Dream 4.1: Meeting Pats Draco Cuevas

96 3 0
                                    

Kalaunan naudlot yung picnic namin. Pinuntahan siya ni Tamira at tinira muna niya yung mga pagkain bago hilahin na si Lyndon paalis. Natawa na lang ako sa kanila at inayos na lang yung mga pinagpicnic-an namin ni Lyndon tapos ay nagpunta na ako sa park, para makapaggala-gala naman.



Pero pagdating ko dun, may nagcoconcert ata. Ang daming tao eh tapos may stage at malakas na sounds. Nagsisigawan na yung iba, ilabas na daw si Draco. Sino yun? Parang wala naman akong kilalang artista or singer na Draco pangalan. Lumapit ako don sa mga fangirls at nakinig sa usapan nila(take note, medyo nagwawala at hampasan pa sila niyan).



"Grabe ang cute cute talaga ni Draco no!?" -fangirl #1


"Oo nga eh. Buti nakapunta tayo dito sa stage performance niya! First time niya dito sa Pinas diba!?" -fangirl #2


"Oo! Pero maalam siya magtagalog. Ang fluent din! AHHHH~!!" -fangirl #3


"Bakit kasi ngayon lang natin siya makikita eh! Balita ko kasi sa Got7 University siya papasok eh." O.O


"Oo nga, nakakainis hinde naman natin afford don. T.T" -fangirl #2


"Whatever, susulitin ko to. KYAAAAAA~!" Nagfangirl feels na sila. Teka..



Sa Got7 University siya mag-aaral? Wow naman, may artista sa school. NAgsimula nang magsigawan yung mga tao kaya napatingin na ako sa stage. Nagkakagulo ang lahat. Nako baka magkastampede pa dito, makalayas na lang. Paalis na ako nang bigla pang may mga magsisugod na fans, as a girl na hinde nakikita nila, nadala nila ako pabalik sa crowd. Nakikipagsiksikan yung wave ng fans kanina kaya napunta na din ako sa unahan. "ARAY KO NAMAN!" Sigaw ko sa kanila pero alam ko namang hinde nila ako rinig. HAHAHAHAHAHA



Nagkasmoke effect sa stage at may papaangat ng tao mula sa ilalim nung stage. At napanganga ako nang makita ko si Draco. OoO NAGING TAO DIN SIYA!?



"Aye wassup!?" Nagsigawan pa yung mga tao. Nagsimula na siyang kumanta. Grabe naging tao nga siya!!

"PATS!" Napatingin siya sa gawi ko at nanlaki ang mga mata niya habang nakanganga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"PATS!" Napatingin siya sa gawi ko at nanlaki ang mga mata niya habang nakanganga. OMG SIYA NGA!


See you in my DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon