Fast forward ta'yo. Present time.
Twenty-nine years old na ako. Isang linggo na lang at madadagdagan na naman ng isa pang taon ang edad ko. Nasa loob ako ngayon ng kwarto ko, sinusulat ko ang kwentong kong 'to. Nasa study table ako habang patay lahat ng ilaw sa buong kwarto ko, na ang tanging nakabukas ay itong laptop kong ito. Nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko dahilan upang pumasok ang konting ilaw na nanggagaling sa hallway. Nagising ata ang baby ko.
Ako: Baby, ba't gising ka pa?
Si Mikaela, the little angel of my life. Anim na taong gulang.
Mikaela: Hindi po ako makatulog.
Ako: Ganun ba?
Mikaela: Can you read me a story?
Ako: Sure baby. You go back to your room first, susunod ako. You choose the book that you want me to read, okay?
Mikaela: Okay.
Now, let's move back a little bit. Mga six years lang naman. The day I entered the corporate world and the day that I met the girl na babago sa ikot ng mundo ko. During the orientation sa kompanya una ko siyang nakita. Siya... si Melanie.
Melanie: Hi, I'm Melanie. And you are?
Ako: Ethan.
Melanie: Nice to meet you.
Ako: Nice to meet you too.
Maliit siya nang konti sa akin, 5'7" kasi ako, 5'4" naman siya. Makinis ang balat, Pilipinang-pilipina ang complexion niya, maganda ang ngipin, very friendly, sweet kahit kausap mo lang siya, may pagkakikay rin, buhok na hanggang balikat na black as ebony. Na parang napakalambot at sarap hawakan, ang sarap amuyin. Ang linis-linis tingnan, buhok pa lang 'yan ha at ang katawan niya para lang namang kay Jessy Mendiola.
To be fair, hindi lang naman kami ang naging malapit sa isa't isa. May nakilala rin naman kaming iba na naging malapit rin sa aming dalawa. Lalo noong nagkasama na nga kami sa iisang department, ang IT Department.
Napakasweet ni Melanie sa akin. Talagang binabati niya ako with all out smile sa tuwing nagkakasalubong o nagkikita kami sa building. Parati niya akong dinadalhan ng sandwich na may palamang mayo na hinaluan ng chopped boiled eggs. Minsan, sandwich na may mango jam. Minsan peanut butter. Minsan naman margarine na may konting asukal na puti. Dinadalaw niya ako sa table ko kapag break niya. Pinapadalaw niya ako sa table niya pag break ko. Nililibre niya ako sa canteen kapag minsan niyayaya niya akong magsnack pero hindi ako pwede dahil busy ako para lang sumama ako sa kanya. Tapos ehuhug niya ako....
Melanie: Please. Please. Please. Samahan mo na ako.
Ako: Eh kasi....
Melanie: Sige na Ethan, samahan mo na ako. Hindi mo na ba ako love?
At biglang tumigil ang mundo.
Maging ang mga kamay ng orasan ay tila huminto.
Hindi ako makahinga. Anong isasagot ko? Sasabihin ko na ba sa kanya na gusto ko siya? Na noong unang araw pa lang ay nahulog na ang loob ko sa kanya. Na kung pwede ba ligawan ko siya. O 'di kaya....
Ako: Sige na nga!
Melanie: Yey! Love na love mo talaga ako noh? I love you.
Ako: Halika na nga.
Melanie: I love you muna.
Ako: Ano ba, magpapasama ka ba o hindi?
Melanie: Okay let's go.
And there you have it. Duwag. Walang lakas ng loob. Torpe. Tameme. Umurong ang dila. Talunan. Epic fail. Dahil nga ba takot na akong umibig ulit? Dahil nga ba takot na akong mareject, dahil nga ba...hindi pa nga siguro ako handa sa kung ano man ang isasagot niya? Akala ko...kaya ko na. Hindi pa pala.
BINABASA MO ANG
Maybe Someday
RomanceSa Book 1 na ito ng The Short Love Story Series ay itatampok ang buhay at kwentong pag-ibig ng binatang si Ethan. Na ilang ulit nang umibig at ilang ulit na ring nasaktan, hanggang sa makita na nga niya sa wakas ang babaeng masasabi niyang para na n...