Chapter II

7 0 0
                                    

YURI AYIESHA LEIGN FRANCISCO

" Leign."

I stop in my track when I hear that. Isang tao lang naman ang tumatawag sakin ng pangalan na yan maliban sa Tito Pong ko.

" Cesar."

I smirk when he cringed at the name.

" It's Baron, Leign." nakasimangot nyang tugon.

" It's Ayiesha. Kung ayaw mong tawagin kitang Cesar quit calling me Leign." nauna na akong maglakad sa kanya kaso pinigilan nya ang braso ko.

Hays.I don't have time arguing with him.

" I don't have time for you Cesar kaya pwede ba?" naiirita na kasi ako sa kanya.Wala akong time sa mga sasabihin nya dahil malamang kukulitin na naman nya ako na sagutin sya.

Oo. Nanliligaw kasi ang kumag na to. Kahit na di ko maalala na pumayag ako.

" Bakit? Dahil ba sa nerd na yun? Ano bang meron sya na wala ako?" seryoso nyang tanong.

I look at him weirdly.

" What the hell are you talking about?"

" Maraming nagsasabi na masyado daw kayong close nung nerd na yun. Nakita ka pa nga nilang masayang masaya ka kasama yun." He said through gritted teeth.

I furrowed my brows at him.

" Si Mishan ba yung tinutukoy mo?" Natatawa kong tanong.

" Walang nakakatawa, Ayiesha. So totoo nga? How could you do this to me?" napataas nalang ako ng kilay sa ka OAhan nya at dahil sa pagtawag nya sa pangalan ko.

Mukhang galit na ata.

" FYI, Mr. Bonifacio. Mishan is my tutor,ok? At unang una walang tayo kaya wag kang  umarte na selos na selos ka. Pangalawa wala kang karapatan magalit dahil sa pagsama ko sa kanya. Buhay ko to, lubayan mo ko."

Pagkatapos non ay tumalikod na ko with matching flip ng hair para pak yung pagwa walk-out ko.

•••••••

MISHAN ANDRIUS BALTAZAR

" Pre, did you hear the news?"

"Ano pre?"

" Pinahiya daw ni Miss Ayiesha si Baron dun sa hallway."

"Ows? Hahaha. Serves him right."

" Hahaha! Oo nga. Mas bagay kami ni Miss Ayiesha."

Napapailing na lamang ako sa na naririnig ko. Kalalaking tao, mga tsismoso.Pero kung tutuusin mukhang wala naman talagang gusto yung si Ayiesha sa Baron na yun. Hindi naman nya kasi nabanggit kapag tinututor ko sya.

I was in the middle of tidying my table ng may dalawang lalaki ang sumipa sa table ko dahilan upang tumapon lahat ng gamit ko dun.

I look up at them.

Psh. Mukhang maangas. Ano na naman problema ng mga to?

" Ikaw ba si Mishan?" tanong nung isang kamukha ni baby ama.

" A- Ako nga."

" Sumama ka samin." Sabi ulit nya.

Kumunot ang noo ko sa narinig. Pero bago ko pa matanong kung bakit ay nahawakan na nila ako sa magkabilang braso at tinangay palabas ng room.

Ano na namang pakulo to?

Dumiretso kami sa likod ng campus. I was prone to bullying dahil narin sa get up ko so I remain calm and collected kahit alam ko na kung saan patungo to.

Itinulak nila ako sa pader. Pagharap ko sa kanila isang malakas na suntok ang bumungad sakin. Napabagsak ako sa sahig.

Not bad.

" Pasensya na pre, napag utusan lang." Sabi nung kasamahan ni baby ama tapos ay pinagsisipa na nila ako sa sikmura.

Sunod sunod na tadyak at suntok ang natanggap ko sa kanila. Wala akong balak lumban dahil hindi iyon akma sa karakter ko sa eskwelahan na to. Kahit na hindi ko na maidilat ang isa kong mata kailangan ko paring magtiis.

Saglit silang huminto. Ng idilat ko ang isa kong mata ay nakita kong dumampot sila ng malapad na dos por dos.

Napangisi nalang ako.

Talagang may balak silang tuluyan ako.

Hinanda ko na ang sarili ko sa paparating na sakit ng makita kong inaamba na nila ang hawak nila. Ngunit bago pa man ito humampas sakin ay bumagsak na ang dalawang bakulaw sa harap ko.

"Is the great Mishan Andrius getting bullied again?" nakakalokong tanong sakin ng kadadating na si McKenzie.

Natawa ako ng mahina ngunit napadaing din agad. Hinawakan ko ang tiyan kong kumikirot saka naupo at sumandal sa pader.

" Kung hindi kami dumating ay malamang na lasog lasog na yang katawan mo." sabi naman ni Lei na nakangisi pa.

" Anong​ ginagawa nyo dito?" tanong ko nalang.

Ang alam ko ay hindi sila dito nag-aaral kaya nakapagtatakang napadpad sila dito. Silang dalawa ang tinuturing kong mga kaibigan. Mula bata pa lamang ay magkakaibigan na kami.

" We transferred here." sagot ni McKenzie.

Napakunot noo ako.

"Why?" tanong ko ulit. Pareho silang nagkibit balikat.

" Wala. Trip lang namin. Sige pre itapon lang namin tong mga basura." halatang umiiwas na sagot ni McKenzie.

Napailing nalang ako habang pinapanood silang hatakin yung dalawang bakulaw.

Malamang iniutos ni chairman kaya sila nandito.

••••

Inayos ko muna ang suot kong mask at cap bago tuluyang pumasok sa building dala ang isang kahon. I entered the elevator then pressed the button to 3rd floor.

" Be careful bro may bodyguard​sa harap ng unit ni Ayala." dinig kong paalala sakin ni Lei mula sa wireless earbuds ko.

" No need to remind me that." I said coldly.

" Back to your usual self,are we?" natatawang sabat naman ni McKenzie.

Sasagot na sana ako ng bumukas ang elevator at pumasok ang dalawang tao na hindi ko inaakalang makikita ko dito.

To be continued...😉

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love me or Kill MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon