CHAPTER 2: DRUGS FOR MARCO

1.1K 23 0
                                    

Hinahabol ko ang aking hininga at pinagpapawisan ng malamig, mabuti na lang at nagising ako kundi namatay na ako sa bangungot. Tumunog ang cellphone ko. Hatinggabi na pero may istorbong tumatawag sa akin. Dinampot ko ang cellphone at tinignan ang screen nito upang malaman kung sino ang tumatawag. Nang makita ko ang pangalan ni Ethan agad ko itong sinagot.

"Hello?" Nayayamot na sagot ko. Sobrang lakas ng tunog sa kabilang linya tanda na nasa bar nanaman ito.

"Hello?!... Julian?!... Julian!" Sigaw ni Ethan.

"Putik naman Ethan ang sarap na ng tulog ko, ano bang kailangan mo?" Reklamo ko sa kaniya.

"Sorry na pare nawala ko kasi yung binili ko sa iyo kahapon na pills pwede bang dalhan mo ako ngayon?" Sabi ni Ethan.

Nagsindi muna ako ng sigarilyo bago sumagot. "Langya naman Ethan oh, hatinggabi na.."

"Please Julian kahit doblehin ko pa yung bayad." Pangungulit pa nito.

Gusto ko sanang humindi pero nanghinayang ako sa kikitain ko. "Takte ka, oo sige na, diyan ko ba dadalhin sa bar?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi! Dumiretso ka na sa condo ko doon na tayo magkita." Utos nito.

"Teka tukmol mga ilan ba?" Tanong ko kung ilang ecstacy ang dadalhin.

"Mga anim." Si Ethan.

"Bakit ang dami? Baka ma ulol ka dito." Pagbibiro ko.

"Hindi yan atsaka may kasama ako." Sagot niya.

"Naks iba talaga ang kamandag mo, sino nanaman yan na dodonselyahin mo?" Curious kong tanong kay Ethan.

"Si Marco." Maikli niyang sagot. Naubo ako sa sigarilyong hinihitit ko sa kaniyang sinagot. Hindi ako makapaniwala na si Marco ay kasama ngayon ni Ethan.

Hindi na nagtagal pa ang pag-uusap namin at gumayak na ako papunta sa condo ni Ethan. Habang nasa taxi ay hindi mawala sa isip ko si Marco. Isa siya sa masasabi kong matinong estudyante ng university namin. Sikat siya dahil matalino ito at guwapo. Matagal na rin akong may pagnanasa dito. Isang malaking pala-isapan sa akin bakit sila magkasama ngayon.

Alas dos na ng madaling araw ng marating ko ang condo ni Ethan. Ilang beses na rin akong naghatid ng mga pinagbabawal na gamot dito kaya kabisado ko na kung saang floor ang unit niya. Agad akong kumatok pagkatapat ko sa pintuan. Hindi naman nagtagal ay bumukas ang pinto.

"Julian! You're here... C'mon pasok ka." Masayang bati sa akin ni Ethan. Inakbayan niya ako at dumiretso kami sa sala. Doon naabutan ko si Marco na may tinutunggang alak. "Marco this is Julian kaibigan ko, schoolmate din natin siya." Pagpapakilala niya sa akin.

"Marco." Sabi niya sabay abot ng kamay.

"Julian pare." Sabi ko naman at inabot ko ang kamay niya upang makipag-shake hands.

"Dala mo ba?" Biglang tanong sa akin ni Ethan.

"Ah oo dala ko... ito oh." Abot ko sa anim na pills sa kaniya.

"Ano yan?" Takang tanong ni Marco sa amin. Hindi ko alam ang isasagot sa kaniya. Sa isip ko ay baka biglang magsumbong ito sa pulis.

"Diba sabi mo gusto mo makalimot sa problema mo?... ito ang solusyon, Happy Pills para everyday happy." Sagot ni Ethan sa tanong ni Marco sabay abot ng dalawang pills sa kaniya.

Napabuntong-hininga ako ng makitang ininom naman ni Marco ang mga pills tanda na ayos lang sa kaniya. Ibang-iba ang Marco na kasama namin ngayon, masyadong seryoso at tahimik kumpara sa Marco na nakikita ko sa school na laging nakangiti at masayahin.

Naulit pa ang mga ganoong klase ng pagkikita namin. Hanggang sa hindi lang ecstacy or happy pills ang binibili nila Ethan at Marco, gumagamit na rin sila ng drugs, marijuana, cocaine, atbp. Tatay ko ang pinagkukuhanaan ko ng mga epektos na binebenta ko sa mga estudyante sa campus. Panatag naman ako na hindi mahuhuli dahil karamihan sa mga ito ay mga kaibigan at ka-brod ko sa Fraternity.

Minsan nagkasalubong kami ni Marco sa restroom ng school dalawa lang kami noong oras na iyon. Nginitian ko siya at binati.

"Huy Marco... Kamusta?" Pangangamusta ko sa kaniya.

"Kilala mo ko?" Tanong nito. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Gago si Julian ito, ano ka ba." Natatawa kong sabi.

"Sorry hindi kasi kita kilala, I'll go ahead." Paumanhin ni Marco at naiwan ako na gulong-gulo sa inasta niya.

Dahil sa insidenteng iyon naging malaking tanong tuloy sa aking isipan ang pagkatao ni Marco. Kasi kapag magkakasama kaming tatlo nila Ethan para mag session ibang-iba talaga siya. Pinagkibit-balikat ko na lang iyon ang mahalaga nakakasama ko siya sa labas ng campus atsaka mas gusto ko ang Marco na seryoso at tahimik. May pagkakataon pa na nagsasalitan kami ni Ethan sa pagromansa sa kaniya lalo na kung pare-pareho kaming high sa droga. Sa tuwing nagkakasalubong naman kami sa school hindi niya ako pinapansin na tila parang walang nangyari.

Isang araw naglalakad ako sa hallway papuntang gate ng school nang mabunggo ako ni Marco. Nagmamadali ito at umiiyak sinubakan ko pa siyang tawagin ng biglang nag-ring ang cellphone ko.

"Hello?" Sagot ko pagkapindot sa answer button.

"Julian!... Pare nasaan ka?... May problema tayo." Halata sa boses ni Ethan ang pagkataranta.

"Anong problema?... Teka ano bang sinasabi mo?" Pati ako ay parang kinabahan na rin.

"Si Marco... na expel, kumalat sa buong campus yung video." Bunyag ni Ethan sa kabilang linya.

Simula nga ng araw na iyon hindi na namin nakita si Marco at makalipas ang ilang buwan habang nasa school ako biglang ni-raid ng mga pulis ang bahay namin. Nahuli ang tatay ko at dinampot nila ito. Isang tao lang ang puwedeng trumaydor sa akin iyon ay walang iba kundi si Marco. Kinabukasn matapos ang insidenteng iyon nabalitaan na lang namin na patay na ang tatay ko nanlaban daw ito sabi ng mga pulis.

Matapos ilibing ang aking ama kung saan-saan ako nagpunta para hanapin ang tirahan ni Marco, wala akong ibang inisip kundi ang maghiganti dito. Nabalitaan ko na lang na umuwi ng probinsiya si Marco at doon na namalagi matapos ma-expel sa school. Tinawagan ko si Ethan para sabihin sa kaniya ang plano ko. Sumang-ayon ito at sinabi niya sa akin na may isang tao pa na gustong tumulong sa paghihiganti ko, ang kasintahan ni Marco, si Kurt.

Nabuo ang plano naming tatlo mula sa pagkidnap, panghahalay, at ang pagpatay namin kay Marco. Hindi namin sinasadya na madamay ang kaniyang ina pero ang kamatayan nito ay kapalit lang din ng kamatayan ng aking ama.

Matapos noon nagkaniya-kaniya na kaming buhay nila Ethan at Kurt. Wala kaming komunikasyon at balita sa isa't-isa. Nag-transfer ako sa ibang school at ang alam ko ay ganoon din si Ethan.

Lumipas ang limang taon at isa na akong ganap na Nurse dito sa Maynila. Graveyard shift ako kaya sa umaga lagi lang akong tulog.

Nagising ako sa ingay na dulot ng cellphone ko. Nag-aalarm ito tanda na dapat na akong gumayak para sa trabaho. Habang nag-aayos na ako ng gamit naka-receive ako ng isang txt message mula sa aking nililigawan.

"On the way ka na?" Ang basa ko sa mensahe niya. Nag-reply ako na paalis na ako ng bahay. Wala pang isang minuto nagtxtback ulit siya na may sasabihin daw sa akin. Sa isip ko ay baka sasagutin na niya ako ngayong araw.

Nagmadali akong umalis ng bahay at hindi na makapaghintay sa kaniyang sasabihin. Hindi ko maiwasan na hindi mapangiti at kiligin habang naglalakad. Wala akong pakialam kung madilim man ang kalye na aking nilalakaran ang mahalaga makarating ako agad sa hospital.

"Psssst..." Tawag ng isang pulubi sa akin ng matapat ako sa madilim na eskinitang kinaroroonan niya.

Marco (Unang Yugto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon