Hindi na ako dumaan sa bahay ni Lee nung araw na yun.
Nagulat naman si Papa nung makita niya ako. “Pa! Maaga po yata kayong nakauwi ngayon.” bati ko kay Papa.
“Anong nangyari sayo?” naga-alalang tanong niya.
“Accident po.” sagot ko naman. “Wag po kayong mag-alala. Na-check up na naman po ako.”
“Anak, kung hindi ka okay sabihin mo.” sabi ni Papa. “I could take you to the hospital for another check-up.”
“Okay lang po talaga ako.” sagot ko naman.
“If you’re worried na kukulangin tayo sa budget wag kang mag-alala. May two weeks na overtime si Papa.” tapos hinalikan niya yung ulo ko.
“Maluwag-luwag ang budget natin ngayon.” dagdag pa niya.
“Pa, okay lang po talaga ako.” hi-nug ko naman si Papa.
Umakyat na ko sa kwarto para makapag-pahinga. Masakit pa rin kasi yung ulo ko hanggang ngayon. Maya-maya lang tinawag na ako ni Ate para kumain ng hapunan. Hindi na ko nakatayo dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko. I felt my neck. I’m sizzling hot. Nataranta si Ate nung nalaman niya na nilalagnat ako. Gusto na nga nila akong dalin sa hospital pero hindi ako pumayag. Sabi ko na lang na simpleng lagnat lang yun kaya hindi ko na kailangang pumunta sa doctor. Pinakain na lang ako ni Papa sa kwarto para makainom ako ng gamot. Ayaw ko nga sanang kumain pero hindi pumayag si Papa na kahit konti hindi malamanan yung tiyan ko.
“Paano ka gagaling kung hindi ka kakain. Gusto mo bang dalin na lang kita sa ospital?” sabi ni Papa.
Kinabukasan naman hindi na ako nakapasok. Maaga pa naman akong gumising para mag-ready for school. Nahihilo pa ako at may lagnat pa rin pero dahil sa pag-aalala na mawala yung scholarship ko pinilit kong tumayo para maka-pasok.
Bigla namang pumasok sa kwarto si Ate.
“Bakit tumayo ka na?” ibinaba niya yung dala-dala niyang tray sa upuan.
“Papasok ako.” sagot ko naman.
“Papasok?” nag-salubong bigla yung kilay ni Ate. “Kung gusto mong maka-pasok na magpa-galing ka agad.” sabi niya naman.
“Mabuti na lang at wala akong class ngayon.” dagdag naman ni Ate. “Pag sine-swerte ka nga naman oh… Wala nga akong pasok kailangan ko namang mag-alaga ng may sakit.” kaya love ko yan si Ate kahit madalas naka-kainis siya.
Tinawagan na daw ni Papa yung school para i-inform na hindi ako makaka-pasok kaya wag na daw akong mag-alala. Maya-maya lang pumasok si Papa sa kwarto ko para mag-paalam na papasok na siya sa work.
“Anong gustong pasalubong ng baby ko?” tanong ni Papa.
“Kayo pong bahala.” sagot ko naman.
“Basta magpapa-galing ka huh.” tumango lang ako.
Buong araw nakahiga lang ako. Hindi ko na nga nagawang maligo pa. Pinunasan na lang ako ni Ate bago pinalitan ng damit para malinis ako. Hapon na nga pala. ‘Uwian na namin ngayon’ sabi ko naman sarili ko.
Nagulat na lang ako nung biglang pumasok sa kwarto si Ate.
“May bisita ka. Bababa lang ako para sabihin na umakyat na siya.” tumango lang ako.
‘Sino naman kaya ang mabait na bumisita sakin ngayon?’ bulong ko naman.
Gumuho ang mundo ko pagka-bukas na pagka-bukas ni Ate ng pinto.
“Bakit ka nandito?!” sigaw ko naman.
“Bababa lang ako para kumuha ng makakain. Ano bang gusto mo?” tanong naman ni Ate.
“Kahit ano po.” kunwari pang mabait.
“Maiwan ko na muna kayo.” lumabas na si Ate.
“Lee anong ginagawa mo dito?!” tanong ko ulit sa kaniya.
“Akala ko medyo magiging tame ka ngayon kasi may sakit ka.” tapos ngumiti siya. “Sorry nga pala sa mga pinag-gagawa ko sayo. Akala ko mapapa-suko kita.” nag-pause siya. “Ako pala ang susuko sayo.”
Hindi naman ako kumikibo. Nakatingin lang ako sa ceiling tapos minsan sa bintana pero hindi ko talaga siya tinignan.
“Pwede ba tayong maging friends.” tanong niya.
“Ay Mali!” hinawakan niya naman yung ulo niya. “Pwede ba tayong maging mag-best friend?” tanong niya ulit.
“Ano namang pumasok sa ulo mo ngayon?” sabi ko naman. “Mag-best friends… sigurado ka??” tumango naman siya.
“Nakalimutan mo na ba? You made my life miserable.” he looked at the floor.
“Sorry na nga diba. About your injury pala.” tumingin naman siya sakin. “I’ll make sure na magba-bayad yung gumawa niyan sayo.”
Simula nga noon naging mag-best friend na kami. What a start nuh? Kahit ako hindi rin maka-paniwala na naging best friend ko yun.
Lagi nang suma-sabay samin si Lee tuwing break, lunch, at dismissal. Tuwang-tuwa naman si Cesca.
Nagulat yung mga tao at first pero nasanay na rin naman sila nung tumagal–tagal na.
Hindi na namin nalaman kung sino yung may gawa nung pagkaka-dulas ko sa cr pero okay lang kasi alam ko namang hindi na mau-ulit yun for sure. May maganda rin namang nai-dulot yung accident na yun sakin.
Laging nasa bahay si Lee every weekend. Kung hindi naman siya makaka-punta ako ang pinapa-punta niya sa bahay niya. Tumagal din ng taon yung friendship namin. I really thought that we’d stay like this forever but … even happy endings do have an end.