The Clash

19 2 0
                                    

“Girl, okay ka lang ba? Bakit hindi mo pa kina-kain yang cake mo?”

Dinu-durog durog ko lang kasi yung cake gamit nung fork na hawak ko.

“Remember, hindi habang buhay ang break dito. You only have 5 minutes left para kumain kaya simulan mo na ngayon.” sabi naman ni Vash.

Paano naman ako makaka-kain ngayon. Nawalan na yata ako ng gana dahil sa kakai-isip dun sa sinabi niya sakin kanina sa hallway.

“You’ll be my slave hanggang sa gusto ko.” he said with a grin.

“Ako?” tinuro ko naman yung sarili ko. “Magiging slave mo?? No Way!!”

 “Wala namang problema sakin kung ayaw mo.” tapos nag-evil smile na siya. “But make sure that you’re ready cause I’ll make your life HELL.”

Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa discussion dahil sa sobrang gutom. Buti na lang at hindi pa lesson proper ang dini-discuss namin ngayon. Gutom na gutom na talaga ako… Gusto ko nang kumain ng lunch.

Feeling ko masyadong mabagal ang takbo ng oras. Para ngang hindi natakbo yung oras ngayon. ‘I want to eat… I really want to eat na.’ sabi ko sa sarili ko. Nagla-laway na talaga ako sa gutom kaya nung na-rinig ko yung mahiwagang tunog ng bell…

“Yes.. Lunch time na!!” napatayo ako.

‘Did I say that out loud?’ I asked my self.

Siguro nga napa-lakas yung pagkaka-sabi ko nun kasi nung tiningnan ko yung mga classmates ko ganito yung expression ng mukha nila:

Si Lee naman parang nanalo sa lotto. Kung maka-tawa parang wala nang bukas.

“Sir, sorry po.” tapos nag-bow ako bago umupo.

Akala ko talaga mafi-first blood ako sa detention.. mabuti na lang talaga at may sense of humor yung teacher namin nun.

Pagka-dismiss samin, una-unahan na naman yung mga boys sa pag-labas ng classroom.  Kasabay ko na sila Vash at Cesca ngayon. They told me na sa Garteen na lang kami kakain ng lunch kasi mas cozy daw yung atmosphere dun. [Garden + Canteen = Garteen]

Dun na muna kami nag-stay pagka-tapos naming kumain ng lunch. Mabilis kasi kaming natapos sa pag-kain.

“Punta lang ako sa restroom.”

“Balik ka na lang dito pagka-tapos para sabay sabay na tayong pupunta sa classroom.” sabi naman ni Vash.

Nag-lakad na naman ako papuntang restroom habang ini-inom yung Pepsi ko. Mga 5 minutes na rin akong nagla-lakad hindi ko pa rin makita yung cr.

‘Sana pala tinanong ko kila Cesca kung saan yung cr dito.’ sabi ko naman sa sarili ko.

Sa inis ko hindi ko namalayan na may tao pala sa harapan ko.

“Sorry.” natapunan ko pa siya nung Pepsi na dala ko. Mabuti na lang at paubos na yun kung hindi mali-ligo siya sa softdrinks. “Hindi ko sina-sadya.”

“Okay lang.” nag-smile naman siya.

“Ano bang matutulong ko?” hindi ako magaling sa mga ganito eh. “Do you want me to wash your polo for you? Gosh… Wash it?”

Tumawa naman siya.

“May extra clothes naman ako sa locker kaya okay lang talaga.” sabi niya naman.

“No harm has been done here naman diba kaya sa tingin ko pwede na akong umalis. Sorry talaga…” binilisan ko yung lakad ko para mabilis akong makalayo. Nakaka-hiya kasi yung pinag-gagawa ko dun. Nang-damay pa ko ng ibang tao sa kamalasan ko ngayon. Nasaan ba kasi yung restroom na yun. I really need to pee right now.

REMEMBER ME THIS WAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon