XYRIEL POV
dahil sa nangyari nung gabing yun, may agwat na sa pagitan namin ni joshua, hindi niya na ako kinakausap at pangatlong araw na ngayun simula nang mangyari yun,
I want to clear everything between the two of us but it was hard for me to find the opportunity to talk to him,
At ngayun lunch na, humahanap ako ng tiempo para kausapin siya at ng mahugot ko na lahat ng lakas ng loob ko ahy
"Josh---"-
" xyriel, lunch na, sabay na tayo, libre kita kahit ano"-
Epal naman tong si jhasper, wala na, effortless tuloy ako, kaya para naman mabawian ko siya,"Sige ba gutom na rin ako eh, libre mo na rin ako pati dessert no, yung pinakamahal sa canteen, tara"-nakangising tugon ko at nahagip ko sa aking pheripheral view na nakatingin si joshua kaso pagtingin ko sa kanyang gawi ay nagmamadali na siyang umalis
" Sigurado kang kaya mong ubusin"-nakangiwi niyang sagot, at tinanguan ko lang siya,
Pagkadating namin sa canteen ahy umorder na si jhasper ng pagkain samantalang ako ahy naghanap na ng mauupuan,
Dapat within this week makausap ko na siya, gusto ko ng linawin ang lahat pati na rin kay jhasper,at sasabihin kong mahal ko pa siya,
"Ohy xyriel, alam kong gwapo ako, kaya wag mo akong titigan ng ganyan, sige ka, mafafall ako lalo"-nakakalokong wika niya,
" ahy ang kapal mo naman, upakan kaya kita gusto mo??"-tugon ko sabay pakita ng aking kamao
"Kiss gusto ko"-pang aasar niya pa lalo at dahilan para magblush ako
" bahala ka nga diyan, akin na nga yang pagkain, nagugutom na ako"-sabay hila ng pagkain
"Ako na lang kainin mo......hahahah joke lang, sige kainin na kita este kain na tayo"-natatawang tugon niya,
Tinignan ko lang siya ng masama dahil sa mga pinagsasasabi niya, nakakaloka siya, my gosh,
Kainin ko siy----ahy ano ba yan, kung ano ano na naiisip ko," ahy jhasper, pwede ba tayung magmeet sa saturday??"-ani ko
"Magdadate tayo??"-sagot niya na ikinainis ko, pwede namang sagutin ako ng maayos diba?? Hay nako
" date yourself"-inis kong sagot
"Ito naman, inis ka kaagad, masaya lang naman ako kase kasama kita ngayun, at tinatawag mo pa akong lumabas, atsaka magkapit bahay lang tayo, pwede namang sabay na tayong lumabas"-wika niya na ikinagulat ko,
" hindi, hindi, hindi, hindi tayo magsasabay, mauuna ako, maghintayan na lang tayo sa dun sa dati nating pinupuntahan dati, 7 pm"-
Birthday niya sa darating na sabado kaya gusto kong bumili na muna ng gift at gusto ko yung gabi na yun ahy maging isang memorable na gabi, dun ko na sasabihin sakanya, sa araw na yun
"Ummm ok"-tugon niya, mukang nakalimutan niya kung anong meron sa araw na yun ah, chance ko na rin yun para ipakita na kahit papaano ahy hindi ko siya nakalimutan,
Ang natitira na lang ay yung tungkol kay joshua,
Tapos na kameng kumain at bumalik na kame sa classroom sakto namang time na,
Hanggang sa lumipas ang oras at dismissal na, hindi na ako nag atubili pa at nilapitan ko na siya,
"Joshua, pwede ba tayong mag-usap??"-
" im sorry but im busy right now"-aalis na sana siya kaso hinila ko yung kamay niya
"I know that your not busy and your just avoiding me, so whether you like it or not, were going to talk,"-madiin kong sagot kasabay ng paghila ko sakanya sa lugar na wala masyadong tao
" ano pang gusto mong pag-usapan??"-mahinahon niyang tanong ngunit malamig ang kanyang tono
"About sa sinabi mo saak---"-pinatol niya kung ano man ang sasabihin ko
"About that, you don't need to worry anymore, i just need time to move on, so please, don't talk to me for a while"-, medyo na hurt ako sa sinabi niya, kahit papaano ahy naging kaibigan ko din siya eh,
" ok, pero andito pa rin ako para sayo, bilang matalik na kaibigan mo, gaya ng dati"-
Bigla na lang niya akong niyakap,
"Naiintindihan kita, but can we stay here just for a while? Coz im afraid that once i release you, i cannot hold you like this anymore"-nangingnig yung boses niya habang sinasabi niya yun kaya kusa na lang gumalaw yung kamay ko at niyakap na din siya pabalik, wala namang malisya eh
Yun na nga ang nangyari, hindi ko na siya masyado pang kinakausap pero pinapansin ko pa rin siya, kaso ang ipinagtataka ko ay ang hindi rin masyadong pakikipag usap saakin ni jhasper, may mali ba akong nagawa?? Hindi ko na lang pinansin at pinabayaan ko na lang
at pagsapit ng sabado, maaga akong nag ayos ng sarili at masayang umalis ng bahay, naghanap hanap ako ng pwedeng mairegalo sakanya, kaso wala akong mahanap eh, hanggang sa naisipan kong ipaframe yung picture namin nung araw na sinagot ko din siya sa eksaktong lugar na yun,
Time check ,5:40 pm, nag ayos akong muli ng aking sarili sa isang comfort room at isinuot ko yung binili kong damit para naman maayos akong tignan,
At natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakatayo at excited na nag aabang dito sa lugar na pinagusapan namin,
"Sigurado akong matutuwa yun"-masayang wika ko sa aking sarili,
Hanggang sa mag 7 na, wala pa siya, palinga linga ako para hagilapin siya kaso wala akong makitang jhasper, umupo ako sa upuan at tinignan yung phone ko,
No message, tawagan ko kaya siya??sa huli tinawagan ko siya, pero ring lang ng ring,
Naghintay pa ako, hanggang sa nag 8 na, nilalamig na ako, tapos sa kinamalas malas eh umulan pa, hindi ako umalis sa kinaroroonan ko baka kase magkasalisihan kame kung nagkataon
"Hala basa na yung frame"-nag aalalang wika ko, naiiyak na ako, jhasper nasaan ka na, galit ka ba saakin??kaya mo ba ako hindi masyadong pinapansin??
Pinagtitinginan na ako ng mga taong naglalakad, i dont care, im just sitting here and embracing the frame until my phone rang,
Agad kong tinignan kung sino yung tumatawag kaso si joshua lang pala, hindi ko ito sinagot at tuluyan na akong naiyak,
Bakit jhasper??kung kelan handa na ako, anong nangyari sayo??
Nagring ulit yung phone ko,..at dun ko na sinagot
"X---xyriel, si jhasper"-pagkarinig ko ng pangalan niya ahy agad akong kinabahan
" bakit si jhasper??asan siya??anong nangyari sakanya???"-sunod sunod na tanong ko kasabay ng pagtayo ko,
"Naaksidente siya,sabi ng nakakita, nagmamadali siyang tumawid at hindi napansin yung sasakyang humaharurot,"-halata ko sa kanyang boses ang panginginig at pagkakataranta.
" ANO??SAANG HOSPITAL YAN??NASAN KAYO??MALALA BAH??LISTAS SIYA DIBA?"-wala sa ayos na tanong ko
"Dalian mo xyriel, andito kame ngayun sa ******-"-pagkasabi niya pa lang nun ahy pinatay ko na yung tawag at nagmamadaling tumakbo, hindi ko pa nga naisipang sumakay eh,
Higpit na higpit pa rin ang pagkakahawak ko dun sa frame, hindi ko to binitawan, mahalaga ito para saakin,Sagana pa rin sa pag agos ang aking mga luha kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan, pati ba naman panahon, hindi nakikiayon saamin
Jhasper naman eh, dapat masaya tong araw na toh eh, nakakainis ka naman jhasper 😭😭😭
BINABASA MO ANG
Secret Couple
RomanceHanggang kailan kaya namin kailangang itago ang relationship namin?