

Mayo 3 2018.

Mag-aalas sais na ng hapon, unti unti nang dumidilim ang langit pero heto ako ngayon, hinihintay ka sa paborito kong kainan, sa paborito natin, sa Jollibee. Nakaupo ako sa dulo, kung saan makikita  ang lahat ng mga costumers na kumakain. Halos lahat, tumatawa. Halos lahat, may kasama. May ibang nag-iisa at tila may hinihintay, katulad ko, Hinihintay kita. Umorder ako ng Sundae at Fries para habang hinihintay kita, may kinakain ako. Nasaan ka na ba? kailan ka dadating? Natutunaw na ang ice cream ko, tunaw na din ang yelo sa tubig ko pero wala ka pa din. Unti unti nang nagaalisan ang mga tao. Kanina, punong puno ito, pero ngayon halos lahat wala na. Kada may humihintong bus, hinihiling ko na sana, ikaw na yung bumaba doon. Sana, ikaw na yun kaso hindi eh, ang dami ng dumaan, ang dami ng taong bumaba pero wala ka pa din. Nasaan ka na ba? Dadating ka pa ba?

Thoughts in a LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon