Dream 15: The Truth

34 3 0
                                    

“Ako ang guardian angel mo, Vanica..”

 

 

 

“G-guardian angel kita?” Ano ba talagang nangyayari?

“VANICA--!”  Nakita kong nakatayo na si Nicol.

Biglang lumabas ang mapuputi at malaking pakpak niya. “Tapos na ang misyon ko. Nakita mo na ang special one mo. Maya-maya lang din ay maglalaho na ako at ang mga memorya ko sa’yo.” Bigla nga siyang unti-unting naglalaho sa ere. “Salamat at paalam.”

“Teka! LYNDON--!” Hinabol ko kung saan paroon ang hangin na pinaglahuan niya at nakita ko ang isang malaking butas sa puno. MAY GANITO PALA?

“Vanica!” Tinignan ko siya pero pumasok ako dun sa butas at—SHET NALALAGLAG AKO SA ISANG WALANG HANGGANANG BUTAS!?

*BOOOOGSH*

 

 

Napatingin ako sa msarili ko. “Grabe, nabuhay pa ako?” Napatingin naman ako sa paligid. Ang liwanag naman dito. Nasa langit na ba ako? PATAY NA BA AKO!? Tumayo na ako at nagsimulang maglakad—

“UWAAAAAAAAAAAH!Napatingin ako sa gawing kanan ko at nakita ang batang ako, na naiyak..

“Teka ako yun nung nawawala ako sa mga lugar-lugar.” Yun yung mga panahong umiiyak ako dahil hindi ko makita si mama at hindi din ako makita ng mga tao..

“AYOKO! HINDI KITA KILALA! GUSTO KO NANG UMUWI!” Napalingon naman ako sa kaliwa ko. Si Nicol iyon ah!? Patuloy akong naglakad. Ang lugar na ito..

Ay isang space ng oras? *looks at the brown door centimeters away from her* Ano ito? NASA LANGIT NA NGA BA AKO AT NAKIKITA KO ANG NAKARAAN?

“Nasa bingit ka. Bakit ba gusto mong mapunta dito?”

“Obvious ba? Ayokong mawala kayong tatlo! Hindi ko maintindihan kung bakit ba kailangan pa itong mangyari. Kung ano ba itong mga nangyayaring ito, at kung paano ito lahat nangyayari—“

See you in my DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon