“Lalaban ka?”
Napatingin ako sa may swing. May lalaking nakaluhod sa lupa.
‘I know him.’ sabi ko naman sa sarili ko.
Nakita ko na siya before hindi ko lang matandaan kung saan.
“Ano bang problema mo?”
Hindi siya pina-pansin nung lalaking nakatayo.
“Ayaw ko ng away. Hindi ko naman talaga sina-sadya.”
‘What a coward’ I said to my self.
Hindi ko naman kayang panoorin lang yung scenario na yun kaya lumapit na ako.
“Hoy!” I shouted. Tumingin naman siya sa direksyon ko. “Tigilan mo na nga yan!”
“At bakit ko naman gagawin yun?” tanong niya naman. “Sino ka ba huh?!”
“Gagawin mo kasi kung hindi” wala akong maisip. “Kasi kung hindi mag-susumbong ako sa guard.”
Pwede na siguro yun.
Bakit parang wala parin siyang balak na tigilan yung lalaki. Nakaka-awa na yung itsura nung isa. Masakit na siguro yung tuhod niya kasi kanina pa siya naka-luhod.
“Akala mo ba hindi ko gagawin yung sinabi ko?”
“Go ahead. Mag-sumbong ka sa guard. Gusto mo samahan pa kita.”
“Kung gusto mo ng away mag-hanap ka ng kayang lumaban sayo. Pumapatol ka lang naman yata sa mga walang kalaban-laban.” sigaw ko naman.
“Anong sanabi mo?” nag-lakad siya papalapit sakin.
This doesn’t look good.
“Why did you say that!” bulong ko naman sa sarili ko.
“Dahil matapang ka at mukha namang kaya mo akong labanan baka gusto mong ikaw na lang ang patulan ko.”
“Hindi ka nga pumatol sa walang kalaban-laban sayo babae naman ang papatulan mo.” hinawakan niya na ko sa sleeves ng t-shirt ko.
“Alisin mo nga yang kamay mo sakin.” ramdam ko na mas humigpit pa yung pagkaka-hawak niya sakin nun.
‘That’s what you get for being so nosy.’ sabi ko na naman sa sarili ko.
“Sa susunod.” he closed his fist. “Wag kang makikialam para hindi ka nada-damay sa gulo.” I closed my eyes.
What a nice piece of advice. Too bad late yung pagkaka-sabi niya sakin.
I’m just waiting for his fist to hit my face and knock me out unconscious but it never came. Minulat ko naman yung mga mata ko. I saw him looking at me. No! He’s not just looking. He’s starring at me.
Tinanggal niya yung kamay niya nung makita niyang naka-tingin ako sa kanya tapos nilapitan niya ulit yung lalaki. Speaking of that guy, wala man lang siyang ginawa para tulungan ako. How ungrateful! Mabubug-bog ako ng wala sa oras dahil sa kaniya pero nung ako naman ang may kailangan ng tulong wala siyang ginawa. He just watched. Sana pala hinayaan ko na lang siyang mabug-bog.
“Get on your feet.” sabi niya dun sa lalaki. “Umalis ka na ngayon din at baka mag-bago pa ang isip ko.”
Tumakbo naman yung lalaki paalis. Hindi man lang nag-thank you. Aalis na rin sana ako pero hinabol ako nung troublemaker tapos hinawakan niya ako sa kamay para hindi ako maka-takbo.
“What?” I tried to get his hand of me but I failed. He’s too strong kasi.
“Is that your way of paying me back?” he asked.