Sa registrar, yung mga locker nila, at sa mga attendance sheet wala sila. Kahit yung mga Ual wala, ang bahay sa tapat namin ay nanatiling binebenta. Nawala din sila sa alaala ng mga tao. As if they didn’t exist. Anong nangyayari!?
“Panaginip lang siguro ito!” Sinampal-sampal ko pa ang sarili ko. “Hindi.. siya masakit..” Panaginip nga lang siguro ito!
“Vanny!” Napalingon ako sa mga kaklase ko. “May hinahanap ka hindi ba?” Tinawag nila ako sa ibang tawag. N-nickname yun, hindi ba?
“O-oo!” Nagtinginan sila at saka nagtawanan.
“Totoo nga. HAHAHAHAH”
“So ang mga hinahanap mo yata ay mga imaginary friends mo. HAHAHAHAHHA” Wala talagang nakakakilala sa kanila..
**
Tinawag nila akong Vanny. Tama, nakikita na nga nila ako.. “Mailom, read the third line.” Nagugulantang akong napatayo at hinanap yung babasahin.
Bago itong lahat, ang matawag para basahin ang isang linya sa libro, matawag sa kung ano-anong pangalan. “Sila..” Ang kagustuhan kong makita ng lahat ay natupad na.. “Sila ang mga matatalik kong kaibigan..” Pero bakit ganuon.. Nagtubig ang aking paningin.
Naupo na ako. “Oh, parang nagluluha ka, may problema ba?”
“Masama lang po ang pakiramdam ko.”
“Oh siya, pumunta ka na sa clinic.” Tumayo na ako.
“Samahan na kita, Vanny!” Suhestyon ni Penny pero tinanggihan ko kaya umalis na din ako dun.
Nakikita na ako ng mga tao.. dapat diba masaya ako? Bakit ba parang may kulang talaga?
“San ba sila hahanapin?” Napalingon ako sa kanya. Ngumiti siya. “Tara, ang boring ng kitchen ngayon.” Napangiti din ako at tinanguan siya.
BINABASA MO ANG
See you in my Dreams
Fantasy"They are strangers but it seems like I have known them for so long.." Vanica always go to dreamland to escape reality. Masaya, masaya talaga. Pero habang tumatagal, may napapansin siya. Kung ang ibang tao ay mga kakilala nila ang napapanaginipan ni...