CHAPTER 7: ANG PULUBI, BALIW AT TAONG-GRASA

519 14 0
                                    

Makalipas ang dalawang taon na pagkakakulong heto at nakalaya na rin ako. Nakasuhan ako ng robbery matapos akong madamay sa panghoholdap sa mga eskinita ng Maynila. Isang hamak lang ako na palaboy noon kasama ko sa kalye ay mga pulubi, baliw at taong-grasa pero wala akong kaalam-alam na napagbintangan na pala ako sa isang kasalanan na hindi ko ginawa.

"Kosa, mag-iingat ka at bisitahin mo kami." Sabi ng isa kong kasama sa bilibid habang nag-aayos ng aking mga gamit sa aming selda.

"Oo naman kosa. Para na kayong pamilya sa akin." Sabi ko naman na tila nalungkot dahil ang mga ito ay ilang taon pa ang bubunuin sa kulungan bago makalaya.

Marami akong nakilalang tao at naging kaibigan sa bilibid, isa na rito si Kuya Rick. Siya ang naging kasangga ko at tagapagtanggol ko kapag may nagbabalak ng masama sa akin noong baguhan pa ako sa loob. Tinuruan din niya ako ng iba't-ibang klase ng self defense para kung sakali raw na makalaya na siya ay kaya kong protektahan ang sarili ko at hindi nga naglaon, nauna nga itong nakalaya sa akin ng ilang buwan. Dahil wala naman mapupuntahan inalok niya akong doon na tumira sa kanila at binigyan rin ako ng trabaho sa isang Bar.

Kahit ex-convict tinanggap pa rin ako ng may-ari ng Bar. Hindi sa pagmamayabang pero sabi nila gwapo raw ako lalo na kapag medyo seryoso ang mukha ko. Pinagbutihan ko ang aking trabaho kahit gabi-gabi akong pagod at puyat. Hindi ko akalain na ang pagtatrabaho ko sa Bar na iyon ang magbabago ng buhay ko. Isang gabi dahil wala akong magawa sa bahay ay pumunta ako sa Bar kahit na day off ko. Pumwesto ako sa counter table at doon nag-inom mag-isa. Habang lumalalim ang gabi isa-isang napupuno ng tao ang loob ng Bar. Dinarayo ng mga kabataan ito na halos ka-edad ko lang sa tuwing sasapit ang Biyernes at Sabado. Maraming chicks ang lumalapit sa akin pero tinatanggihan ko lang dahil kahit noon pa man alam ko sa sarili ko na lalaki ang gusto ko.

Nang maramdaman ko na ang tama ng alak ay nagdesisyon na akong umalis. Tinawag ko ang aking kaibigan na bartender upang magbayad. Habang naghihintay ako ng sukli may isang lalaki ang lumapit sa akin at tinawag akong Marco, ang pangalan ng kakambal ko.

"Hi!.. You're Marco right?... Im Ethan!" Pagpapakilala niya sa akin.

"Marco?... Bakit... Bakit mo ko kilala?" Pagpapanggap ko. Sa isip ko ay mukhang natagpuan ko na ang taong magiging susi para mahanap ang nawawala kong pamilya.

"We are schoolmates. Tourism ang course ko, ikaw education diba?" Sagot niya sa akin.

"Schoolmates?... education..." Bigkas ko.

"Are you okay?" Tanong ng nagpakilalang Ethan sa akin.

"Ahh oo... okay lang ako." Wala sa wisyo kong sagot.

"Sige alis na lang ako mukhang mas gusto mo ang mapag-isa." Sabi ni Ethan. Na-alarma ako ng akmang aalis na siya.

"Huwag... Dito ka lang... Ahm kailangan ko ng kausap." Pagpigil ko sa kaniya.

"Are you sure? Okay lang sa iyo na nandito ako?" Tanong ni Ethan..

"Oo.. oo naman, may problema lang." Sabi ko.

"Mukhang mabigat yan ahh, wanna share?" Sabi niya. Nagkwento ako kunwari na may problema sa pamilya. "You know what, may alam akong solusyon diyan?"

"Solusyon?" Tanong ko sa kaniya.

"Gusto mo makalimot sa problema diba?" Tanong rin niya. Tumango ako bilang pagsang-ayon.

Inaya niya akong umalis sa bar at pumunta sa condo niya matapos may kausapin sa cellphone si Ethan. Alas dos na ng madaling araw ng marating namin ang condo niya at inabutan niya ako ng alak sa sala. Habang nagkwekwentuhan nakarinig kami ng mga katok sa pintuan. Tumayo si Ethan at pinagbuksan niya ang taong kumakatok.

Marco (Unang Yugto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon