071618

9 0 0
                                    

Dadating yung araw na maaalala mo lahat ng mga masasakit na bagay na pinagdaanan mo.

Dadating yung araw na mapapangiti ka na lang kasi nakaya mo yun, nakaya mo lahat.

Dadating yung araw na may mga bagay na pagsisisihan mo pero maiisip mo na 'tama lang na nangyari yun'.

Dadating yung araw na mapapasigaw ka na lang sa tuwa kasi ayun na, tapos na.

Dadating yung araw na sasaya ka na.

kaya maghintay ka lang, kasi lahat ng bagay may tamang pagkakataon.

lahat ng bagay may tamang oras, may mga bagay na nakatadhanang mapagdaanan mo, nakatadhanang masaktan at matuto ka.

Kaya wag kang susuko. Lahat ng bagay may mga rason kung bakit mo pinagdadaanan lahat.

Kung nahihirapan ka na, tumingin ka lang sa langit, sa mga bituin, huminga ng malalim at sabihin mo sa sarili mong kaya mo, kakayanin mo.

Nandiyan lang Siya, nakagabay sayo. Iniingatan ka at minamahal ka.

Thoughts in a LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon