Chapter 9

239K 3.7K 233
                                    

Chapter 9

“What!!??” Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kapatid kong may sariling mundo. Pero para wala lang sa kanya ang sinabi niya samantalang ako, parang masisiraan na ako ng bait dahil sa nalaman ko. Ano ang Operation Ulan? At ano ang koneksiyon nun sa hindi ko pagkakaroon ng boyfriend or suitor man lang.

“What are you talking about? I never heard such a thing! And paano nainvolve si Luke doon?” Hello! 4 years na ako sa school na yun at si Kriztian, 1 year pa lang how come na alam niya ang mga bagay na yan at ako ay hindi? Is it some kind of a fraternity at school?

“Ang manhid mo kasi kaya ganun. Bago maggraduate si Luke, Operation Ulan was formed. ’ Ulan’ for Rayne. And the main goal of that operation is to guard you from any guy. So definitely, off limits ka sa lahat ng varsity kasi sila nga ang tagabantay. And anyone, who showed interest on you are being warned.” Baliwala niyang sabi sabay subo ng steak. Me, Mom and Dad are looking at Kriztian but he doesn’t seem to mind. I was shocked sa narinig ko. So, that explains why until now, no one dared to court me.

“How did you know all of that? And since when did you know about that?” Nanlalaki ang mga mata ko sa kapatid ko. Kung wala lang kami sa harap ng pagkain at kung wala lang sina Mommy, binato ko na ng plato si Kriztian.

“I am a member of a soccer team nung nag first year ako di ba? Siempre alam ko. Hindi naman ako kasing insensitive mo!” First year? At mag sesecond year na siya this coming school year, so isang taon na niyang alam ang tungkol sa conspiracy against me but he didn’t tell me?

“And why didn’t you tell me about it?” Nakakainis! I swear I am going to kill Luke Jopierre for this. He manipulated half of my high school life. Pinakait niya sa akin ang pagkakaroon ng boyfriend. I am going to kill him.

“Why would I tell you? Close ba tayo?” Lalong kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi niya. How I hate having a brother. Bakit ba kasi nag anak pa sila Mommy at Daddy. Okay lang naman na mag isa lang ako di ba? I really, really hate Kriztian.

“I hate you!” I hissed at him.

“Same here.” Balewalang sabi niya at muntik ko na siyang batuhin ng tinidor kung hindi lang ako pinigilan ni Mommy.

“Stop it! You two. Nasa harap tayo ng pagkain. And Rayne, you better talk to Luke about it. But please darling, let him explain first before you do something drastic.” Tumingin lang ako kay Mommy na nakasimangot.  Pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pasimpleng sulyapan nila ni Daddy at ang tipid na ngitian. Ano ba yan! They are flirting with each other in front of us. Its gross!

Pero tama si Mommy. I should talk to Luke but I won’t follow her advice na makikinig pa sa kanya. I will kill him, the moment I saw him. Bumalik na ako sa pagkain ko pero habang kumakain ako, I am formulating my plan step by step. He will regret what he’d done.

Gigil na gigil ako sa kinakain ko, imagining that it was Luke nung pumasok ang isang katulong namin at napatigil ako sa ginagawa ko sa sinabi niya.

“Ma’am, Sir, nasa living room po si Sir JP, kakausapin daw kayo.” I was frozen. Andito siya? What the hell? What do I do? Nagpapanic ang sistema ko. Bakit andito siya? I am not yet ready.

Halikan Kita Dyan Eh! (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon