Parang kahapon lamang noong ika'y nandito,
Sa aking tabi, abot ng aking mga kamay.
Sa lapit ay dinig ko ang tibok ng iyong puso,
At ang akin- parehas na pumipintig ng sabay.At ang iyong halakhak ay tila musika,
Na nagpapasayaw sa mga paru-paro.
At sa aking pagsilay sa iyong mga mata,
Natanaw ko ang pag-ibig na nais ko.Sa pagdikit ng ating mga balat,
Aking hiling na sana'y hindi mawalay,
Na sana'y 'di lamang pahina sa aking aklat,
Kundi pag-ibig na panghabangbuhay.Ngunit sa pagpikit ay aking napagtanto,
Hanggang hiling lamang ang aking magagawa,
Sapagkat taliwas sa himig ng mundo,
Ang himig ng gabi nating dalawa.At kung ganoon ma'y, tatanggapin.
Ang iyong ngiti'y hindi mawawalay sa'kin.

BINABASA MO ANG
Dapit-Umaga (Mga Tula)
PoésieIsang koleksyon ng mga tulang sulat ng kamay na nanginginig at nangangatal, Sulat sa Dapit-Umaga, mula sa puso, mula sa simula at magtatagal