Dream 6: The newcomer saw her

42 3 0
                                    

"Vanica.." Napamulat ako at nagulat.



"Lyndon, anong ginagawa mo!?" Hinampas ko yung kamay niyang papalapit sa tshirt ko.




"Pipicture-an ko sana yung balat mo." Natigilan ako.



"Huh!? Paano mo nalaman ang tungkol sa balat ko!?"



Natahimik lamang siya habang nakatingin sa akin. Kung nakita niya na ang balat sa tagiliran ko.. Ibig sabihin..



SIYA ANG NAKATADHANA PARA SA AKIN TULAD NUNG SINABI NI MAMA!?



"Wag kang mag-alala, hindi ko pa nakikita yan. Alam ko lang kasi, Dream Walker ako. Alam ko ang lahat tungkol sa iyo. Pero wala pa akong nakikita sa iyo kung halimbawang nakahubad ka--"



*PAK!*




"Bastos!" Hinimas niya ang ulo niyang kinaltukan ko. Loko ka ah. -_____________-





"Sige na, picturean ko na. Malay mo, baka makita ka na ng ibang tao pag nakita nila ying picture." Napaisip ako sa sinabi niya. Paano nga kung gumana na iyon at..




Hindi ko na kailangan pang hanapin ang 'true love' ko sa kanilang tatlo? EDI WALA NANG KAILANGAN PANG MAMATAY SA KANILA!




"Ayoko." Tapos ay tinakluban ko ulit ang sarili ko ng kumot. Conservative ako ano.




"Pero--"




"Sige na, ako na lang magpipicture pero wag mong titignan." Ngumiti siya at ibinigay sa akin yung camera.




Pipicture-an ko na yung balat ko nang mapatingin ako kay Lyndon, nakatingin sa akin. Tili ba hinihintay ang paicture ko sa balat ko. "Ehem! Pwede bang wag kang tumingin?!?" Napa'oh!' siya atbtumalikod na. May taglay ding pagkashunga ang isang ito, tsk tsk.



...





[Someone's POV]




"Please take care of my son." Tapos ay may inabot siyang sobre don sa matabang prinicipal na tinanggap naman niyon. Tss..


See you in my DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon