Chapter 3: The Forbidden Prophecy
Warning: SPG/R18+
Read at your own risk.
Pumara ako ng taxi nang makalabas sa building. Ilang sandali pa ay huminto ito sa harapan ko. Lumingon muna ako kay Crosette para magpaalam. "Mag-ingat ka, Sette," panimula ko.
"Pasensya ka na, bebs. Kung hindi ako makasama sa'yo sa death anniversary ng papa mo," tugon niya at bumuntong hininga.
Ngumiti ako sa kanya. "Ayos lang, Sette. Namimiss ka ni mama panigurado 'yun."
"Sira. Sabihin mo kay tita, pasalubong kahit dal'wang suman lang."
Napailing ako at tumalikod sa kanya. She loves the taste of suman. Isa iyon sa paborito niyang niluluto ni mama. Pumasok ako sa backseat at tuluyan na sinarado ang pinto. Tumingin ako sa labas ng bintana at kumaway sa kanya.
"Airport lang po."
"Yes po, madam."
Sumulyap ako sa relong pambisig, ala-sais pa lang ng umaga.
Muli akong bumaling sa bintana. Hindi matraffic ngayon, hindi pa kasi rush hour. Kung ganito ako kaaga papasok sa office at sa restaurant para makaiwas sa traffic, ay panigurado na babawi naman ang katawan ko sa pagtulog. Baka sa susunod ay makatulog na ako ng habang buhay dahil sa sobrang pagod.
Ilang sandali pa ay nakarating kami sa airport. Medyo malayo kasi ang airport kahit walang traffic. Inabot ko ang bayad sa driver bago bumaba. Papasok na sana ako sa airport nang mahagip ng mga mata ko ang isanguwak. Nakapatong ito sa sanga ng puno na malapit sa parking area.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa pwesto ng uwak habang kumakabog ang dibdib ko. Siguro wala ng sumusunod sa 'kin kapag lumapag na ang eroplano sa Martinique Airport. Hindi ko na alam ang gagawin ko lapag may makita man akong uwak o ano man sa ibang lugar.
Huminga ako ng malalim at winaksi iyon sa isipan. I was supposed to be here 4 hours earlier before the flight. Pumasok na lang ako at agad na nagtungo sa departure area.
***
"Amica mea."
Lumingon ako nang marinig ang kalmado niyang boses. Naningkit ang mga mata ko sa liwanag na bumabalot sa kanya. Gamit ang kanang kamay, bahagya kong hinarang ang liwanag na tumatama sa mukha ko, para makita siya nang maayos ngunit nabigo ako. Tanging pigura niya lang ang nakikita ko at malaking pakpak sa kanyang likod.
Napatingin ako sa kulay itim na malapit sa kanyang gilid, unti-unti itong bumabalot sa liwanag. Mabilis akong tumakbo patungo sa kanya. Naaaninag ko kung saan siya nakatayo. Malapit lang siya sa 'kin ngunit habang tumatakbo ako ay unti-unti naman siyang lumalayo. Unti-unti siyang nilalamon ng kadiliman hanggang tuluyan na nawala sa harapan ko.
"Hindi!"
***
"Ma'am!"
Napabalingkawas ako sa upuan. Wala sa huwisyo na napatingin ako sa flight attendant na nakahawak sa balikat ko. Mabigat ang paghinga ko at pinagpapawisan din ang aking noo kahit malamig naman sa eroplano.
"Nananaginip po kayo, ma'am. Andito na ho tayo sa airport," malumanay niyang sabi. "Kindly unlock your seatbelt, madame."
Napahilamos ako ng mukha bago tinanggal iyon. Wala sa huwisyong tumayo ako at kinuha ang maliit na bag pack sa baggage bago nagtungo sa pinto.
Hanggang ngayon lutang ako sa napanaginipan ko. Ayokong makuha siya ng kadiliman. Ayokong marinig muli ang paghiyaw niya na tila humihingi ng tulong.
Agad tumama ang sinag ng araw sa mukha ko kaya't tumingin ako sa relong pambisig, malapit na mag alas nuwebe ng umaga. Biglang kumalam ang sikmura ko habang naglalakad sa arrival area.
BINABASA MO ANG
CAMBION | #WattysPH2018Shortlist
ParanormalUNEDITED "Angel of God. My Guardian dear. To whom God's love commits me here. Ever this day or night be at my side, to light and guard, to rule and guide. In Jesus name... Amen." At matapos bigkasin ang panalangin na iyon... ay natagpuan ko ang sar...
