PROLOGUE: JUSTICE FOR MARCO

1K 34 7
                                    

Nagmamadali si Marco na pumasok sa kanilang bahay dala ang isang magandang balita. Humihingal siyang hinahanap ang ina pero agad naman niyang natagpuan ito sa kusina habang naghuhugas ng pinggan.

Dinampot ni Marco ang maliit na whiteboard at marker na nakapatong sa lamesa upang doon niya isulat ang balita at para mabasa na rin ito ng kaniyang ina.

"Mama, may good news ako sa iyo." Panimulang sulat ni Marco at sabay harap ng whiteboard sa ina.

"Ano iyon anak?" Nagtatakang tanong ng ina ni Marco. Sumilay ang isang napakagandang ngiti sa mga labi ni Marco bago siya muli nagsulat sa whiteboard.

"May tumawag sa akin Ma, tutulungan daw tayo ipagamot ang mga tainga mo." Hindi pa rin nawawala ang mga ngiti niya habang pinababasa sa ina ang sinulat.

"Talaga?! Sino siya anak?! Maraming salamat naman kung ganoon!" Galak na sabi ng ina ni Marco. Dahil hindi na siya nakakarinig halos pasigaw na ito kung sumagot.

Nagpatuloy ang mag-ina sa pag-uusap gamit ang maliit na whiteboard, marker at eraser. Kitang-kita sa mga mata at ngiti nila ang saya o pag-asa na babalik din ang pandinig ng ina ni Marco. Naaalala pa niya, dalawang buwan na ang nakaraan, isang mainit na tanghali inatake ng high blood ang kaniyang ina. Matapos painumin ng gamot at mahimasmasan ito, duon na siya nagsimulang hindi makarinig. Ayon sa ENT Clinic na kanilang pinagkonsultahan may naipit na ugat sa utak ng kaniyang ina at iyon ang naging sanhi kung kaya nawalan ng pandinig sa magkabilang tainga ang ina ni Marco.

Noong hapon din na iyon nagdesisyon si Marco na makipagkita sa taong gustong tumulong sa kanila. Wala siyang ideya kung sino ito basta ang alam niya ay isa itong doktor at nabalitaan ang lagay ng kaniyang ina. Ayaw na sana niyang isama ang ina ngunit nagpumilit ito para raw personal na makapagpasalamat sa doktor. Halos dalawang oras din ang naging biyahe nila dahil na sa kabilang bayan pa ang address na ibinigay kay Marco.

Ala-sais na ng gabi nang makarating sila sa lugar na kanilang pinuntahan. Palubog na ang araw at nagdidilim na ang kalangitan nang mga oras na iyon. Mula sa bus terminal nag-tricycle pa ang mag-ina. Parehong nagtataka ang mga mukha nila matapos bumaba ng tricycle, dahil isang abandonadong gusali ang bumungad sa kanila. Nagtanong pa si Marco sa tricycle driver kung tama ba yung address na pinuntahan nila ngunit umoo lang ito at umalis. Hindi maintindihan ni Marco ang nararamdaman dahil tila niloko lang siya ng kausap.

Kinuha ni Marco ang cellphone sa bulsa upang tawagan ang nagpakilalang doktor at tanungin kung tama ba ang address na ibinigay sa kaniya, ngunit bago pa man niya ma i-dial ang numero nito isang matigas na bagay ang pumalo sa kaniyang ulo at wala pang isang minuto ay nawalan na siya ng malay.

Nagising si Marco matapos siyang buhusan ng tubig sa mukha. Mahilo-hilo pa ito ng idilat ang mga mata. Napansin niya na nakahiga siya sa kama at hubad ang katawan, samantalang ang kaniyang mga kamay ay parehong nakagapos sa magkabilang gilid ng kamang iyon. Iisa lang ang bumbilya na nagsisilbing ilaw kaya may kadiliman sa ibang parte ng kuwarto na kinaroroonan niya.

"Sino ka?!" Sigaw ni Marco nang may maaninag na taong nakasandal sa pader.

"Lintik ka anong kailangan mo sa akin?! Nasaan ang Mama ko?! Anong ginawa mo sa kaniya?! Sumagot ka!" Sunod-sunod na sigaw ni Marco ng hindi nagsalita ang lalaki.

"Kamusta ka na Marco?" Sabi ng lalaki. Tila huminto naman ang mundo ni Marco ng marinig ang boses ng taong kasama niya sa kuwartong iyon.

"K-Kurt? Ikaw ba yan Kurt?" Tanong ni Marco.

"Buti naman at naaalala mo pa ako?" Sabi ni Kurt habang lumalakad ito palapit sa kama. "Naaalala mo rin ba kung paano mo ko ginago?! Niloko?! Ginamit?! Iniwan na parang basura sa tabi?! Sigaw na tanong ni Kurt.

Natahimik si Marco sa pagkakataong iyon. Biglang sa isang iglap nagbalikan ang nakaraan nila ni Kurt, ang masasayang araw nila bilang magnobyo, ang mga pangarap na pilit niyang inaabot para sa kinabukasan nilang dalawa, ang mga matatamis na pangako nila sa isa't-isa ay biglang naglaho sa di inaasahang pangyayari.

"Please Kurt pakinggan mo ko, mahal na mahal ki-.." Hindi na natapos ni Marco ang kaniyang sinasabi dahil tinakpan ni Kurt ng palad niya ang bibig nito.

"Ssshh... Hindi mo na mapapa-ikot ang ulo ko." Sabay tawa ni Kurt. Sa isip naman ni Marco ay parang ibang tao na ang kausap niya, ibang-iba sa Kurt na kilala niya. Sinubukan niyang magpumiglas pero masyadong mahigpit ang mga kamay ni Kurt na nakatakip sa kaniyang bibig.

Nagpatuloy si Kurt sa pagsasalita. "Sila? Naaalala mo pa rin ba?" Sabay turo sa mga lalaki na palapit na rin sa kanila.

Nanlaki ang mga mata ni Marco ng makilala niya ang dalawang lalaking tinutukoy ni Kurt. Gulong-gulo ang kaniyang isip kung bakit magkakasama silang tatlo at bakit silang apat ay nasa iisang kuwarto.

Biglang sinubuan ni Kurt ng isang maliit na stress ball ang bibig ni Marco at tinalian niya ito ng bandana para hindi ito sumigaw at magsalita. Walang humpay sa pagpupumiglas si Marco lalo nang makita niyang naghuhubad na ng mga damit ang dalawang lalaki. Wala na siyang nagawa pa nang pinagpasa-pasahan siyang gahasain ng mga lalaki sa kamang iyon. Pagmamakaawa naman ang makikitang imahe sa mga lumuluhang mata ni Marco. Isa? Dalawa? Tatlo? Hindi na niya mabilang kung ilang beses nagpakasasa ang mga ito sa makamundong gawain sa kaniyang katawan.

Magkahalong poot, pandidiri at takot ang nararamdaman ni Marco habang siya ay binababoy ng dalawang lalaki, samantalang si Kurt ay nanonood lang sa mga nangyayari. Habang ginagamit nila si Marco ay sinasabayan din nila ito ng bugbog sa iba't-ibang parte ng katawan at sampal sa inosenteng mukha nito. Pagluha lang ang kayang isagot ni Marco sa sinasapit niya sa mga oras na iyon at nagdadasal na sana matapos na ang paghihirap sa mga kamay ng mga lalaking tila hayok sa laman.

Manhid na ang buong katawan pati kaluluwa niya sa mga pinag-gagagawa ng mga ito. Mababanaag sa katawan niya ang mga pasa at halata na lupaypay na ito. Matapos pagsawaan ng dalawang lalaki si Marco, naghubad na rin ng damit si Kurt.

Napatingin naman si Marco sa bandang gilid ng kuwartong iyon at nakita niyang nakagapos doon ang kaniyang ina sa isang upuan. May tali rin ang bibig nito at puro pagluha lang ang kayang gawin. Kitang-kita nito kung paano nila parusahan ang anak. Napansin naman ni Marco na palapit na si Kurt kaya muli nanaman siyang nagpupumiglas, sinusubukan niyang magsalita ngunit masyadong mahigpit ang tali sa kaniyang bibig. Tulad ng dalawang lalaki nagpaksawa rin si Kurt sa kaniyang katawan. Halos mawalan ng malay si Marco sa tindi ng sakit na ginawa sa kaniya.

"Iyong nanay niya patay na ata."

"Ha? Paanong namatay?"

"Hindi ko alam Kurt. Bigla na lang nangisay at bumula yung bibig."

"Ano nang gagawin natin?"

Iyon ang mga salitang narinig ni Marco habang nag-uusap ang tatlo. Isa-isa silang lumapit sa kama at napansin naman niyang tinatanggal na ang gapos sa kaniyang mga kamay at gustuhin man niyang manlaban ay hindi na kaya ng katawan nito. Binuhat siya ni Kurt at lumabas sila ng kuwartong iyon. Lahat sila ay sumakay sa isang van kasama ang patay na niyang ina.

Ilang oras pa ay huminto ang van sa isang gubat. Sa lugar na iyon limang saksak ang natamo pa niya at sa bawat dugong tumatagas alam niyang hindi na siya mabubuhay pa. Hinding-hindi malilimutan ni Marco habang naghihingalo kung paano sila pinagtabi ng kaniyang ina sa lupa at ang mga patay nilang katawan ay tinabunan ng mga sanga at tuyong dahon. Ang madilim, masukal at tahimik na gubat ang nagsilbing himlayan ng mag-ina.

Marco (Unang Yugto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon