Chapter 5

265K 4.2K 514
                                    

Chapter 5

“Am I ugly Mom?”  Yun ang bungad ko kay Mommy isang araw pagkarating ko galing school. 4th year highschool na ako. I already get rid of my glasses and my braces.  I am already a teenager and my hormones are raging.

The problem is…wala man lang nanliligaw sa akin. Ang nakakainis pa, almost all of my classmates have a boyfriend. Pati ang pinakapangit may boyfriend pero ako ni isang manliligaw wala. What is wrong with me? Mas panget ba ako sa pinakapanget? Hindi ko ata matanggap na sa yaman kong to, ay  ako ang pinakapanget.  Maganda naman si Mommy, gwapo naman si Daddy kaya hindi pwedeng maging panget ako. Cannot be, borrow one talaga!!!!

“Of course not baby. You are beautiful. Manang mana ka sa akin. Bakit mo nasabi yun?” Ngiting ngiti pa si Mommy habang sinasabi yun. Tapos tumingin pa siya sa mukha niya na nagrereflect sa glass table namin. Tapos ngumiti siya.  I pouted.

“Are you telling me that because you are my mother?”  Ganun naman di ba? Kahit panget ang anak maganda pa din sa tingin ng mga Nanay.

“Of course not.” Napatingin ng seryoso sa akin si Mommy. “Don’t insult your beautiful mother dear, Now tell me why are you saying those things?” Tapos kinuwento ko sa kanya ang dilemna ko. Na wala kahit isa na nanliligaw sa akin. Ni tingin ayaw akong tingnan ng mga schoolmates kong lalaki. At hindi ko yun maintindihan.

“And Mommy, sa tuwing tumitingin sila sa akin, parang natatakot sila. Imagine, ikaw nga nung highschool ka magboyfriend na kayo ni Daddy tapos ako wala kahit isang manliligaw! Akala ko nga nung 3rd year ako may manliligaw na sa akin pero hindi ko alam kung bakit magiging close sila sa akin tapos the next thing I know iniiwasan na nila ako. Is something wrong with me? Gagraduate na ako pero di ko man lang maranasan ang magkalovelife  sa a highschool student.” Hindi talaga ako mapakali. Bakit nilalayuan ako ng mga boys?

Bakeeeeettttttt!!????

_______

2 years ago

Luke’s POV

“Oi Luke, bakit parang di ka natutuwa na gagraduate na tayo sa wakas? Akala ko nga di ka makakagraduate kasi  kala namin talaga babagsak ka sa Physics. Pero akalain mo yun! Pinasa ka ni Ma’am! Ang bait ni Ma’am!! ” Tuwang tuwa na sabi ni Carl. Pakingshet yan! Sinipa ko ang bola sa harapan ko. Nagtaka naman sila.

“Tangna namang teacher yun! Ginawa ko na ang lahat para bumagsak ako pero pinasa pa din ako. Pakshet talaga!”  Sinipa ko ulit ang isang bola. Lalo silang nagtaka.

“Hoy! Anong sinasabi mo? Sinadya mong ibagsak lahat ng quizzes at exam mo sa Physics?” Nakapalibot na silang lahat sa akin. Nasa gym kami at katatapos lang ng practice namin.

“Physics teacher ba talaga yun? Bakti di marunong magcompute ng grade?”  Sabi ko  pa din. Kakaasar talaga kasi eh. Akalain mo yun! Ipinasa pa ako! Taeng buhay talaga to!

“Ayaw mong gumradweyt?” halos sabay nilang tanong sa akin.

“Paano ko Sia mababantayan kung gagraduate ako?” Mga bobo to! Di nag iisip.

“Sinong siya?” Tanong ng future team captain. Siya ang papalit sa akin. Jason ang name niya.

“May iba pa bang Sia dito sa school? Eh di si Rayne?”  Si Carl yan.

“May plano kang sumabay niyang gumradweyt para lang mabantayan siya? Ang tibay mo Pre. Hindi ka kaya ibitay ng tatay mo niyan? Dalawang taon mo siyang hihintayin? Hindi ka gagaradweyt ng highschool?” Nagtawanan sila. Tumahimik lang ako.  Oo yun talaga ang plano ko. Ang hirap naman kasi bakit ako pinanganak ahead sa kanya. Kung kaklase ko sana siya eh di walang problema. Laking pasalamat ko talaga at nerd nerdan ang drama nung babaeng yun kaya madami ang hindi pumapansin sa kanya.

Pero paano na lang kung aalisin niya ang eyeglasses niya? Kung ipapatanggal niya ang braces niya? Paano na lang? Baka dumugin siya ng mga lalaki at paano kung wala ako? Eh di naagaw siya! Takte!

“Lakas ng tama mo sa kanya tol. Akalain mong gagawin mo yun? Eh ni hindi nga niya alam na may gusto ka sa kanya.”  Oo hindi niya alam. Hindi ko nga alam kung naïve siya,manhid o tamang tanga lang talaga. Nakakabanas. Ang suplada pa ng babaeng yun. Paano ako makakapanligaw kung paparating pa lang ako tumataas na ang kilay niya. At wala pa akong sinasabi binabara na niya ako. Takte naman talaga. Ang hirap hirap naman dumiskarte sa ganun. Kaya na instead na panliligaw ang sasabihin ko sa kanya, bestfriend ang lumabas sa bibig ko. Tae lang!

“Sa dinami dami naman ng may gusto sayo at mga naghahabol, bakit kasi siya pa ang nagustuhan mo?” Napakamot na lang ako ng ulo. Hidni ko din kasi alam.

“Ewan ko nga ba! Di ko din alam. Inis nga din ako sa kanya nung una pero kasi siya lang ang nerd na mataray na nakilala ko. Alam niyo yun, yung nerd na bully. Siya yun eh. Kaya naiinis ako kasi hidni naman habambuhay na magiging nerd ang itsura noon.”  Nakabusangot na ang mukha ko. Badtrip na badtrip kasi ako nung makita ko ang grade ko at pangalan ko na nakasama na list of candidates for graduation. Ampupu!

“Bakit kasi ginawang mong bestfriend at di mo niligawan? Eh di sana, di ka namomroblema sa pagbabantay sa kanya.” Si Carl.

“Pagkakaibigan nga lang parang ayaw pa niya ibigay, pagiging girlfriend pa kaya?” Umiling iling silang lahat.

“Di mo na kailangan di gumraduate para mabantayan siya.” Sabat ni Justine. Ang future team captain. Napatingin naman ako agad sa kanya.  Aba! Mukhang may magandang idea itong si Justine.  Napatingin din ang iba sa kanya.

Tumingin siya sa amin ng nakakaloko tapos ngumisi.

“Ano pa ang silbi naming mga lower years kung di namin mababantayan ang pag aari mo Luke.” Tumaas taas pa ang kilay niya. Gusto ko ang sinabi niya. Pag aari pero wag lang marinig ni Rayne at baka ilibing niya ako ng buhay. Pero may point itong si Justine.

Tapos nagkatinginan kaming lahat tapos nagtanguan. Tapos ngumisi.

“I-memeeting natin mamaya ang captain ng soccer team para sa adhikain na ito.” Sabi ni Carl.

“Tama!” Sabay sabay naming lahat.

“Simula ngayon, may panibago na tayong krusada.” Tumayo pa si Justine at parang proud na proud sa naisip niya.

“At ang krusadang ito ay tatawagin nating…..

OPERATION ULAN.”

Halikan Kita Dyan Eh! (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon