Chapter 4

81 1 0
                                    


          Araw ng Lunes, ang sarap ng pakiramdam ko! Ang gaan. Maaliwalas. Mapayapa. Maliwanag.

          Hinawi ko ang kurtina ng aking bintana. Ang ganda ng sikat ng araw habang medyo mahangin pa. Napapikit ako at itinaas ko ang aking mga kamay. Nilanghap ang simoy ng hangin. Nilasap ang init na hatid ng haring araw na tumatama ang bawat niyang sinag sa aking balat. Sabay sigaw na....

Me: Woohoo! Let's kick some a** today!

          Inayos ko ang aking kama, umihi, nagtoothbrush, nagsaing, nagluto ng almusal, naligo, kumain ng niluto ko kahit medyo sunog, nagbihis at...nang biglang tumunog ang cellphone ko. Binuksan ko ito at isang mensahe ang aking natanggap...mula kay Melanie. Sabi niya:

          "Good morning. : )"

          So nagreply naman ako.

          "Good morning. ; )"

          "Saan ka na?"

          Tanong niya.

          "Nasa bahay pa, pero on my way na rin sa office. Bakit? May nangyari ba?"

          Paliwanag ko naman.

          "Nasa office na ako. Favor naman o."

          "Sure! What is it?"

          Tanong ko na may halong excitement.

          "Daan ka namang McDo drive thru. Bilhan mo akong coffee, please."

          "Sure!"

          Agad kong reply sa kanya.

Maybe SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon