Chapter 11.
Tiningnan niya ako ng may ngiti sa mga labi. Hindi ko alam pero I feel edgy dahil sa klase ng tingin at ngiti niya.
“My answer to question number 2 is…” He looked at me seriously at naiilang akong tumingin sa kanya. And without even blinking he said…”…becauseI wanna make you smile whenever you're sad. Carry you around when your arthritis is bad. All I wanna do is grow old with you. I'll get your medicine when your tummy aches. Build you a fire if the furnace breaks. Ohhhh…”
“Stop!” Ang lakas na talaga ng tibok ng puso ko. Feeling ko pulang pula na ang mukha ko sa sinasabi niya. Tapos habang sinasabi niya yun may actions pa siya. Oo matagal ko ng kilala si Lucas but I never thought that he could be that poetic.
“I am not yet finish.” Reklamo pa niya.
“That’s already five sentences.” Pero ang totoo, hindi ko alam ang nararamdaman ko. Kung ano ang irereact ko. Bakit ba parang ako ang kinakabahan samantalang siya, relax na relax na nakaupo sa sofa at pangiti ngiti pa.
“Question number 3. Worth 5 points. If, only if, I allow you to court me, how far would you go?” Hah! Sa tingin ko kasi hindi siya magtatagal. Siya pa! Wala akong alam na may niligawan siya. Kaya nga ang yabang yabang niya eh kasi madaming girls ang naghahabol sa kanya. And pustahan tayo, after nito titigil na yan. Hindi siya sanay na nahihirapan.
“Ang corny naman! Sana nagscrabble na lang kayo!” Napatingin ako bigla sa nagsalita at nakita ko ang kapatid ko na papalabas ng kitchen.
“Kriztian!” Sigaw ko sa kanya. Kanina pa ba siya nakikinig? Ang epal talaga niya. Kabwisit. Madali ata akong mamamatay dahil sa kapatid ko.
“What? Eh ang corny mo naman talaga. May quiz ka pang nalalaman eh nililigawan ka pa nga lang. At saan ka ba nakakita na nagkquiz habang nagliligawan? OA much?” Naningkit ang mga mata ko sa sinabi ng bwisit kong kapatid. I clenched my teeth and my hand na nakahawak sa IPad and I was about to throw it at him nung may humawak sa kamay ko. Napatingin ako kay Luke na bigla na lang nasa tabi ko at pinipigilan akong ibato sa kapatid ko ang Ipad.
“Wag yan. Wag! Nakasave dyan ang laro ko ng Stick wars at Plants vs Zombies. Madami na akong tanim sa Zen garden. Ayaw kong umulit. Ito na lang.” Tapos binigay niya sa akin ang throw pillow. Wala sa sariling kinuha ko ang throw pillow pero hindi ko nagawang ibato ito sa kapatid ko. I was frozen on the spot looking at Luke na parang nakita ko siya for the first time. Na focus ang tingin ko sa mole niya sa mukha, sa matangos niyang ilong na mamula mula pa sa dulo at sa mahaba niyang eyelashes. At ngayon ko lang napansin na ang mga mata niya ay light brown. Tapos ang kinis pa ng mukha niya na parang nahiyang tumubo ang mga pimples at ang whiteheads at blackheads. And then my eyes focused on his lips at bumalik sa alaala ko nung hinalikan niya ako sa kotse. Nag init bigla ang pisngi ko. Hala! Bakit yun ang naalala ko?
Shit!
Bakit sa lahat ng pwedeng maalala, bakit yun pa? Napapikit ako para alisin ang bad memories. Pero dumilat ako ulit bigla dahil nagulat ako sa ginawa niya.
“Ouch!” Pinisil niya ang pisngi ko. Ngiting ngiti siya.
“Alam kong pogi ako, you don’t have to drool.” Doon ako natauhan. Ang yabang yabang talaga. I reminded myself kung bakit ayaw ko sa kanya. Kung bakit simula pa lang ayaw ko na siyang maging kaibigan. Dahil ang yabang yabang niya at alam kong ang panliligaw niya ay trip trip lang niya. Lahat ng to, ay trip lang niya dahil wala siyang magawa.
Kunsabagay, summer ngayon, ang boring ng buhay kaya itong si Luke JoPierre ay naghahanap ng pastime at ako ang malas na napag tuunan niya ng pansin. Bwisit. Parehas alng sila ng kapatid ko.
“Ano ba!” Inalis ko ang kamay niya sa nakapisil sa pisngi ko. Sumimangot na din ako. Bakit nga ba hinarap ko pa siya? Nabwisit tuloy ako.
“Kahit nakasimangot ka, ang cute cute mo pa rin!” Pipisilin niya sana ulit ang pisngi ko pero lumayo ako.
“Umalis ka na nga! Maghanap ka ng ibang pagtitripan mo!” Hindi ko alam kung bakit bigla nag init ang ulo ko. Kanina naman excited pa akong bigyan siya ng quiz pero bakit ngayon naiinis na ako? Dahil ba narealize ko na ang panliligaw niya is nothing but a whim?
Am I disappointed na hindi pala siya seryoso?
C’mon Rayne, bakit ka naman madidisappoint. So what kung hindi seryoso si Luke? Bakit ka naapektuhan?
Ewan ko! Kainis! Kainis! Kainis!
“You really think na trip trip lang ang lahat?” Bigla naman siyang sumeryoso. Ang bipolar niya. Kanina ngiti siya ng ngiti at tawa ng tawa. Ngayon naman seryoso siya bigla.
“Of course. Kelan ka ba nagseryoso? You know what? Kilala kita, you will do everything para lang ma amuse mo ang sarili mo.” Hindi siya nagsalita. Instead, tiningnan lang niya ako. Sinalubong ko ang tingin niya. We are both standing and facing each other.
“Paano kung seryoso ako? Paano kung hindi ako nantitrip? Paano kung gusto talaga kita? Paano kung inlove talaga ako sayo?” Parang hindi ko makayanan ang intensity ng titig niya pero pinilit kong tingnan pa din siya. He is not even smiling.
“Enough Luke. Just stop it.” Grabe ang kaba ko. Parang masusuffocate ako at feeling ko naririnig na niya ang heartbeat ko. Bakit ganito?
“Prove to me that I’m not serious.” Seryoso pa ding sabi niya.
“What?”
“If you can prove that I am not serious and what I’m doing is just a whim, then I will stop everything Lorraine.” Ano ang pinagsasabi niya? Nakatingin lang ako sa kanya.
Tapos nagulat na lang ako when he pulled me towards him and kissed my cheek. Tapos bumulong siya.
“You’re still adorable, even with your twisted mind.” Hindi ako nakareact kaagad. Was that a compliment or an insult? Pero bago ko pa matanong yun sa kanya, nakalabas na siya ng front door.
A/N: Sorry sa boring na update. Wala ako sa mood nung sinulat ko to.
BINABASA MO ANG
Halikan Kita Dyan Eh! (Published under PSICOM)
Teen Fiction“You chose the hard life, I chose to love you.” Ara Loraine “Rayne” Yen-Sia has everything. Luke JoPierre Zamora Cariño has her heart. And he chose to break it. She chose to run away from everything. She’d moved on and he’s still stuck. ...