“Good morning sweetheart.” bati ni Vash.
“Good morning Vash.” sagot ko naman.
“I heard nag-bonding daw kayo ni Lee yesterday.”
“Who told you that?”
“That’s what you enjoy if you have connections.” sabi niya naman.
Maya-maya lang dumating na din si Cesca.
“Good morning dears.” bati naman ni Cesca. “Totoo ba yung kumakalat na balita sa campus?”
“Ano ba yung kumakalat na balita dito?”
“I heard that you’re going out with Lee.”
“What?” hindi talaga ako makapaniwala sa narinig ko.
“That’s what we heard.” sagot naman nilang dalawa.
Parang wildfire talaga kung kumalat ang balita. Naka-kainis lang na sa dinami-dami ng kakalat dito sa school, yung tungkol pa saming dalawa ni Lee yung kumalat.
Walang ginawa yung mga tao buong araw kung hindi tanungin ako if Lee and I are going out. Parang may mapapala naman sila kung malaman nila. What a waste of time.
Meron na din namang mangilan-ngilan na nagalit sakin.
“Akala ko pa naman may taste si Lee pag-dating sa mga babae.”
“Oo nga, Akala ko din.” sagot naman nung isa.
“Sa dinami-dami naman ng ida-date niya yung Helline pa na yun yung napili.”
Mukhang nai-irita na si Vash dun sa dalawang babae na nakaupo sa likod namin kaya tumayo na siya para sabihan yung dalawa.
“Stop gossiping about my friend.” sabi niya. “Masyado niyo namang pina-pahalata na insecure kayo.”
Hindi na nakapag-salita yung dalawa sa sinabi ni Vash.
“So…sorry Vash. Hindi na mau-ulit.” sagot naman nila.
“Ayusin niyo yang mga ugali niyo kung gusto niyong may magka-gusto sa inyo.” dagdag niya pa.
Sa sobrang hiya nung dalawa napilitan silang umalis ng Canteen kahit hindi pa sila tapos kumain.
“Wag mong pinagpapa-pansin yung mga ganun.” sabi naman ni Cesca. “Walang magawa sa buhay yung mga yun.”
“Okay lang ako.” sabi ko naman sa kanila.
Hindi ako sensitive na tao pero sa totoo lang na-apektuhan din ako dun sa sinabi nung mga babae. Bigla tuloy akong napa-isip dahil dun. Katulad nga ng sinabi ni Cesca, hindi ko na inisip yung nangyari para hindi masira ang araw ko.
Matatapos na ang araw pero hindi pa rin tumigil yung mga tao sa kata-tanong kung totoo ba na nagda-date kami ni Lee. Hindi ko na lang pina-pansin para wala nang gulo. Hindi rin naman sila naniniwala sa sagot ko kaya why bother? Mula sa hallway hanggang sa loob ng classroom may luma-lapit sakin para lang malaman kung totoo ba yung nabalitaan nila. Ohh… I had enough.
Hindi na ako sumama sa Canteen nung afternoon break naming. Magta-tago na lang muna ako. Isa lang naman ang alam kong lugar na safe pag-taguan kaya dun na lang ako pumunta.
“Hi.”
“Ikaw yung natapunan ko ng coke diba?”
“You remember.” sabi niya naman. “I’m Steffan by the way.”
“Nice to finally know your name.” sagot ko naman.
“Ano palang ginagawa mo dito?”
“Hiding.”