Chapter 3
Iha! Iha gising na malapit na tayo sa ating patutunguhan, naririnig kong boses .
Hindi pa malinaw ang aking paningin ,agad kong kinusot ang aking mga mata at inayos ang aking sarili .
Sumalubong sa akin ang papatirik na araw, eh teka Nung umalis akoy papalubog ang araw ah.
Nasa ibang mundo nga pala ako.
Naabala ko ba ang iyong pagtulog iha? Tanong ni Manong jerry
Naku Hindi naman po! Sagot ko
Pasensya na ah ,kailangan kita gisingin sapagkat nais kong iyong makita ang ating mundo. Ako kasi na isa lang namang simpleng tagasundo at taga hatid ng mga simpleng mag aaral na namuhay sa mundo ng mga tao ay masaya at karangalan ko na kayoy pag lingkuran.mahabang paliwanag ni Manong Jerry
Naku,salamat po ah sabi ko
Nginitian nya naman ako at bumalik na ang kanyang tingin sa pag mamaneho ,habang ako namay itinuon ang pansin sa labas ng bintana.Magagandang tanawin ,malinis na kapaligiran at paniguradong mayroong sariwang hangin.
Mapayapang mga tao na masayang nag uusap ,mga pamilyang sama-sama ,
Parang larawan na hindi ko inaakalang totoo pala.Sana ay maging maayos ang pananatili ko dito.
Wala naman akong dapat ipangamba dahil isa lang naman akong simpleng estudyante .Manong ano pong tawag sa lugar na ito? Tanong ko
Ah ito ba? Nasa Griffondir City Tayo iha! pero wag kang mag alala isang kanto na lang liliko na tayo at makakarating na din tayo sa iyong patutunguhan. Saad ni manong
tumango na lang ako bilang sagot.
Hindi nga nagtagal ay lumiko kami may nakita pa akong parang Board at nakasulat doon
"FORESTYLE WAY TO HOGWARTS UNIVERSITY"
Puro puno at gubatan dito pero patag naman ang daan. Ito lang siguro ang daan papunta dito sa hogwarts.
Bahadya kaming huminto ,tiningnan ko naman ang nasa harapan namin.
Isang Napakalaking Gate Na Gawa sa GinTo. Ang yaman ng nag pagawa nito. Gate palang Ginto na Paano pa kaya Sa Loob.
Hindi ko man sabihin pero hindi na ako makapag hintay na makita ang loob nito .Mabalik tayo Nakaukit sa Gate
"HOGWARTS UNIVERSITY"Swerte ka iha at nabigyan ka ng Imbitasyon na makapag aral dito ito ay isang prestigious school , para sa mga wizards ,sorceress at witches .
Pero mas maraming populasyon dito ay mga wizards at sorceress may ibang Tirahan kasi talaga ang Witches, paliwanag ni Manong JerryOh!! saad ko na lang
May kung anong nicast na parang spell si manong na hindi ko naman naintindihan At maya maya pay biglang nagbukas ang Malaking Gate. Okay ang creepy ng Pagbukas nito.
At naramdaman ko ang muling pag - andar ng sinasakyan kong sasakyan.
Ibinaba ko ang bintana ng Van.
Ang maririnig mo lang ang mga huni ng ibon , mga hayop na malayang nakakalipad .
Nang makapasok kami ay sumalubong saking ang maberdeng kulay ng mga damo,mga matatayog na puno ,bughaw na langit at di sa kalayuan ay mga matataas na Estraktura o gusali ..maaring ayun ang paaralan.
YOU ARE READING
THE PROTECTOR's (HOLD ON)
FantasyPasukin natin ang mundo ng mahika ..Ang mundo ng mga taong may ibat ibang taglay na Ability .. Ilang daang taon na ng mawala ang taong sinasabing tagapagprotekta. Dadating ang apat na babaeng babago sa takbo ng mundo ng mahika. Tara samahaan mo kami...