Chapter 2: Always

3.7K 201 5
                                        

Chapter 2: Always

Warning: SPG/R18+
Read at your own risk.

Marahan kong minulat ang mga mata nang marinig ang alarm clock. Agad akong napangiwi nang maramdaman ang sakit sa ulo.

"Amica mea..."

Napakurap ako nang masabi iyon.
Napanaginipan ko ulit siya kagabi, siguro dahil lasing ako. Tama, gano'n lang talaga... siguro.

"Good morning, Aislinn Zesa Quevara. How's your head?"

Bumaling ako kay Crosette na nakatayo sa bukana ng pinto habang hawak ang tray na may laman na isang baso ng tubig at aspirin.

Umirap siya bago lumapit sa 'kin at umupo sa gilid ng kama. "Here. 'Yan kasi naglalasing dahil sa cute guy na 'yun."

Agad kong ininom ang gamot at huminga ng malalim bago magsalita. "Thank you."

"Yah yah." Tumayo siya. "Bebs, wanna come with me tonight-"

"No." Pagputol ko sa sasabihin niya. Baka sa bar na naman siya pupunta. I've had enough of the liquor. I don't want another headache.

"It's not what you think. Family dinner lang. You want to come?" tanong niya.

Tumayo ako at sandaling napapikit. Ilang segundo pa ay hindi ko na naramdaman ang pagkahilo kaya tinupi ko ang kumot at inayos ang unan. "No. I have work today, sobrang sakit pa ng ulo ko."

Kinuha ko ang bathrobe at towel bago nagtungo sa banyo. Narinig ko ang mga yabag niya na sumunod sa 'kin.

"My cousin wants to see you there. He wants to meet you since nakita niya ang mga pictures mo na nasa beach. Yung outing natin with our blockmates last year. Remember? I bet he wants to bang you in bed," sabi ni Crosette bago tumili.

Nanindig ang balahibo ko sa sinabi niya, bigla ko rin naalala ang nilalang sa panaginip ko.

Hinilot ko ang batok at sumulyap sa kanya. "Next time. And please, tigilan mo na pagiging matchmaker sa love life ko. It's not working, Sette. 'Saka 'yang bibig mo, magtigil ka nga. Pinagsasabi mo puro kahalayan. Aga-aga eh."

Impit siyang tumawa at tumingala bago humalakhak. Tinaasan ko siya ng kilay at sinara na lang ang pinto ng banyo. Bahala siya d'yan.

I could still hear her horrible laugh outside. Maligamgam na tubig ang dumampi sa balat ko at nakakagaan ito sa pakiramdam.

"Bebs, nagbibiro lang ako." She giggled. "Well, anyway! I baked cupcakes. I'm so good at baking already. Have a bite before you go to work, 'kay? Pwede ka rin magdala sa work."

Hindi ako nagsalita. Nag-shampoo ako at marahan na minamasahe ang anit ng buhok ko habang nakapikit.

"Bebs!"

"Oo na. Make sure it's edible to eat and not poisonous, 'kay?" Ginaya ko ang tono ng boses niya.

Narinig ko ang pagsinghap ni Crosette. "Poisonous?! How dare you?"

Hindi ko siya pinansin kaya't wala siyang nagawa at umalis na lang. Ang kulit talaga ng isang 'yun.

Ilang sandali pa ay natapos ako sa pagligo. Sinuot ko ang black skirt and formal sleeves bago tumingin sa salamin, medyo mahaba na pala ang buhok ko.

Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa repleksyon ko sa salamin. Bakit kaya napanaginip ko ang gano'n? Yung tipong parang totoo at parang sasaktan niya ako, pero siya naman 'yung nasasaktan... na parang may pinipigilan siya sa sarili niya.

Umiling ako at winaksi iyon sa isipan. Bakit ko ba iniisip ang gan'on? Mawawala rin naman 'yun, eh.

Nadatnan ko si Crosette na nakasandal sa lababo habang may kausap sa cellphone. Bumungad sa 'kin ang cupcakes na nasa mesa. Napalunok ako. May trabaho ako ngayong araw. Ayoko magka-lbm.

CAMBION |  #WattysPH2018ShortlistMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon