Dream 1: Echoserang DG na froglet

313 11 1
                                    

"Anak, tandaan mo ha. Ang lalaking makakakakita ng paru-parong balat sa tagiliran mo ang siyang nakatadhana sa'yo." 






Nagising ako sa pagde-daydream tapos ay napatingin sa paligid. *sighs* Ma, mangyayare pa kayang makita ko siya?



Nakikita niyo po ba itong sitwasyon ko ngayon? Wala po akong kakaibi-kaibigan. Para bang hindi nila ako nakikita. Minsan pa dinadaan-daanan nila ako na para bang wala ako sa harap nila, tapos nagtataka sila kung bakit daw may bakanteng upuan sa huli at kung sino daw yung Vanica Mailom.



Tao ba ko?




Tinaas ko ang t-shirt ko at napatingin sa tagiliran ko. Yun ba ang ibig-sabihin mo Ma? WALANG MAKAKAKITA SA'KIN HANGGA'T HINDI NILA NAKIKITA ITONG BALAT NA TO!?




Tumayo ako sa lamesa at inilantad sa buong canteen ang balat ko. "HOY KAYO! NAKIKITA NIYO BA TO!? Nakikita niyo na ba ako!? TUMINGIN KAYO SA'KIN!" 





Pero napaupo na lang din ako nang makalipas ang 5 minutong walang pumapansin sa'kin. Wala nanamang nangyare..




Sumpa ba 'to?




Pumunta na lang ako sa sunod kong klase nang wala akong napala duon. Pero pagdating ko duon ay, wala na akong mauupuan pa. Napabuntong hininga na lang ako at nagpunta sa may bintana para umupo sa bukana nuon.




Filipino. *yawns* grabe, hinde ko mapigilang antukin sa klaseng to. Wala na bang ibo-boring to!?




Pero dahil sa sobrang antok ko, hinde ko namalayang.. nakatulog na ako..




**




Napamulat ako nang maalala kong nasa klase pa ako pero..




"Huh? Asan na sila?" Tumingin ako sa labas at wala din namang tao. Napatingin naman ako sa orasan ko pero laking gulat ko nang umiikot ito ng mabilis. "Hala, ngayon lang to nasira ng ganto ah?"

See you in my DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon