Chapter 1

182 1 0
                                    

          

          The first time na nagkagirlfriend ako was when I was in high school. Second year high school. Nakakatawa ngang isipin kung paano ako nanligaw ng mga panahong 'yun. Kadiri kung aalahanin ko. Inutusan kami noon ng aming teacher sa isang subject, nakalimutan ko na nga kung anong subject 'yun eh. Matagal ko na siyang crush. Parang tumubo nalang na parang kabute ang feelings ko para sa kanya. Hay naku, buhay high school nga naman. Anyways, 'yun na nga, papunta pa lang kami sa likod ng isang building sa school namin para bunutin ang mga talahib at nagsisitubong mga damo ay nag-uusap na kaming dalawa about sa status namin, LOL! Nakakatawa noh? But it happened. It all happened to all of us. Kung sasabihin mo sa akin ngayon habang binabasa mo 'to na wala kang naging crush noon, nek-nek mo! Lokohin mong lelang mo. Balik tayo sa kwento ko, tinatanong ko na nga siya when we were on our way sa hardin ng paaralan namin. Of course, si girl naman panay lang ang tawa at puro ngiti lamang ang sinasagot sa akin. Ay, siyanga pala, hindi ko pa pala napapakilala sa inyo ang babaeng kinukwento ko, siya si Linda. My first girlfriend. Yup, sinagot niya ako, habang nagbubunot lang naman ng mga ligaw na mga halaman sa likod ng isa sa mga gusali sa campus namin.

          Tumagal rin ng halos dalawang buwan ang relasyon namin, yup, you read it right. Two months only. Kasi nga raw, baka malaman ng mga magulang niya. Eh sino ba naman ako para ipagkait ang freedom na hinihingi niya? Freedom daw oh. Parang kung sino lang noh? Parang may trabaho na kung umasta, eh nag-aaral pa naman. Humihingi pa ng baon sa mga magulang para lang may ipang-date. Pero teka, nag-date nga ba talaga kami noon ni Linda? Anyways, of course tinanggap ko na lang ang naging pasya niya, alangan namang puntahan ko ang mga magulang niya at sabihin kina tito't tita na "Tito, Tita, mahal ko po ang anak niyo. Ipaglalaban ko ang pag-iibigan namin kahit anumang mangyari." Yuck!

          College came. Medyo nag-mature na ako nang konti. Hindi na ako padalos-dalos at nag-iisip na ako nang mabuti sa tuwing nagdededisyon ako lalo na pagdating sa pag-ibig. Naks naman! But yes, it's true. I studied while at the same time working. Trabaho sa umaga hanggang maghapon at aral naman pagdating ng gabi. Hanggang sa nakilala ko, si Jane, kasama ko sa trabaho. Ang pangalawang babaeng nagpatibok ng aking puso. Nagpatibok nga ba talaga o kinilig lang? Ewan. Basta ang alam ko nang mga panahong 'yun ay masaya ako 'pag kasama ko siya. Ang sarap sa pakiramdam 'pag natatawa siya sa mga jokes ko. Hanggang sa kumalat na nga ang chismis sa lahat na mga katrabaho ko na may gusto ako kay Jane at of course, umabot ito sa kanya. Kaya siya na mismo ang nagtanong sa akin isang araw habang magkasama kaming naglunch break. Kaya naman 'di na ako nagpatumpik-tumpik pa. Inamin ko sa kanya ang lahat, at ang akala kong araw na makakahinga na ako nang maluwag dahil nasabi ko na sa kanya ang lahat ay halos ikinamatay ko pa nang sinabi niyang hindi pa siya handa at maghanap na lang daw ako ng iba. Biro lang. Nasaktan ako, oo. Pero hindi ko naman halos ikinamatay. So, halos isang buwan na namang pagmomove on ang ginawa ko. Sa awa naman ni inang kalikasan naka-move on naman ako. After a year, dahil vocational ang kinuha ko, I graduated top sa klase namin. Hindi sa pagmamayabang ha, pero yes, top po ako. Nainlove, nasaktan, nagmove-on, grumaduate at nagtop.

          After a month na pahinga ay nagtrabaho na ako kaagad. Ang masaklap pa, kailangan kong lumayo sa aking pamilya. Kailangan kong magtrabaho sa ibang...probinsya. Probinsya lang, hindi naman bansa. Pero kahit probinsya lang, malayo pa rin 'yun ha. Hindi pa rin madali, lalo na kung first time mo at close ka sa pamilya mo. Sa aking pagtratrabaho pagkatapos ng anim na buwan ay nakilala ko ang pangatlong babaeng bumighani sa akin, si Daisy. Anak ng isa sa mga suki namin sa shop. Nagtratrabaho kasi ako noon sa isang printing and publishing shop. Ang ganda niya, halatang anak mayaman. Parati sila sa shop dahil maraming pinapaprint ang daddy niya, lalo na noong dumating ang eleksyon. Tumakbo kasi ang daddy niya noon, at of course, bilang anak full support siya. Siya ang na-assign sa mga printouts. Mapa flyer man, poster o t-shirt. Ako naman ang layout designer nila. Hanggang sa 'yun nga, after two months, nanligaw na ako sa kanya and after a month, sa wakas, sinagot na rin niya ako. Gwapo ko noh? Isang buwan lang napasagot ko na siya kaagad. We were so happy. Marunong siyang kumanta, marunong rin akong kumanta. Mahilig siyang kumain, mahilig rin akong kumain. Enjoy siya pag nagtratravel, enjoy rin ako pag travel. Parang match na match kaming dalawa ang feeling ko noong mga panahon na 'yun. But as what they've said, if sa'yo, sa'yo. After four months, she needed to go abroad para e-pursue ang career niya bilang nurse which gusto niya rin talagang gawin at matagal na niyang pangarap. It was okay with me pero siya ang hindi, dahil ayaw niya daw ng LDR set up. So, she broke up with me. Akala ko...siya na. I was devastated at that time. I was broken. Ni hindi ko alam how to pick up the pieces. So, I resigned.

          Umuwi ako sa amin na walang ipon, hindi alam ang gagawin. Sa halos isang buwan kong pamamalagi sa bahay, isang araw, nang tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, bigla kong natanong sa sarili ko, ganun na lang ba 'yun? I'll just give up everything, my dreams, my happiness, my future, my plans just because of a girl? Just because of love? No way, highway! So, I opened the door and stepped out of our house. Then I told myself, it's time...it's time for me to have an another adventure.

          Ako nga pala si Ethan, at ito ang aking kwento.

Maybe SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon