Chapter 3

87 1 0
                                    

          

          Rest day.

          Habang nagtutupi ako ng aking mga damit ay biglang may nagtext. Si Melanie!

          Dali-dali kong binuksan ang mensahe. Ang sabi:

          Oi Ethan, samahan mo naman ako. Gusto kong lumabas. Gala tayo, halika ka na. Hindi ka na makakatanggi pa. Nasa labas na ako ng tinitirhan mo."

          Kaya agad akong sumilip sa veranda. Nasa labas nga siya ng bahay, kumakaway pa habang nakangiti.

Melanie: Ethan, magbihis ka na! Aalis tayo.

Ako: Ah okay, sige. Sandali lang.

          Parang lalabas sa dibdib ko ang puso ko. Parang feeling ko kung tatalon ako baka lumipad ako, tatagos sa bubong at maglalanding sa buwan. Ang saya-saya ko. Wala akong pagsidlan ng aking nararamdaman.

          Sabado noon, at gumala nga kami.

Pumunta kaming mall at habang nag-iikot kami ay bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko. Medyo nagulat pa nga ako nang ginawa niya 'yun. Kaya naman ay tiningnan ko siya, baka kasi ginu-good time niya lang ako. Pero parang wala lang sa kanya. Chill lang siya na parang normal lang ang ginagawa namin. Tumitingin siya sa mga damit sa bawat tindahan na dinadaanan namin. Turo doon, turo dito. Habang siya ay masayang gumagala, ako naman ay hindi makahinga dahil sa hawak niya pa rin ang kamay ko.

Melanie: Okay ka lang?

Ako: Ha? Ah, oo. Okay lang ako.

Melanie: Are you sure? Parang pinagpapawisan ka?

Ako: Ha? Ah, hindi naman ah.

Melanie: Ayan o, sa noo mo. Ano ba, mainit ba? Ang lamig kaya.

Ako: Kaya nga!

Melanie: O baka may lagnat ka.

          Wika niya sabay hawak sa noo ko na agad ko namang inilag dahil baka maramdaman niya kung gaano karaming pawis ang namumuo sa naturang bahagi ng mukha ko.

Ako: Hindi, okay lang ako.

          Nagsukat siya ng ilang damit at pinapatingin niya ang mga ito sa akin. Tinatanong niya kung maganda ba, kung bagay ba, at ang lagi kong sagot, "oo." Dahil kahit anong damit man ang suot niya, para sa akin ang ganda niya pa rin.

          Pagkatapos niyang bumili ng mga damit habang ako ay cap lang ay kumain naman kami. Pumunta kami sa isang chinese restaurant dahil gusto niya raw kumain ng authentic na pancit, at don marami akong nadiscover sa kanya na naging dahilan upang lalo ko siyang hangaan. Ang dami niyang inorder. Akala ko pancit lang kakainin niya. Umorder siya ng pancit, tofu, ginisang kangkong, shanghai roll, dumplings and siomai. Wala siyang kaarte-arte sa pagkain. Kain kung kain. Lamon kung lamon. Habang tinitingnan ko siyang kumakain ay parang nabubusog na rin ako.

          Busog na kami pareho kaya panonood ng sine naman ang sunod naming ginawa. Nanood kami ng isang comedy-love story. Konti lang kami sa sinehan. Sa pagkakaalala ko mga sampu lang siguro kami sa loob. Pero kami lang ni Melanie ang naiiba sa lahat. Kami lang naman kasi ang hindi magsyotang nanood sa oras na 'yun. Ang iba nakalagay ang mga braso ng mga lalaki sa likuran ng mga babae. Ang iba naka holding hands. Ang ibang babae naman naka-angkla pa ang kanilang mga braso sa braso ng kanilang mga partners. Habang kami ni Melanie, nakaupo. Nakaupo lang sa aming sariling mga upuan. Nakakatawa talaga ng pelikulang 'yun. Ang sakit na nga ng panga at tiyan namin sa kakatawa. Pero sa tuwing tumatawa kami ay panay naman ang kakasulyap sa kanya dahil mas natatawa pa ako sa tuwing nakikita ko siyang tumatawa dahil ang laki talaga ng bukas ng bibig niya na parang kakainin niya ang buong sinehan.

          Pagkatapos ng halos walong oras na lakwatsa ay oras na para umuwi. Magsasara na rin kasi ang mall. Of course hinatid ko muna siya. Nagtaxi kami. Pagdating namin sa kanila....

Melanie: Thanks Ethan ha. Good night.

Ako: Good night.

Melanie: Bye.

Ako: Bye.

Drayber: Alis na po ba tayo sir?

Ako: Opo manong.

Drayber: Restart ko lang po ang metro sir ha.

Ako: Sige po.

          Sagot ko, kahit alam kong bawal. Purong saya at positivity lang kasi ang nararamdaman ko noong oras na iyun. Na parang wala na akong nakikitang mali sa mundo at puro na lang tama. Umuwi at natulog ako nang gabing iyun na nakangiti.

Maybe SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon